Kabanata 8

318 8 0
                                    

Kabanata 8

The perfect boyfriend

MARIANA'S POV

Pagkababa ng motor ni Jake ay kaagad naman niya akong nilingon, saka ngumiti ng sobrang laki, bwisit para kang si Joker!

Tinusok-tusok naman ni Ana ang tagiliran ko kaya sinapak ko siya, nagpaalam naman siyang maunang pumasok nang makita niya sila Pj at Klent na papasok ng room.

Linapitan naman ako ni jake kaya ayun tutok na naman sa amin ang atensiyon ng lahat! Kumusta na kaya si Anthony? Nitong mga nakaraang araw hindi ko na siya nakikita, busy daw kasi sa paperworks.

Napatalon naman ako nang hagisan ako ni Jake the walang hiya ng bag niya! Diba! Ang Galing niya!

"kanina ka pa tulala diyan babae! Halika na! Pasok na tayo!" sigaw niya at naglakad ng una sa akin, galit na galit naman akong naglakad at dala-dala ang bag niya! Bwisit! Malapit na talaga akong sasabog sa'yo!

Ay naku! Kung hindi ko lang talaga mahal ang kuya ko at Kung mayaman lang kami, hindi talaga ako mag papa blackmail sa walang hiya na'to!

Huminto naman siya at nilingon ako, ngumiti naman ako ng peke, kaya lumapit siya sa akin, at kinuha ang bag niya at bag ko.

"ako na ang magdadala boyfriend mo pala ako" nakakalokang sabi niya at nag wink, sarap tusukin ng mata mo!

Peke pa rin ang ngiti ko

"mabuti at alam mo paano tratuhin ang mga babae!" sabi ko sa kanya at umirap

"girlfriend kita, naiintindihan mo?" hindi. Kasi naman I don't like you!

"oo! Jake" sagot ko, nag smirk naman siya, parang irita na naman.

Meron ba siya ngayon?

"anong jake?! Sabing babe eh! Ulitin mo!" epal.babe mo pwet mo!

"oo na po babe." happy? Sana masaya ka na!

Napangiti naman siya at hinawakan ang kamay ko bago hinila papuntang classroom, nadaanan ko naman si Anthony na napatingin din sa amin.

How I wish si Anthony nalang ang humihila sa akin! Hehe.

Nakatitig naman ang mga kaklase ko sa amin Habang magkahawak ang mga kamay namin, pabagsak naman akong umupo sa upuan ko ng paupuin niya ako dun at nilagay ang bag ko sa upuan ko, Pagkatapos nun ay hinalikan niya ang noo ko at pumunta sa upuan niya.

Laglag pa rin ang panga ko sa ginawa niya! Napanganga din ang mga kaklase ko sa nasaksihan, bwisit.

Nagulat naman ang lahat ng biglang may pumalakpak, si Cristal.

"Well, well, well, sana all, ang sweet niyo naman?" sarcastic niyang sabi, napairap nalang ako.

Napasinghap nalang si Jake at may kung anong kinuha sa bag niya, Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at binigyan ako ng C2?! Tapos may nilabas pa siyang isang cellophane ng jollibee?! Pag tingin ko, gosh! Gagawin niya ba akong baboy? Ba't ang daming pagkain???

Ngumiti lang siya sa akin at Pagkatapos ay pinatunog niya ang dalawang daliri at biglang nagsulputan ang tatlong kaibigan niya, sila jaw, mga gwapo din, naka suot sila ng t-shirt na may nakalagay na Team Marke?? Bakit Marke

Pagkatapos ay may kinuha sila sa likod nila at may nilabas na lettering na may nakasulat na I love you??!!  Baliw na ba siya??

May kinuha din silang bouquet of flowers. Tapos binigay sa akin! Bwisit ang sarap naman sa pakiramdam, ang mga kaklase ko naman ay kanina pa hiyaw ng hiyaw, may sumisigaw pa ng Sana all! Sana all talaga blinackmail.

Follow Your Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon