KABANATA 19

25 1 0
                                    

KABANATA 19

Habang hawak ako sa braso ay hinila niya ako palabas ng venue ng reception ng kasal. I want to protest, but I have no courage to speak lalo na at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa init ng kamay niyang nakahawak sa akin ngayon. Nakakapang hina ang init ng kamay na nakadikit sa akin.

Ano ba ang kailangan naming pag-usapan pa?

Hinila niya ako palabas ng hotel, hanggang sa mapadpad kami sa garden kung saan wala masyadong tao.

Sa tapat ng isang malaking fountain kami tumigil at doon lang niya ako binitawan. I looked at his eyes, and all I can see is coldness and anger.

"Ano ang pag-uusapan natin?" Pilit kong tinibayan ang sarili ko. Thank god at nagawa kong hindi mautal sa pagsasalita.

"Thalia,"

Natigilan ako.

I missed this. I missed it when he calls my name. At alam kong sa kanya ko lang nararandaman na para bang sobrang ganda ng pangalan ko kapag siya ang tumatawag nito. Para bang napaka espesyal ko dahil tinawag niya ang pangalan ko.

For the past four years, I have tried to forget him. Oo at nasaktan ako at umiyak ng dahil sa kanya, pero alam ko rin naman na siya rin ang dahilan kaya ako naging masaya noon. I fell so hard for him kaya ako nahihirapan na tuluyang kalimutan ang nararandaman ko para sa kanya na apat na taon ko rin na itinago.

"Are you here to accuse me again of being a flirt?" I asked him. Alam ko ang nararandaman ko, pero hindi ako tanga para ipakita iyon sa kanya. After what happened last night, I realized na ako na lang marahil ang hindi pa nakaka move-on sa aming dalawa. Maybe he never loved me. Or worse, maybe he never actually cared about me. Talagang guilt lang marahil ang narandaman niya dahil sa pagkamatay ng ex niya kaya niya ako nilapitan noon.

"You change a lot, Thalia" seryoso niyang sambit dahilan kaya napanganga ako. Ako pa talaga ang nagbago? Gusto kong matawa sa sinabi niya.

"Really, Isaiah? Well, maybe I changed for the better? Ikaw din naman nagbago." Ngumisi ako upang maitago ang sobrang pagkainis ko sa kanya.

Suminghap siya at umiwas ng tingin sa akin. Nakapamaywang na siya ngayon at halata sa itsura niya na sobrang nagpipigil siya ngayon para lang hindi niya ako pambuntunan ng kanyang galit. Galit na hindi ko alam kung para saan. Bakit ba siya parang galit na galit sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Bakit ka tumatawa habang kausap ang lalaking yun?" Tanong niya ng muli siyang tumingin sa mata ko.

Napakurap ako sa tanong niya. Is he serious?

"What?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Tama ba ang narinig ko?

"You're talking while laughing to another man, Thalia. And last night you are dancing with several men. Are you doing this to annoy me?"

"What?" Muli kong tanong. Seryoso ba siya sa tanong niya?

"You're doing this on purpose," he said in a certain tone na para bang sigurado talaga siya sa sinabi niya at sa ginawa ko.

Literal na napanga-nga ako dahil sa tinuran niya. What the heck?!

Nanliit ang mata ko dahil sa kanya "Excuse me?"

"You are trying to make me jealous, Thalia"

"Why would I do that? Wala akong ganyang intensyon" kinalma ko ang sarili ko. Kung kanina ay naiinis ako, ngayon naman ay gusto kong matawa sa sinasabi ni Isaiah. Bakit ko naman siya pagseselosin? Gusto ko ngang iwasan na siya eh, tapos pagseselosin ko pa?

A Writer's Love Story (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon