"I can't do this mom. I thought uwian ang LHI? Bakit kailangan ko pang mag-dorm eh malapit lang naman siya sa village natin?"
When Mrs. Lilith said that dorming dormitories is the first stricted rule in the university, nagreklamo ako na kaagad niyang tinutulan. As in kapag nandoon ka na, wala nang labasan, physically. Every weekends ay puwedeng umuwi pero for god's sake, hindi ko na kayang sikmurain 'yon. Living for a whole 4 years with a bunch of boys can't take it anymore. Halos hindi ko ma-imagine.
"That's their stricted rule, my son. Kahit ang dad mo ay tumutol noon dahil magnobyo pa kami ng mga kapanahunang iyon. But anak, once you studied there, magiging simultaneous na ang lahat. You easily adopt any environment so why not to try something more? Just accept it as a challenge okay? Every weekends naman ay makakauwi ka sa bahay eh."
"But mom, I worry na baka m-mapahiya lang ako once na malaman nila ang orientation ko. Atsaka, nag-aalala lang ako sa condition ninyo once na mawala ako."
"Don't worry to us, my son. Nandiyan ang Kuya Cedric at Ate Katelyn mo para tulungan kami dito sa bahay. You need to focus in your studies, not us."
"Yes 'lil brother. Hindi naman namin papabayaan sina mom and dad, right kuya?"
"Ofcourse. Just study well Fluke and we will do the rest."
Tumango na lang ako sa kanilang lahat. Paano ako mananalo kung lahat sila ay pine-persuade akong tanggapin ang hamon na tumira sa dorm?
"Alright. Fine. You're all right. Malaki na ako and I can stand on my own. From now on, I'm not a scaredy cat anymore. I excuse myself kasi mag-eempake na ako for tomorrow's assembly."
"Agad-agad?!"
"Yes Ate Katelyn. Expect niyo na rin na hindi niyo muna ako makikita up until friday. See you guys!"
Umakyat na ako sa kwarto at inilabas ang nakatagong maleta. Mula underwears hanggang shirts ay maayos at maingat kong isinalansan ito para hindi magusot. It takes an hour bago ko matapos ang lahat. Mabilis akong nakatulog at nakalimutang kumain ng hapunan.
_
"Fluke, the breakfast's ready. Bangon na't baka mahuli ka pa sa first assembly."
Nag-inat ako at tinanggal ang eyemask sa aking ulunan.
"Morning, mom."
"Morning too, my son. By the way, nababa ko na lahat ng gamit mo sa van."
"Thanks mom. I'll be there in a minute." Ngumiti siya sa akin at sinara na ang pinto. Oo nga pala, kahapon din ay binigay na sa akin ang magiging uniform ko. Kulay grey siya both pantalon and chaleco. Ang loob nito ay white polo together with black collar.
Naligo na ako at sinuot ang mga ito. Nilabas ko ang makeup kit at kinuha ang light pink lip gloss. Naglagay din ako ng foundation para magmukha akong fresh sa unang pasukan. Pagkatapos mag-ayos ng sarili, bumaba na ako't sumabay sa kanilang pagkain.
"Wow! Fresh na fresh tayo 'lil brother ah? Tinalo mo pa 'ko!" Unang bungad sa akin ni Ate Katelyn.
"Uso kasing maligo, ate. Try mo kaya?"
"Hoy! Naligo ako kanina—well, half bath lang pala."
Napailing na lang si dad habang kaming tatlo nina mom ay tumatawa. Hay, I will trully miss this moment. For sure na bahagya na lang itong mangyayari kaya susulitin ko na ang nalalabi kong araw ng pag-stay dito.
_
"Goodluck, my son. I know you can do it. See you on Saturday?"
"Yes, mom. Thanks."
"Anak, baka mamaya may mabalitaan akong may nobyo ka na diyan sa loob. Hinay-hinay lang hah?"
"Dad!"
"Bert, huwag mo na ngang asarin 'yang anak mo. Napaka-konsintidero mo talaga. Fluke, una na kami. Enjoy your college life. Give us a call if there's anything problem okay?"
"Noted. Ingat kayo mom, dad. See you!" Bumusina si dad at mabilis silang umalis sa loob ng university. Humarap naman ako sa main building at kaagad kinuha ang papel na ibinigay sa akin ni Mrs. Lilith the other day.
Class A, Room 206, BSOA's Building
Umakyat ako hanggang third floor at sa wakas ay natunton ko na rin ang magiging room ko. I knocked first before open the door.
"Yes, may I help you?" Sabi sa akin ng babae na nasa harapan.
"I-i'm new student here."
"Oh yes, Spellman right? You may come in."
Ngumiti ako at sinara ang pinto. Pumunta akong gitna at nagpakilala.
"Hi. I am Fluke Spellman, 19, new student here in Lauren High Institute. Hope that we'll get along well."
"Alright Class A, he is Fluke Spellman, the son of Bert Spellman, the legendary MVP football player here in LHI last 23 years ago."
Halos namangha naman ang ilan sa sinabi ng professor namin kaya wala akong nagawa kundi ang mapapikit na lang. Paniguradong dadagsain ako ng mga tanong mamaya.
"You may now sit beside Mr. Leatherwood. Oh, where's Mr. Leatherwood?"
Walang nagsalita at nag-iwasan lang ng tingin. Okay, what's going on here?
Anyways, dumiretso na ako sa upuan at nakinig sa sinasabi ng prof sa unahan.
Hindi pa man nakakalipas ang kalahating minuto ay biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang lalaking moreno na may taas na 6 ft. at naka-jersey jacket.
"Any excuses Mr. Leatherwood?"
"Got some meeting in football."
Tumango na lang si ma'am at nagpatuloy ng pagsusulat sa whiteboard.
Dumiretso ang lalaki papuntang gawi ko at tumigil sa aking harapan. Nag-aalinlangan akong tumingin kung may problema ba siya.
"You." Sabi niya sa baritonong boses.
"W-what?"
"Your seat is taken."
"A-and?"
"That seat is mine."
BINABASA MO ANG
LHS #1: Life as a Class A's Muse [COMPLETED✓]
Teen FictionMake up. Wig. Pompoms. Short skirts and red lipstick. Ramdam ni Fluke Spellman ang panginginig ng kaniyang tuhod pagpasok sa gym ng Lauren High Institute, nag-iisang international exclusive school for boys sa Maynila. Paano niya pangangatawanan ang...