Chapter 1

14 1 1
                                    

How terrifying it is to live in the dark.

𝕯𝖆𝖗𝖈𝖊𝖑𝖑𝖊

Bahay, Trabaho at eskwela. Same routine and same path everyday. Halos wala ng pagbabago kung kaya't habang tumatagal ay mas lalong nagiging pahirap ng pahirap ang pagbangon ko sa umaga. I have no time to enjoy the luxuries of life, since I don't have the rights to do so. Sa tuwing titigan ko ang mga mukha ng taong nakakasalubong ko sa daan, pakiramdam ko ay palaging sila ang nakikita ko. It's like as if I am stuck in an endless loop. Paulit-ulit na senaryo at mga tao. Paulit-ulit na lugar at emosyon. 

Para akong nakakulong sa oras, kahit na ang totoo niyan ay tuwid at dire-diretso ang takbo nito. Minsan nga ay iniisip ko kung paano ako susupresahin ng kamatayan. Does it will happen in one of the places here, since it's like I am stuck here or maybe may mangyayaring kakaiba once before my end? 

I don't know...

Maybe this is why some crave death so much. They want to uncover its mystery and discover what comes after it, or perhaps they are too lazy to live. Sadly, no one comes back from it. 

Habang tahimik akong naglalakad sa gilid ng kalsada ay pansin ko ang makulimlim na kalangitan. Masarap maglakad kung ganito ang panahon ngunit papasok ako ngayon sa eskwela kung kaya't hinid ako pwedeng mabalot ng maiitim na usok na nanggagaling sa mga sasakyan. 

Wala pa rin talagang pagbabago. Lahat ng naabutan ko tuwing papasok ay ganoon pa rin ngayon. Siguro yun'g ekspresyon na lang sa mga mukha ng nakakasalubong ko ang nagbabago. Some days they are happy, some days they are sad. Minsan may kakaiba sa mga ngiti nila habang kung minsan naman ay meroon'g sakit sa pagkakasimangot nila. 

Iyon na lang siguro ang dahilan kung bakit nagagawa kong tumitig sa mukha ng mga tao, kung bakit hanggang ngayon ay may pakialam ako sa uri ng emosyon. Namamangha kasi ako dahil sa isipin na napakalaking parte ng emosyon sa kung paano pumili ng desisyon ang isang tao. If we're happy we can do so much and if we're not, we can just lay on our bed and think of the things we can't have or we may do.

Siguro ito ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay naka stuck na ako sa isang loop. I lacked the necessary emotions to change my life. I no longer feel happy or sad. I no longer smile nor frown. 

Ewan ko kung bakit. Basta ay hindi ko lang siya magawa. 

Nang makarating sa harap ng pedestrian lane ay huminto muna ako saglit at tumingin sa magkabilang daan. Meroon paparating na truck kung kaya't huminto muna ako. I was about to pull out my earphones from my bag when a small silhoutte pass beside me. Sinundan ko ng tingin kung ano ang aninong iyon at nki  mga mata ko ng makita ang isang batang babae na tumatakbo papunta sa kabilang dulo nitong pedestrian lane. 

My body automatically moved. Hindi ko na ramdam ang tibok ng puso ko at wala ng ibang laman ang utak ko maliban sa kagustuhan na sundan ang batang babae. 

Mabilis na gumalaw ang akin'g mga paa upang tumakbo papunta sa gitna kung saan huminto ang batang babae. Cold instantly envelopes my whole body as I heard the loud horn coming from the huge truck, nagtaasan ang mga balahibo ko sa takot. Nang makalapit ako sa batang babae ay doon ko nakita sa gilid ng mata ko ang papalapit na sasakyan. 

Death. Is this my surprise ending? Funny, because I was just thinking how my story will end.

And after a long time, finally. My lips formed into a small smile bago ko buong pwersang tinulak palayo sa akin ang batang babae. Namilog ang mga mata ng bata at bakas sa mukha nito ang matinding takot. 

She will surely remember this for the rest of her life kung kaya't pinilit kong lawakan pa ang akin'g ngiti. My smile hasn't reach my ears yet when suddenly a force of air came in contact with my skin, kassunod niyon ay ang malakas na pagtama ng akin'g katawan sa harap ng truck. 

My vision blanked and my whole body became numb. I don't feel pain but I no longer feel anything. 

I want to stay awake, but kahit nakadilat ang akin'g mga mata ay unti-unting dumilim ang paligid hanggang sa wala na akong makita. Hindi ko na magawang igalaw ang kahit anong parte ng akin'g katawan. 

I heard something. Someone is crying. Someone's calling my name and that person felt so familiar. Punong-puno ng hinanakit ang boses niya at animo'y wala na ito sa sarili habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. 

"Darcelle..." 

"Elle.." 

Sabay na bigkas ng magkaibang boses ng babae. Parang boses ni mama yun'g isa habang yun'g isa naman ay hindi ko kilala kung kanino. Sinubukan kong pakiramdaman ang katawan ko pero wala. Para akong hangin na palutang-lutang. Para akong walang pisikal na anyo, ngunit may kakayahan na makarinig. 

Is this what death feels like?  

Nakakatawa dahil isa lang ang boses na nadi-

"Darcelle Ellis, why?"

"Stay longer Elle..."

Napahinto ako ng bukod sa boses ng dalawang babae ay meroon'g boses ng lalaki akong narinig. Pamilyar yun'g isang boses at ang paraan nito ng pagbigkas sa akin'g pangalan, pabulong ngunit malalim. Malamig ngunit mahinahon. Boses na karaniwan kong nadidinig sa tuwing nasa classroom at oras na para sa philosophy class.

"Sir?"

 I tried looking around ngunit wala akong makita maliban sa nakakalunod na kadiliman. Wala na rin akong marinig. It's a total darkness and silence and for some reason, kahit na sanay na ako sa katahimikan ay parang nakakaramdam na ako ng matinding takot para rito. 

"Ma?" I whispered. I know that I whispered that word yet I didn't hear anything. I tried calling her again, but it has still the same result.

Nagsimula na akong magpanic at pabigat na ng pabigat ang paghinga ko. The more na tumititig ako sa kawalan ay mas lalong dumidilim ang akin'g nakikita. Nang hindi ko na makayanan ang takot at kaba ay nagpakawala ako ng malakas na sigaw. 

Sigaw na hindi ko rin narinig o naramdaman man lang.


It feels like I'm trapped with endless silence and darkness, something that I was craving when I was still alive.



Something Out of NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon