Chapter 7

1 0 0
                                    


Her POV

Weeks have been passed. Sobrang bilis ng panahon, ngayon kailangan na namin umuwi sa Manila kasi ngayon na ang alis namin patungong Manila. Kasi kailangan ko na din magtrabaho at kailangan na rin bumalik nila ate Settle at kuya Bryce sa kanilang trabaho kasi si ate yung Coffee shop niya kailangan niya laging tutukan ng maayos. Tapos si kuya Bryce naman sa site nila kasi may tinatapos siya ngayon na project kasi si kuya ay isang Civil Engineer. May ginagawa siya ngayon na isang building sa ibang bansa sa Melbourne, Australia kaya kailangan niyang umalis ng bansa kasi naka on-leave lang siya ng two weeks.

Kaya ngayon nakaready na kaming lahat nakaayos na yung mga gamit namin. At magchecheck-out na kami sa hotel.

Nasa lounge naming lahat at hinihintay lang namin sila mama at ninang na kinakausap na ngayon ang receptionist.

"Oh diba ngayon na din ang alis ni bebe Brecker mo?" Tanong sa akin ni ate Maxpein

"Oo ngayon nga din" sagot ko sa kanya. "Oo nga noh! Ang sweet mo kaya sa kanya, ang hot tapos yummy pa uy baka mamaya magulat na lang kami buntis ka na ah" Exaggerated na sabi ni ate Settle.

"Grabe siya oh! Buntis agad? Di ba pwedeng wala pa, kaloka ka!" Sagot ko kay ate Settle.

"Sis kunyare ka pa dyan eh baka nga sinuko mo na ang Bataan" Banat naman ni ate Jane.

"Baka nga! Pakita ko pa sa inyo eh nang malaman niyo" Sabi ko na naiinis na kasi naman hindi naman kasi totoo yun eh. Hanggang kiss, holding hands at yakap lang kami ni Brecker noh! Wala pang nangyayaring sukuan ng Bataan.

"Try niyo kaya muna magkaanak at kayo ang magbuntis hindi ako! Ang bata-bata ko pa eh" Sabi ko sa kanila. Eh paano naman kasi eh ang tanda na wala pang asawa at mga anak tong mga to eh.

Si Ate Jane ay 29 na pero wala pang asawa at anak eh siya ang pinakapanganay sa aming magpipinsan. Eh si ate Settle naman may boyfriend na I think 2 years na sila ng boyfriend niya. At organizer yung boyfriend niya ng mga event at may sarili din itong organization. At hindi pa nag-aasawa si ate Alex naman may boyfriend din ang tagal na nga eh pero waley pa din hindi pa nagpapakasal at si ate Maxpein naman may boyfriend tapos sobrang seryoso talaga neto kay ate Maxpien at one year na din sila isa itong attorney. 9 years ang tanda sa kanya so bale 25 na siya ngayon edi Si Will pangalan ng boyfriend niya 34 years old na. At si kuya Bryce naman ayun hindi siya nagseseryoso kasi mas gusto muna magtrabaho bago magfocus sa love life! Ganern!.

At si ako naman well alam kong alam niyo na ang status ko ngayon. I'm taken na haha! Kanino? Syempre sa pogi, hot, at yummy kong boyfriend na si Brecker. At alam na din nilang lahat na may boyfriend na ako kasi pinakilala ko si Brecker sa kanilang lahat. I mean si Brecker talaga ang nagpakilala sa sarili niya ng isang araw ng makita kami nila ate Settle at ate Alex na magkasama at gumagawa ng castle na may mga pangalan naming dalawa. Kaya ayun at nagsisitili naman silang dalawa ng ipakilala ni Brecker na boyfriend ko siya, sa una nga hindi talaga sila naniwala pero nung narealize nila eh sobrang nashock sila at ayun na nga pagkatapos nun hinila nila si Brecker papunta doon kila mama at pinakilala bilang boyfriend ko at kung anu-ano pa.

Kaya ngayon boto na boto talaga sila kay Brecker eh sabi pa nga nila wag ko na daw pakawalan eh sobrang suwerte ko kasi parang nanalo na daw ako sa lotto. Well totoo naman talaga kasi yun sobrang suwertekohindi ko maipagkakaila iyun.

"Pupunta ba yun ngayon dito?" Tanong ni ate Alex. "Huh? Oo kasi sasabay nga sila sa atin papuntang Manila tapos diretso na silang airport" Sabi ko at tinignan ko ang cellphone ko ng tumunog ito. Nagtext si Brecker.

Dreams Turned Into RealityWhere stories live. Discover now