KABANATA 17

28 1 0
                                    

KABANATA 17

Ayoko siyang makita. Hindi dahil wala na akong pake sa kanya. Ayoko siyang makita dahil alam kong may feelings parin ako para sa kanya at napatunayan ko agad iyon kahit na isang beses pa lang ulit kami nagkita.

Kaya naman sa dalawang linggo ko mula ng makita namin ni Alissa si Isaiah sa mall ay hindi na ako nagtangka pa na lumabas. Ginawa kong excuse na may kailangan akong tapusin na manuscript kaya hindi na ako napilit ng parents ko na lumabas at mamasyal.

"Thalia, ano na? Nagmumukmok ka parin?" Inirapan ko lang si Alissa dahil sa tanong niya. Magka video call kami ngayon dahil nakabalik na siya sa Cebu.

"Shut up. At hindi ako nagmumukmok. I'm a busy person Alissa. May manuscript pa akong kailangan i submit next week kaya kailangan kong tapusin agad" siya naman ngayon ang umirap dahil sa sinabi ko.

"Isaiah is also a busy person Thalia. You think magkikita ulit kayo kapag lumabas ka?" Taas kilay niyang tanong sa akin. Sumimangot ako, lalo na at nakita ko kung nasaan siya ngayon. Nasa isang beach lang naman siya. Ang sarap ng buhay ng babaeng 'to.

"This is not just about Isaiah."

"Really? Yeah..." halatang hindi siya naniniwala.

"Oh, and by the way. Uwi akong Manila next week para sa kasal ng kapatid ko. Sama ka sa akin. Siguro naman tapos na ang sinasabi mong manuscript sa araw na yun"

"Huh?"

Ayoko ngang lumabas tapos pupunta pa akong Manila? Ayoko!

"Bawal kang tumanggi. Ipinangalandakan ko na sa lahi namin na dadating ang kaibigan kong sikat na writer kaya sasama ka sa ayaw at sa gusto mo. Okay?"

"Pero Alissa–"

"Don't worry, susunduin naman kita diyan sa inyo."

"But–"

"Love you. Bye!" Hindi na ako naka angal pa dahil mabilis na siyang nagpa-alam at pinatay ang tawag ng may lumapit na foreigner sa kaniya. Oh, nice!

A week after that call ay pinuntahan nga ako ni Alissa sa bahay at ipinagpa-alam pa ako sa parents ko. At kulang na lang ay ipagtulakan ako ni mama sa kwarto ko para lang makapag ayos agad.

"Mabuti naman at napapayag mong mamasyal si Thalia, para masikatan naman ng araw. Masyadong nagkukulong sa bahay ang batang 'to" ani Mama habang hinahatid na niya kami palabas ng bahay. Isang bag na maliit lang ang dala ko dahil wala naman akong balak na magtagal sa Maynila.

Matapos naming makapag-paalam ay sumakay na kami so kotse ni Alissa.

"I'm so excited! Sa wakas at ikakasal narin si kuya"

Halata nga na excited siya. Isa lang din ang kapatid ni Alissa at matanda ito ng seven years sa kanya. Kaya alam kong masaya ang buong pamilya niya dahil sa wakas ay ikakasal na ang panganay na anak.

May sariling condo unit si Alissa at doon niya ako dinala. Marami raw kasi silang mga kamag-anak na umuwi at doon sa bahay nila tumuloy kaya puno na ang bahay nila. Malaki ang condo unit ni Alissa, may dalawang kwarto, maluwag na sala at nakita ko rin na maluwag ang space ng kusina niya. Dahil kaming dalawa lang ang nandito ay sa akin na niya ipinagamit ang isa niyang kwarto.

"Parang gusto ko rin magkaroon ng sariling unit na ganito" wika ko habang nakatayo ako sa balcony at tinitignan ang mga nagtataasang mga building sa labas.

"Afford mo naman. Kumuha kana. Dito ka na lang din kumuha para neighbors lang tayo"

"Pag-iisipan ko"

Hindi ko parin kasi alam kung magtatagal ako sa Pilipinas. I love New York City. Sa lugar na iyon ko nakamit ang pangarap ko. Sa lugar na iyon ko narandaman ang maging independent at hindi umaasa sa ibang tao. But, the Philippines is my home. Nandito ang pamilya ko at dito ako nangarap. Mahirap kalimutan ang bansang kinalakhan kahit na gaano ka pa napamahal sa ibang bansa.

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon