Kabanata 27
Final
MARIANA'S POV
"ito? Maganda din 'to oh? San ang gusto mo?" tanong ni Ana sa akin Habang namimili kami ng gown ko.
It's been a week since ng nangyari.
Alam na din nila kuya at ate and they're happy at me,halos lahat ay alam na, kumalat din sa social media na ikakasal na ako. Busy din si Bruse sa pag aasikaso ng lahat at si Jake naman ay bumalik sa states kasama ang fiancee niya mukhang doon sila ikakasal.
Nakatira ako sa bahay ni Bruse, yup may sarili siyang bahay, parang mansion nga sa laki tapos mag isa lang siya, noong una medyo awkward pa, pero nasanay na kami ng mga nagdaang araw.
Tinuon ko ang atensyon ko sa mga magazines, tinuro naman ni Ana ang isang simpleng gown.
"hmm, oo Maganda! Sige ito nalang ang ganda! Kahit simple lang ang design" sabi ko.
"Hay! Bakla!!! Kumusta naka pili ka na?" biglang sulpot ni Pj, busy kasi si Klent sa paaralan.
Tumango naman ako at ngumiti.
"hays! Perfect! Alam mo bakla hindi ko talaga aakalain na ikakasal ka na at kay Bruse pa! Naks! Akala ko wala kayong relasyon bakit walang nagsabi sa'kin na matagal na kayo?" tanong ni Pj.
Ang alam kasi nila ay sekreto ang relasyon namin ni Bruse, at yun ang gusto nalang naming palabasin, ayaw namin na isip nila na sobrang dali naman, wala bang jowa muna? Bago kasal? Alam mo kasi ang daming judgemental ngayon kaya every time na may nagtatanong tungkol sa relasyon namin ni Bruse ay sinasabi naming we're dating in Private kasi at sobrang tagal na nun. We don't want attentions. Yan lang ang sinasabi namin.
Lalo na sa trabaho ko sobrang daming nakikichismis.
"private nga bakla!" sigaw ni Ana sa kanya, napairap naman si Pj at inayos ang buhok niyang mahaba.
Si Ana naman ay alam kong may hint na siya kung bakit biglaan, nag taka lang ako kasi di siya nag tanong bakit? Bakit ganito? Bakit ang bilis? Nanibago lang ako kasi yung dating Ana sabik sa chismis.
Mga hapon na nun at nakauwi na si Bruse, Nandito pa rin sila Ana at pj at Iba pang nga designers, mga kaibigan ni Bruse
Nakasuot siya ng polo shirt at lumapit sa akin. Mukhang pagod, hinalikan niya ang noo ko napangiti naman ako
"kumusta? Kumain ka na ba?" tanong niya Habang namumungay ang mata, gusto na nitong matulog.
Tumango lang ako "ikaw? Did you eat?" tanong ko.
Umiling naman siya at umupo sa sofa.
Bago sumandal dito at tumingala bago hinilot ang batok. "kukuhanan lang kita ng pagkain, wait" sabi ko pero hinawakan niya ang kamay ko.
"pagod ako, dito ka muna, ikaw ang pahinga ko" sa sinabi niyang yun, nanindig ang balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
Naalala ko dati si Jake ang sabi niya 'akala ko ikaw ang pahinga ko, hindi pala'
And then I smile.
Umupo nalang ako sa tabi niya at niyakap siya, sobrang saya ko legit.!
Nasa balikat ko naman ang kamay niya at ang isang kamay niya ay hawak ang kamay kong nakapulupot sa bewang niya.
"I love you" bulong niya na ikinagulat ko.
"ha?" takang tanong ko at tiningala siya
"I love you, mahal kita at totoo talaga, walang pagsisinungaling, sobrang mahal kita higit pa sa inaakala ko" sabi niya, napaiyak naman ako
BINABASA MO ANG
Follow Your Heart [COMPLETED]
Fiksi RemajaWalang masama sa pagmamahal, lahat ng taong umiibig ay napakaswerte. Dumating sa punto na pareho na silang pagod sa isa't isa, ano ba ang mas papakinggan nila? Ang puso? O ang isip? Darating talaga sa punto ng buhay natin na mapapagod tayo sa lahat...