[Chapter:16]"Ok na ba lahat, Reigh?" Sabi ko kay Reigh habang hinahanda na namin ang lahat ng niluto namin para sa Christmas party mamaya.
"Yup, done na" ngiti niya pa habang pinapalakpakan namin ang aming sarili. Wow! Goodjob, kahit wala si Cassandra ay natapos namin. Akala namin hindi na namin 'to matatapos in time dahil marami ring kaming classmates. May prutas, pansit, may shanghai, hotdog, palabok hays ang dami! Mauubos agad 'to mamaya.
Nasa dorm kami ngayon ni Sir K, mas mabuti daw na dito na kami magluto kaysa sa classroom pa dahil hassle lang magbuhat ng stove at mga sangkap du'n. Ang mga officers naman ang nagaayos ng mga upuan at kahit wala si Benjamin agad naman nila rin itong natapos. 11 o'clock pa ang Christmas party at heto kami ngayon, mag aaladiyes pa lang ay handa na. Early bird 'to!?
"Sure kayong kumain kayo kanina?" Sabi ni Sir K na nakaupo sa salas niya habang nagaayos ng mga games at mga prizes.
'Opo Sir" sagot naman ni Reigh saka ako kahit na gutom na rin kami. Naging close na rin kami ni Reigh, mabait naman din pala siya. Sobrang daldal niya rin at approachable kapag ikaw ang nag unang nag approach sa kaniya. Sadiyang mahiyain lang talaga siya kaya wala siyang masiyadong kaibigan. Bagay na ikinatuwa ko dahil ako lang daw ang naging close niya ngayong school year at same hobbies pa raw kami.
"Okay sabi niyo... Magpahinga na lang muna kayo ritong dalawa. Maupo muna kayo rito" sabi ni Sir habang busy-busyhan naman siyang nagsusulat. Nagkatinginan naman kami ni Reigh at nagturuan pa kung sinong unang uupo. "Dali na, ilang linggo na tayong may sessions nahihiya pa rin kayo sa'king dalawa ha?" Tawa niya, ngumiti naman siya sa'min habang inayos ang baliko na naman niyang salamin. Naka red polo si Sir ngayon with matching white trouser... Akala mo tuloy ay pupunta siya ng beach kulang na lang ay maging black ang lense ng eyeglasses niya. O kaya magmumukha siyang santa claus kaso walang beard si Sir at hindi white ang buhok niya. Habang kami? Haggard looking pa kami ni Reigh dahil mamaya pa ang Christmas party, buti na lang talaga at marami akong damit na naisulpot dito kaya naman may maisusuot ako mamaya hehe. Balita ko rin na magtatayo na rin ng mall for clothes dito ang government... Ganun na ba talaga kami kaimportante para makapagpatayo ng mall dito sa school?
"Silbeste, upo na" nagulat naman ako ng tawagin ako ni Sir. Nakaupo na pala si Reigh habang nagsusulat na rin at nandito pa pala ako sa kusina. Bakit ba ko natutulala this past few days? Anong meron sa'kin? Mukha tuloy akong haggard haha!
"Sorry po Sir" binaling naman niya ulit ang tingin niya sa hawak niyang notes saka sumandal sa malaking couch na saktong sakto pang limang tao. Naglakad naman ako at tinanggal ang apron na suot ko. Nakapambahay lang ako ngayon maging si Reigh, paniguradong nag-aayos naman na ang tatlo kong lokreng na kaibigan sa dorm. Hays, balak ko pa naman sana mag make-up ngayon. Pero bahala na, simple is beauty ... ay hindi simple is beautiful ay jusko ewan ko basta mas maganda yung simple.
Umupo naman ako sa gilid ni Sir K at ngayon ay nasa gitna na namin siya. Hindi naman na'ko nagaksaya ng oras dahil kumuha ako sa isang note na may sulat. Nakita ko namang ang mga nakalagay du'n ay ang mga pa-games na lalaruin namin mamaya. Wow ha? May pa games talaga? Final na 'to? Inamoy ko rin ang sarili ko... Amoy hotdog na ba'ko? O amoy pansit? Amoy spaghetti o amoy ---- oh my! Amoy baby si Sir K! Hala ano kayang pabango nito? Balikat pa lang baby na baby na. Sinisinghot singhot ko pa ang balikat niya ng bigla siyang magsalita.
"Can you suggest more? This is my second time having a Christmas party with students... gusto kong ma-enjoy niyo 'to depsite of our problems here" bulong sa'kin ni Sir. Tumingin naman ako sa kaniya at still , nagsusulat pa rin siya. I don't know kung anong sinusulat niya it's a sort of questions.
Binasa ko naman isa isa ang nakasulat. May mga pang batang games... May 2 truths at 1 lie kaming laro, may bring me, may longest lane, may the boat is sinking. Madami pang iba, mukhang mag-eenjoy talaga kami rito lalo na ang mga kaklase kong isip bata. "Wala na po Sir, parang sulit na sulit na 'to" nasulyapan ko naman ang ngiti niya. Bagay na ikinangiti ko rin. Bango bango kasi e nakakahiya naman 'yung amoy naming pangkusina.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Mystery / ThrillerFrancheska Celestine Mirasol Silbeste was a student in a school loaded up with a serial killer founders. The solitary thing to escape this school is to graduate college. However, imagine a scenario in which time passes by and he just considers and t...