KABANATA 12

222 8 0
                                    

“Hindi ka ba papasok?” kunot noo kong tanong.

Ilang minuto na si Travis nakatingin sa harapan ng bahay namin. May kung ano kaya siya ganoon. Wala kaming matatapos niyan!

“May problema ba sa bahay?” dagdag ko at bahagya pang pinagmasdan ang kabuuan nito. Wala akong nakitang mali dahil mukhang bago pa rin ito.

“Wala” sagot nito pagkatapos ng ilang minuto bago ako inaya sa loob.

Sa puntong ito napapaisip ako, ano bang meron at naging ganyan siya?

Baka kulang sa tulog?

“Neo pwede kang umidlip saglit kung kulang ka sa tulog” ani ko at inilalabas na yung gagamitin namin.

Laptop, pens, highlighters.

Research kumbaga.

"Who said that im sleepy?" tugon nito kaya napairap ako.

Tinignan ko siya at ganoon pa rin ekspresyon ng mukha niya. Halata para siyang walang tulog pero gwapo pa rin.

"Wala naisip ko lang, baka kaya ka natutulala ay dahil puyat ka" sabi ko at naupo na para masimulan yung gagawin.

"Baka ikaw yung puyat, kung ano-ano naiisip mo mababaliw ka niyan." aniya at nagsimula ng magtipa sa laptop niya.

kung alam niya lang kung ano itong naiisip ko at baliw na talaga ang puso ko sakanya.

kung alam niya lang yung feeling.

Before bitterness crept the whole me nagsimula na akong gumawa. Since hinati na namin ito at nagpresinta siyang habaan yung kanya pero pantay lang daw ang magiging resulta. Umalma ako pero sa huli ay nabigo pa rin.

Lumipas ang ilang minuto at nagpatuloy kami sa paggawa, hindi pa naman kami nakakaramdam ng gutom dahil plinano naming pagkatapos ng pananghalian kami gagawa.

Minsan ay tumitingin ako sakanya pero hindi niya ako nililingon, tutok sa gingawa at parang matatapos niya agad ito ngayong araw.

Umiiling pa ako bago binabalik ang tingin sa ginagawa. Nakakatuyo ng utak at ang sakit sa kamay.

Ang hirap maging studyante, pasa lang ng pasa para makapasa. Basa ng basa para may maisabi sa iba.

Ang hirap mas gusto ko nalang maging bata na paglalaro lang ang nasa isip.

"Meryenda muna tayo" aya ko nakailang pages na rin ako sa aking nagagawa malapit ng matapos at ilang oras rin iyon.

"Patapos na ako mauna kana" aniya ang tingin ay nasa laptop.

Umismid ako bago nagsalita. "Tatapusin ko nalang rin yung akin" sambit ko at tumalikod na para magtipa.

Okay lang dahil hindi pa ako gutom at kung hindi siya kakain gugutumin siya at kasalanan niya yun.

Ano pang poproblemahin ko maliban dito sa nararamdaman ko para sakanya.

Ang gulo na masaya.

Someone closed my laptop and put it on another table and he exchange it with a food.

Umupo si Travis sa harapan ko at inaya pa akong kumain. Nakakagulat na nakakakilig.

madalas kaming ganito dati pa man pero ngayon yung something ramdam ko.

ganito problema kapag may gusto ka sa isang tao nagffeeling ka.

Ruled by the Attorney Where stories live. Discover now