"I'm bored," walang kaemo-emosyong bigkas ni Yaza sa gitna ng ingay ng club.
"Yeah," bigkas rin ni Zayumi sa kanyang tabi. Sumang-ayon din ang ibang Volkovs. Nakalinya silang nakaupo sa harap ng bar counter habang sa paligid ay nagsasayawan ang mga tao.
"Should we separate and find a date?" biglang tanong ni Maxim na halatang may kalasingan na.
"Max, you're drunk. Nakalimutan mo na bang may boyfriend ka?" balik ni Fire sa kanya.
"I'm not drunk! Just tipsy. Gosh, I miss him." saad ni Maxim sa magkakaibang emosyon. Sa unang pangungusap niya ay pagalit, sa pangalawa ay tawang-tawa, sa pangatlo ay malungkot na.
Hanggang sa naka-isip ng ideya si Yaza. "Max!" tawag niya kay Maxim pero binalingan din siya ng lahat.
"Why don't you go in the middle of the dance floor and show us what you got?" ngisi nito. Kilala si Maxim na magaling sumayaw kaya't hindi niya ito papalampasin.
"Uh, nope. Chaz will kill us," singit ni Fire, ang tinutukoy nitong Chaz ay ang kasintahan ni Maxim.
"SURE!" malugod na sigaw ni Maxim kaya't natuwa sina Izumi, Mitch at Zayumi. Napangisi si Yaza habang napa-iling naman si Fire. Nang tunguhin ni Maxim ang dance floor ay sabay namang pina-ikot ng ibang Volkovs at ni Yaza ang stools nila para mapanood si Maxim.
Kasabay nun ang pagbabago ng music at naging hip hop ito na medyo sexy.
Unang galaw pa lang ni Maxim ay umawang na ang mga labi ng Volkovs at pati si Yaza. They didn't expect her to dance and look cool and sexy at the same time lalo na't 'tipsy' nga ito. 'Woah. She's good.'
"Take a video, take a video! Dali!" utos ni Zayumi at agad namang itinaas nina Izumi at Fire ang mga cellphone nila at kinuhanan si Maxim na maliksing sumasayaw sa gitna.
Ngayon hindi na lang sila ang naka-focus kay Maxim kundi pati ang mga nasa dance floor. Now they're hyping her up.
Nagsimula namang umalis ang iba pa at naghanap ng gagawin sa club. Naiwan na lang ay si Yaza na umiinom ng cocktail drink.
"Single?" tanong ng isang lalaking biglang tumabi kay Yazafra. Binigyan lang siya nito ng nakakamatay na tingin.
"No? Okay," sagot ng lalaki sa sariling tanong at nagmadaling umalis.
Nang tumalikod si Yaza para tignan ang dance floor ay sabay namang may nilagay na malakas na sleeping pill sa kanyang inumin. Nilagay ito ng bartender na ngayon ay nakangisi na.
Bumalik ang tingin ni Yaza sa iniinom. Itinaas niya ito at sana'y iinumin na pero may humawak dito at pinigilan siya.
Pagtaas ng tingin ni Yaza ay nakakunot-noong Cypher ang nakatayo sa kanyang tabi. Inagaw ng lalaki ang baso. "They spiked your drink." saad nito bago tinignan ang bartender. Namilog ang mga mata ng bartender at nagsimulang tumakas.
Ngumisi naman si Yaza. "I know," Lalong kumunot ang noo ni Cypher sa sagot ng babae.
Hanggang sa sundan ni Cypher ang bartender kaya't sumunod na lang din si Yaza.
Nakarating sila sa labas ng club. Tinanguan ni Cypher si Yaza kaya't mabilis na dumaan ang babae sa ibang direksyon.
Hinihingal na tumatakbo ang bartender habang naghahanap ng pagtataguan. Pero ilang minuto lang ay nakasalubong na niya si Yaza. Namilog ulit ang mga mata nito at tumalikod para tumakbo pero si Cypher naman ang nakasalubong niya.
"Ne dvigaysya," (Don't move.) malamig na utos ni Cypher na sinunod agad nung bartender at humiga sa gitna ng daan habang ang mga kamay nito ay nasa ulo.
"Kto-to zastavil menya eto sdelat'! Pozhaluysta, ne ubivayte menya!" (Someone made me do it! Please don't kill me!) pagmamakaawa ng bartender.
Dumapo naman ang kanang paa ni Cypher sa likod ng lalaki. "Agh!" sigaw nito sa sakit.
"Kto eto?" (Who is it?) malamig na tanong nito. Napahalukipkip naman si Yaza sa tabi at pinanood na lang si Cypher.
"Verde! Mafia Verde!" pasigaw na sagot nito at umaray sa sakit dahil sa apak ni Cypher.
Agresibong tinanggal ni Cypher ang paa sa likod nito.
"Begat'," (Run.) bigkas niya kaya't nagmadaling bumangon ang bartender at tumakbo paalis.
Both of them knew the guy was a mere bartender.
"Hindi talaga ako titigilan ng Mafia Verde," komento ni Yaza at akmang aalis na pero hinawakan siya ni Cypher sa pulsuan.
Nagtama ang tingin nila. Kumunot ang noo ni Yaza nang ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin nagsalita si Cypher. Nakatingin lang ito sa kanya kaya't hinila na niya ang sariling kamay.
"What?" inis na tanong ng babae.
"Nothing," maang na sagot ng lalaki at nagsimulang lumakad palayo.
Napahalukipkip naman si Yaza habang nakatingin pa rin sa likod ng paalis na Cypher.
"Why are you here, Mr. Markow?" ngising tanong ni Yaza na nagpatigil kay Cypher. Lumingon sa kanya ang lalaki at walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha nito kundi ang nanlilisik nitong mga mata. Typical Cypher Markow.
Hindi sumagot ang lalaki bagkus nagtuloy ito sa paglalakad hanggang sa mawala ito sa paningin ni Yaza.
'What's going on with you, Venom?' kunot-noong tanong niya sa kanyang isipan. Nakakapanibago ang mga inaaksyon ng lalaki dahil kilala ito na walang pake sa kahit ano maliban sa mga misyon.
Bumalik si Yaza sa club. Papasok na sana ito pero tama namang lumabas rito si Kano.
"There you are! I've been looking for you. San ka galing?" nag-aalalang tanong ni Kano sa kanya.
"Stop that, Kano," utos ni Yaza. Pinapatigil niya ang pagturing sa kanya ni Kano na parang bata.
"Okay, I'm sorry. Pero san ka galing?"
"May hinabol lang," simpleng sagot ni Yaza at tinungo ang kotse ni Kano.
"Hinabol? Sinong hinabol mo?" sunod na tanong ng lalaki at sinundan siya hanggang makasakay silang dalawa sa kotse.
Tinignan siya ni Yaza at alam na ni Kano na hindi na siya pwedeng magtanong.
"Just take me home," utos niya na walang sali-salitang sinunod nito.
Ilang minutos ang lumipas ay nakarating na sila sa isang bahay. Ang bahay na ito ay siyang tinitirhan nilang mga Venenatus. Sila lang ata ang guild na sa iisang bahay nakatira.
Nang makarating sa sala sina Yaza at Kano ay naabutan nila ang tatlo na gising pa.
"Ugh. Thank goodness you're home. Tara na at matulog," bigkas ni Mentos at hinila sina Yusue at DK. Hinintay talaga nilang makauwi si Yazafra bago sila makakatulog ng mahimbing.
Bumaling naman si Yaza kay Kano. Itinaas naman ng huli ang dalawang kamay. "They decided to wait for you. I didn't order them."
Umirap na lang si Yaza at tinungo na ang sariling kuwarto sa second floor. Nang maisara ang pinto ay tinanggal na niya ang mga nakatagong weapon sa kanyang bulsa at katawan. Ipinatong niya ang nga iyon sa lamesa. Nang matanggal ang mga ito ay naupo siya sa kanyang higaan. Doon naman niya naalala ang usapan nila ni Mr. Volcov.
'Why is he sending us away?' ang tanong sa isipan ni Yazafra. Ito ang unang beses na mare-relocate sila sa ibang bansa dahil karamihan ay lagi lang silang nare-relocate sa loob lang ng Russia.
Alam niyang may mangyayaring hindi maganda pero wala siyang ideya kung ano ito. Doon naman pumasok sa isip ni Yaza si Cypher.
May alam ang lalaki. Doon siya sigurado.
A/N: Feel free to comment.

BINABASA MO ANG
Nerium oleander: The Deadly Flower
General FictionYazafra Loverde, A member of The Venenatus Guild, is a so called emotionless señorita. She was a born agent. The Venenatus Guild is the fourth highest ranking guild. The Volkov guild being the first, The Kinghawks being the second and The Pythons be...