MARIANA'S POVNgayon na ang araw na aalis na si Jake for the operation niya, sobrang iyak ko talaga kagabi at ngayon, paano kung magka amnesia nga siya? Sa utak yun e!
Pagkatapos ng first period naming klase ay nag excuse kami nila Ana, Cristal, Jaw , Bruse, Ken at nila Pj sa kabilang section na aabsent, nakasalubong ko naman si Anthony, ngumiti siya ng tipid sa akin.
Nang makarating kami sa Airport ay nakita ko na si Jake, umiyak na naman ako, sobrang hagulhol ko na talaga, tumakbo ako at niyakap siya, bahala na ang mga tao na yan! Basta mamimiss ko ang boyfriend ko!
"magpapagaling ka diba? Diba babe?" tanong ko sa kanya, tumango naman siya at niyakap ako, nakita ko naman na tumulo na ang luha niya.
"pangako babalik ako, at sa pagkakataong yun magaling na ako" sabi niya. Niyakap ko nalang siya.
"mahal kita... Sobra" sabi ko at umiyak
Nagpaalam na din sa kanya sila Bruse at Ana, pero hindi ko na hinintay na makaalis sila, bumalik nalang ako sa school, umiiyak pa rin ako.
Nakasalubong ko naman si Anthony, "oy? Okay ka lang? Anong nangyari?" tanong niya, umiling lang ako at pinunasan ang luha ko.
"wala, s-sige pasok lang a-ako" sabi ko sa kanya at pumasok ng classroom, gulat naman ang teacher namin pero di na niya ako pinansin.
Tatlong buwan siya doon, mabuti nalang at bago siya umalis nag exam na siya sa lahat ng mga test papers para sa lahat ng subjects at hindi naman siya ibabagsak, consider na graduate na siya.
Umuwi nalang ako Pagkatapos ng klase, naglakad nalang ako, hindi pa rin tumitigil ang luha ko "hays! A-ano ba yan!" sabi ko sa sarili ko at pinunasan ang luha ko.
Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko ang mga mukha nila kuya na naawa sa akin. Pft
"hi po! P-pasok lang ako sa kwarto" sabi ko sa kanila at nagmadaling pumasok ng kwarto. Nilatag ko na ang nga gamit ko dun at Tiningnan ang bracelet ko, napangiti ako nang maalala si Jake. Matagal siya doon pero atleast gagaling siya.
MARIANO'S POV (kuya ni Mariana)
"nakakaawa naman" bulong ni Scarlet.
"pabayaan muna natin siyang mag emote ngayon, kaya wag mo muna siyang asarin!" sabi ko sa kanya, nagbabasa siya ng libro at nakahiga sa sofa.
Nakaupo naman ako sa kaharap na sofa at umiinom ng kape "kuya! Hindi ko naman siya inaasar ah! Baka ikaw!" sigaw niya,napairap naman ako.
"Hayst! Magsaing ka na dun!" utos ko sa kanya.
Napakamot naman siya sa ulo niya at Inis na nilapag ang libro niya sa mesa.
"nagdadabog ka na?!" tanong ko sa kanya.
"hindi ah! Sige na po magsasaing na po ako baka magutom kayo PO" loko talaga. Tumakbo na siya sa kusina.
Ang hirap talaga maging panganay, sakin talaga ang lahat ng problema nakatambak, magtatrabaho, magsisikap para may maipakain sa mga kapatid mo, pangangaralan mo pa, kailangan pang bantayan, baka mapano, ang hirap din pag walang magulang. simula nung namatay sila mama at papa, Napunta na sakin lahat ng responsibilidad, ako na ang naging magulang ng dalawa kong kapatid.
21 years old ako at 19 si Scarlet Habang 13 years old si Mariana ng mamatay ang mga magulang namin sa isang car accident, na trauma si Mariana nun at matagal siyang nabalik sa dating siya,si Scarlet naman ay panay ang iyak, pero si Mariana tulala lang siya, iiyak tapos matutulala, ako naman panay din ang iyak pero kailangan kong maging matatag.
Simula ng araw na mamatay sila mama at papa ay pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na gustong masaktan at umiyak ang mga kapatid ko, na aalagaan ko sila at proprotektahan, pero ngayon, naiinis ako sa sarili ko kasi nasaktan na naman ang kapatid ko, umiyak pa! Kung alam ko lang talaga na lahat ng saya na naramdaman niya ay may kapalit, inilayo ko na dapat siya kay Jake, pero naaawa din ako sa batang yun. Sana nga gumaling siya, ayoko ng masaktan ang kapatid ko.
ANA'S POV
"kuya? Nandyan ba si Isabella? Pwede ko bang puntahan?" tanong ko kay Kuya Mariano, dumaan talaga ako dito para samahan ang bestfriend ko!
"ah oo, sige pasok ka" sabi niya, pumasok naman ako.
"nandun sa Kwarto niya, pasukin mo lang" sabi ni kuya,tumango naman ako
"thank you po" sabi ko at kumatok sa kwarto ni Mariana.
Pagbukas niya ng pinto ay nagulat pa siya, pero nagulat ako ng mugtong mugto ang mata niya! "hindi ka ba natutulog? Huh?" umiling naman siya, at pumasok na ako.
Tiningnan ko naman ang kabuuan ng kwarto niya, mas Gumanda ngayon.
"Gumanda yata ang kwarto mo ah!" papuri ko.
Tumawa naman siya "salamat, ahm, dito kasi minsan tumatambay si Jake" sabi niya, nakagat ko naman ang labi ko.
"ayei! Sana all!" pang-aasar ko
"hmmm, sana nga gumaling na siya!" sabi niya, niyakap ko naman siya at umupo kami sa kama.
"Tatlong buwan lang naman e! Madali lang yun! Ngayon mag fucos muna tayo sa pag-aaral kasi pag naka graduate na tayo! Oh? College na tayo! Tapos magiging successful na tayo at syempre magaling na si Jake niyan!" pampalakas loob ko sa kanya.
Tumango naman siya at umiyak.
"s-salamat Ana" sabi niya.
Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto niya at nagulat kami ng makita si Cristal. May dala siyang pagkain, tinaas niya ang dala niyang pagkain at kumaway sa amin
Umirap naman ako "Hi guys! Look oh, I brought some foods? Let's eat? Here?" sabi niya, tumawa naman si Mariana at pinapasok siya.
"Bruhilda? Ano yang dalang pagkain mo?" tanong ko kay Cristal, Umirap naman siya at binigay sakin, pag tingin ko wow! MCDO!
"sana all!" sabi ko.
"You okay? Don't cry na! Nandito naman kami at don't worry malakas si Jake no! Este kuya hehe" hindi parin siya sanay mag kuya Tsk.
"medyo okay naman, at gagaling naman talaga si Jake" sabi ni Mariana.
Nagpaalam na muna si Mariana, kukuha siya ng plato.
"gosh, she's really inlove with Jake" bulong niya.
"alangan namang hindi! Boyfriend nga niya diba? Hays!" sabi ko sa kanya at Umirap.
"dah? I know, and they're inlove gosh! Kailan kaya ako maiinlove?"
"siguro pag college ka na! Pfft hahaha! Mabuti naman kasi nakasabay mo si Jake sa pag-aaral no? Sabay tuloy tayo ga-graduate!"
"of course, one year lang ang gap namin no!"
Pagkatapos naming mag chika ay pumasok na si Mariana, dala ang mga plato at kutsara, may juice din siyang dala.
Tinulungan naman namin siya.
"Paano mo pala natuntun ang bahay namin Cristal?" tanong ni Mariana kay Cristal.
"I just know hahaha" sagot niya.
"Kumain na nga tayo, gutom na talaga ako!! Maawa kayo!" sabi ko, natawa naman sila.
Habang kumakain kami, ay nasa sahig lang kami,minsan nag kwekwentuhan kami about Sa mga lessons namin. At never na naming binanggit si Jake kasi iiyak na naman si Mariana.
"Sobrang hirap nga nun!, don't worry 2 months nalang tapos na tayo sa high-school, college na tayo!" sabi ni Cristal.
"oo nga! Kaya sikap lang!" sabi ko.
Ngumiti naman siya at nag salita "dati palagi kayong nagbabangayan, tapos ngayon nakakaintindihan na kayo? Hahaha" tukso niya samin
Umirap naman kaming dalawa.
"argh!" sabay naming sabi kaya mas natawa kami.
BINABASA MO ANG
Follow Your Heart [COMPLETED]
Teen FictionWalang masama sa pagmamahal, lahat ng taong umiibig ay napakaswerte. Dumating sa punto na pareho na silang pagod sa isa't isa, ano ba ang mas papakinggan nila? Ang puso? O ang isip? Darating talaga sa punto ng buhay natin na mapapagod tayo sa lahat...