Jann's POV
Napamulat ang mata ko dahil sa ring ng phone ko, nag-alarm to tsk. Bat mas naunang nag ring to kesa sa alarm clock ko? Kinapa ko sa side table yung alarm clock ko wala ito kaya tumayo ako at nakita ko yung alarm clock ko sa sahig at durog na durog, wait? Durog?! Bakit naman yun madudurog eh kung mahuhulog ito mababasag lang yung salamin at nagtaka ako sa may terrace ng kwarto ko bukas ito. Kinabahan ako damn! Naiwan ko yatang bukas yung pinto ng terrace pero di pwedeng naiwan ko yun dahil di ko naman yun binubuksan kaya dali-dali akong tumayo at pumunta sa terrace. May nakita akong isang box sa sahig kaya nilapitan ko yun, binuksan ko ito at nagulat ako dahil ang laman ng box ay puro pictures ko at may sulat ring nakalagay sa loob "Nagustuhan mo ba yung mga nang-yayari? Kung oo mag-eenjoy ka pa lalo sa mga susunod na mangyayari, si John? Di ba inis ka sa kanya at sa mga barkada nya? Ako galit sa kanila eh. Wag kang mag-alala mawawala na sila sa landas mo at landas ko, mauubos sila isa-isa, mawawala na ang barkadang siga sa section 3-Faith. Handa ka na ba? Marami pang mangyayari John Villanueva, just watch stay away from them or else you'll be gone before them. I'm not scaring you or threatening you I'm just giving you warning so you'll not be a big rock to me. I'm still need you alive until the last day if school days so behave Jann, okay? We will meet each other soon.
Psh. "Be ready okay?" What the hell? Who is she or her? The hell I don't even know if this person is a girl or boy. This is nuts! Urgh. And wait! How this person knew that? I kept that as a secret! At kahit sa kambal di ko yun sinabi! Paano nya nalaman na inis ako kila John? Sino ka ba talagang tao ka? Why are you doing this? And are you watching me? And you even have a lot of my pictures. You're a bit creepy! Bago pa ako mag freak out pumasok na ko sa kwarto ko at siniguradong nakalock yung pintuan ng terrace ko. Mula kahapon tahimik lang si Johann. Kami lang ni Yohann ang daldal ng daldal. "Oy Jann tignan mo si Veronica nakatingin na naman sayo oh!" Pang aasar pa ni Yohann sakin. Aish! Tong tao na to bwiset. "Eh si Rose nga titig na titig sayo oh! Tignan mo ang creepy nya! Teka teka! Oy Yo tumutulo yung laway. Hahaha! Oh ano ka naman Yo!?" Nickname ko kay Yohann ang Yo'. Jo' naman kay Johann at Ja' naman ang tawag nila sakin. Mejo parang gay pero just for fun nag go nalang kami. Nag bago yung ekspresyon ni Yohann sa sinabi ko "Ulul!" sabi nya na nakasimangot. "Oh ano? Pikon masyado Yo? Hahaha" tumatawang pang-aasar ko kay Yo'. Natigilan kami sa pang-aasar sa isa't-isa ng makita namin na tumatakbo yung barkada ni John at halatang takot na takot. "Si John, si John!" Pasigaw na sabi ni Peter. Tulala lang si Jhay at Cyrus. Napatayo si Mike "Ano? Bakit anong nangyari kay John?" Pasigaw na tanong ni Mike. Nanginginig na inabot ni Jhay kay Mike yung hawak nya. "Putang ina! Ano-anong nangyari? Sino gumawa nyan? Nasaan si John mga pare?!" Sunod-sunod na tanong ni Mike sa mga kabarkada nya, pero lahat sila nakayuko. Napag alaman namin ni Yohann na picture yun ni John at puro dugo sya. Biglang pumasok na naman sa isip ko yung nasa sulat. Sya ba ang may gawa nito?
John Dela Vega's POV
Sa sobrang haba ng pila sa fast food chain at nainip ako. Naglakad na ako palabas ng fast food chain uuwi nalang ako at doon kakain. Nakakairita lang naman yung fast food chain na yun! Bwiset biglang may naramdaman ako na sumu-sunod sa akin. Lumingon ako sa likod ko pero wala akong nakita ng pagharap ko bigla na lang may humarang na dalawang lalaki sa akin, tatakbo sana ako pero may pumalo sa ulo ko. Di ko alam kung anong bagay yun basta ang alam ko matigas. Sapat para mawalan ako ng malay. Pag mulat ng mga mata ko may nakita akong taong nakatayo sa harapan ko. "John Dela Vega ang hari ng Wilzard Academy kamusta ka?" Nagulat ako sa nakikita ko. Di pwede! Di pwede to! Unti-unting ginapang ako ng takot. "Okay naman, ikaw ba?" Sagot ko at ngumiti ng nakakaloko. "Alam mo ba kung anong mangyayari sayo?" Nakangiti sya habang nilalaro yung kutsilyo sa kamay nya. Pinilit kong hindi mag pakita na natatakot ako at sa palagay ko gagana naman dahil siga nga ako sa school at alam ng lahat na matapang ako. Nakita kong nawala yung ngiti nya "Talaga?" seryosong sabi nya. "Oo" sabi ko ng bigla nya kong sinaksak sa binti. Na pahiyaw ako sa sobrang sakit "Stop pretending that your brave John, it's obvious that you're a fucking coward that's hidding to the shadows of your fucking friends!" Halos pasigaw nyang sabi. Pano nya nalamgan yun? "Kelan ba ako natakot ha? Kahit sayo di ako takot!" Sigaw ko sa kanya at dinuraan ko sya. "Go to hell John, let's see each other there!" Sigaw nya sakin at naramdaman ko nalang ang sunod-sunod na saksak nya sa akin. Ang pinaka naramdaman kong saksak ay yung sa tagiliran ko hanggang sa naliligo na ako sa sarili kong dugo. "See you John" Sabi nya sa akin ng nakangiti. "Ulul!" Ang alam kong alam nya na ang kahinaan ko at nalaman nya na rin na isa akong duwag na nagtatago sa anino ng mga kaibigan ko and I can stop pretending to be brave and unbreakable which is not true. I'm sick and tired of being like that, but I can't accept that I'll die just because I'm stupid and I'm regreting everything I swear and I want to say sorry for everything. Bago pa man ako mamatay nasambit ko ang salitang "I'm sorry."
BINABASA MO ANG
Secrets
Tajemnica / ThrillerIt is something about secrets that secrets might be very very dangerous that can kill someone