Sanay na ako na pagkaguluhan ng mga tao lalo na ng mga parokyano. hindi dahil sa artista ako o model o ano pa man na pwdeng magpa sikat sakin pinagkakaguluhan ako dahil sa trabaho ko. Kinakahiya ko man ang trabahong meron ako pero wala akong magagawa ito ang paraan na naisip ko para mabuhay dito sa mundo pag hindi ko ito gnawa maaga akong mamatay. Ako si gracia nag iisa nalang ako sa buhay hindi ko alam kung bakit at kung paano basta namuhay akong mag isa. Masisisi nyo bako kung ito ang trabahong kinasasadlakan ko ngayon!? I guess hindi. Ikaw na lumaki ng walang pangaral at gabay ng magulang sa tingin mo hindi ka magiging ganito? Mapapariwara ka! Wala kang iisipin kundi paano maipagpapatuloy ang buhay kahit na mag isa ka lang kahit na wala ng umaalalay sayo! Alam nyo ba ang pangarap ko? simple lang "mabuntis ng mayamang lalaki na kaya akong alisin sa bangketang kinapwepwestuhan ko tuwing sumasapit na ang gabi" ganun na ako kababaw at kadesperada para lang makamit ang marangyang buhay!! Makahawak man lang ng makapal kapal na pera hindi yung iilang pirasong papel na nga lang hawak mo ipangkakain mo pa.
Pikit mata ko nalang gngwa lhat ng ito para din nmn to sa sarili ko. Sarili lang maasahan ng sarili ko. At sanay na ako sa bagay na yan!
--------
A/N :
Hey guys. Pls check my 2nd story. My unknown lover. Pls support. Thanks kung may magkaka interes sa story ko na to . Sana lang meron. :)
-------