Kabanata 25I chose my choice in life
MARIANA'S POV
"tulaley?! Hoy?! Punta daw dito sila Pj at Klent kyah! Sabay sila sa atin sa party!!! Hoy?!?" nagulat ako ng yugyugin ni Ana, nabalik kaagad ako sa ulirat ko.
Ngayon na pala ang party, pag tingin ko sa Wall clock it's 6:23, Nandito pa rin ako sa bahay kasama ko si Ana, dumating ako kanina mga 12 pm, gusto pa sana ni Jake na Kumain kami kaso umayaw na ako, ayoko na. Sobrang sakit. Doble na, triple na pala.
"hoy?! Bakit natulala ka diyan?!" tanong ni Ana.
Nakamake up na siya. At naka robe
"wala, M-may naalala lang" sabi ko.
"so bakit nga? Bakit ka wala dito kanina at si Kuya Mariano lang ang naabutan ko?" tanong niya.
"natagalan sa groceries, madaming customers at nahirapan ako sa pamimili, dumiretso pa ako sa MCDO" sabi ko.
Hindi na naman siya nagtanong at nagsuklay nalang.Pagkatapos naming mag-ayos ay bigla namang dumating ang dalawang bakla na may pa intrance pa.
Natawa kami at niyakap sila
"oh? Mga bakla ang gaganda niyo ah!! May free snacks ba dito? Bago umalis?" tanong nila.
Tinuro ko naman ang ref.
Si Pj ay isa ng teacher sa isang preschool. Si Klent naman ay isang Principal, diba same vibes ang dalawa.
Pagkatapos nilang ubusin ang mga chocolates at junkfoods sa ref ay umalis na kami.
Nakasuot ako ng Red dress na hapit na hapit sa katawan ko at backless, kailangan daw kasi yung super formal parang mga pang ball na dress, dahil sobrang inggrande ng welcome party, kasi more than 23 years na dawng hindi nakaka uwi ang tita ni Bruse. Nasa 50's na daw yun. At mayaman.
Si Ana naman ay Nakasuot din ng isang dress, pero bukad ang sa kanya na hanggang tuhod niya, kulay peach. Si Pj naman ay anak tuxedo na may designs na bulaklak, Habang si Klent ay naka long-sleeved na white at may nakasulat na Welcome may pa scarf pa.
Pagpasok namin ay bumulaga sa amin ang isang napaka gandang Hall, puno ng mga bisita at ang gaganda ng chandeliers, gamit namin papunta dito ay ang sasakyan ko. Kahit papano nawala sa isip ko ang nangyari kanina.
Gusto ko sanang magkwento kay Ana pero wag ngayon may okasyon.
Sinalubong naman kami ni Bruse, ang gwapo niya
"Wow?!! Kayo na ba talaga yan?! Iba talaga pag flight attendant at teachers" sabi niya at nakipagbeso sa amin. Kilig na kilig naman ang mga bakla.
"Ang gwapo mo tol!" sigaw ni Ana kay Bruse, nag wink lang siya at tumawa.
Nahagip naman ng mata ko ang isang tao, si Jake, nakaupo at may kasamang babae, siguro yan yung mapapangasawa niya.
Naiwan naman kami ni Ana "teka? Si jake ba yan?" takang tanong ni Ana.
Tiningnan niya ako "oo, nag-usap kami kanina, pero mamaya ko na ikwekwento pag may oras pa!" sabi ko.
Tiningnan naman niya ako na parang naaawa, alam niya kasing mahal ko pa yang lalaking 'yan.
"ano ka ba! Kahit alas tres pa' to matapos, magkwekwento ka mamaya! Walang matutulog! Hahaha" sabi niya.
Iniwan naman ako ni Ana at nakipag-usap sa mga pogi. Mga 9 daw kasi dadating 'yong tita ni Bruse, may nagbigay naman sa akin ng wine. Tinanggap ko naman.tumambay lang muna ako Habang busy ang mata ko sa mga taong dumadaan at nag-uusap.
BINABASA MO ANG
Follow Your Heart [COMPLETED]
Ficção AdolescenteWalang masama sa pagmamahal, lahat ng taong umiibig ay napakaswerte. Dumating sa punto na pareho na silang pagod sa isa't isa, ano ba ang mas papakinggan nila? Ang puso? O ang isip? Darating talaga sa punto ng buhay natin na mapapagod tayo sa lahat...