Warning: May mga bad words kayong mae-encountered. Part lang siya ng lines ni Leatherwood para magmukha talagang badboy. Thanks for understanding.
_
"That seat is mine."
"O-okay..." Iyon na lang ang nasabi ko sabay lipat sa katabing upuan. Umupo siya sa inupuan ko kanina at walang buhay na tumingin sa harapan.
"As you notice guys, every year, Lauren High helds a welcome ceremony for a newcomers. At dahil ngayong araw ang first day of schooling, Mr. Mc Arthur, the founder of this university, will be the first speaker in the assembly right away. So, I will give you my time to be prepared. See you at the gym Class A."
Biglang nag-ingayan ang lahat pagkalabas ni Ms. Samonte ng room. As I said kanina, isa-isa na ngang nagsipuntahan ang mga kaklase ko sa aking harapan at kung ano-ano ang mga itinatanong.
"Woah bro, isa kang Spellman?"
"Balita ko successful businessman na 'yung dad mo!"
"Magkano ang salary mo sa isang buwan?"
"Sama ka sa'min mamaya."
Ilan lang 'yan sa mga tanong hindi ko masagot-sagot dahil sunod-sunod sila sa pagsasalita.
"A-ahm. How do I start?"
"Can all of you f*ck the shut up?!"
Nahintakutan kaming lahat nang sumigaw ang katabi kong lalaki. Masama ang titig niya sa mga lalaking nasa unahan ko kaya kaagad silang nagsi-atrasan at bumalik sa kaniya-kaniyang upuan.
Tumingin naman siya sa akin nang pagkasama-sama na tila binibitay na ako sa kaniyang isipan.
"If you want to make yourself a famewhore, go to the ground and stop doing it here. You make me feel disgusted." Walang kaatog-atog niyang sabi.
I felt discriminated. I was ashamed to the things that I don't ever do.
Who's this man? And what's his right para sabihan niya ako ng masasamang salita?
"Excuse me? I am a famewhore?" Turo ko sa sarili ko.
"Yes you are. Even your father is famous here in the university, it doesn't count na pati ang sarili mo ay ibibilang dito."
"And who are you? You think you're popular enough and have some authority para bastusin ako? They're just asking me about my father and I think I have RIGHTS para sagutin 'yon. You are the one who's being rude and disrespectful here in this room."
"What did you say?!" Tumayo siya at nagulat na lang ako na hinila niya rin pataas ang kuwelyo ng uniform ko.
Halos mangatog ang aking katawan sa sobrang takot dahil baka mabangasan ako nang wala sa oras.
"Don't make me repeat Mr. Leatherwood. You're just making yourself stupid." Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan at nasabi ang mga iyon. Paniguradong mas kukulo pa ang dugo nito sa'kin at kasusuklaman habang buhay.
"A son of a b*tch?!" Aambahan na niya sana ako ng suntok nang biglang...
RINGGG!
Binitawan niya ang pagkakahawak sa akin. Lumapit siya at may ibinulong na nagsanhi upang literal na magsitaasan ang mga balahibo ko.
"Prepare yourself to rip apart. I will make sure na hindi ka magtatagal dito."
Nauna siyang lumabas at doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nanlambot ang aking katawan at gusto ko nang maluha.
Really? Sa buong tanan ng buhay ko, ngayon lang ako naka-experience na ma-involve sa isang gulo.
It sound so cliché dahil nababasa ko na ang ganitong scene sa mga wattpad stories pero 'di ko inexpect na mangyayari ito in real life.
Ano ba 'tong pinasok ko?
"Hey Fluke, are you okay? Pabayaan mo na si Gavin. Ganon lang talaga 'yon umasta. Spoiled kasi sa mga achievements na nakukuha kaya feeling niya siya ang may pinaka-mataas na ranggo sa lahat."
"I can't stand lang kasi na bastusin ako sa harap ng maraming tao. Thanks for your concern Mr.?"
"Jeybez. Jeybez Kettle."
"Thanks Jeybez." Nag-shakehands kami at nag-usap tungkol sa magiging assembly.
Mabilis kaming nagkapalagayan ng loob at kaibigan na ang turingan namin sa isa't isa.
"Why is he acting like that? Meron ba siyang problema sa anger management kaya bigla-bigla na lang nagsisisigaw?" Tanong ko habang bumababa ng hagdan.
"Siguro ayaw niya lang ng may kakompetensiya."
"Kompetensiya saan?"
"Sa pagiging famous. Gavin Leatherwood is known for being a star football player sa dati niyang school. Hanggang sa mag-apply siya dito this summer at nakapasok ng football team. That time, siya na ang naging leader at pinamumunuan ang buong team together with their coach. As far as I know, naging football player din ang tatay niya at ka-batch siya ng tatay mo, si Mr. Spellman."
"And?"
"Idagdag mo pa 'yung mga sinabi mo sa kaniya. Kung nabastusan ka sa ugali niya, sure ako na naapakan ang ego niya. Alam mo ba? Ikaw pa lang ang kauna-unahang lalaki na sumagot-sagot kay Gavin? Mostly, everytime na namamahiya siya ng estudyante rito ay deadma na lang ang lahat para hindi madawit sa gulo. Pero sa mga sinabi mo, bilib ako sa katapangan mo."
"Compliment ba 'yan o pagbabanta?" Natatawa kong banggit sa kaniya.
"Parehas. Basta huwag mo na lang kausapin o pansinin ang Ice Prince ng Lauren High."
"Ice Prince?"
"Bansag kay Gavin ang pagiging Ice Prince. Rude, cold and unbreakable. Once you meddled in his business, expect the worst."
"So I am at the worst? Wow. What a great situation, isn't?"
Nagkibit-balikat siya at hindi na sumagot. Napasapo na lang ako sa ulo at pilit inaalis sa isipan ang mga pinaggagagawa ko kanina.
BINABASA MO ANG
LHS #1: Life as a Class A's Muse [COMPLETED✓]
Dla nastolatkówMake up. Wig. Pompoms. Short skirts and red lipstick. Ramdam ni Fluke Spellman ang panginginig ng kaniyang tuhod pagpasok sa gym ng Lauren High Institute, nag-iisang international exclusive school for boys sa Maynila. Paano niya pangangatawanan ang...