Ask Dr. Heart

69 1 4
                                    

Scenario 1: May gusto ako sa isang guy pero hindi ko masabi. Hindi kami close. Hindi kami nagkakausap. Ang tanging communication lang namin ay mga sulyap tuwing mag-kukrus ang aming landas at ang minsang mga pag-uusap sa social networking sites. Ano ang maipapayo mo sa ganitong sitwasyon?

Unang-una, ang mga ganitong scenario ay hindi na bago. Sa panahon ngayon na tinatawag na "internet age" ang mga ligawan ay dinadaan na lamang sa pachat-chat. Hindi na baleng walang communication in person. Pero tama nga ba iyon? Ang masasabi ko lang. Hindi. Hindi. Hindi.

Dahil hindi mo makikilala ng lubusan ang isang tao kung pa-facebook facebook na lang kayo. Kelangan ng mula sa pusong usapan. Kahit nakaw na sandali lang.

Going back sa scenario na nabanggit, kung isa sa mga komunikasyon nyo lang ay sulyapan, bakit hindi mo subukan ngumiti. SMILE. Dahil kapag nagkatinginan kayo at nag-SMILE din sya sa yo, hindi mo na masasabing hangin ka lang sa kanya. Dahil ang simpleng SMILE ay nagsisilbing simbolo na "napansin" ka nya.

Eh paano kung hindi sya mag-SMILE back?

Simple lang ang kasagutan dyan, it's either nagkataon lang na lagi syang napapatingin sa direksyon mo ng hindi sinasadya at tinanggap mo na ito bilang pag-sulyap sa'yo.

Anu ang gagawin mo kung gayon? I-try mong h'wag pansinin. Ngunit kung ang mga sulyap ay mauulit pang muli. I-try mong mag-SMILE muli. Malay mo nahiya lang sya nung una at kung mag-SMILE back na sya, take it as cue na tunay ngang para sayo ang mga sulyap nya.

Ngayon pagkatapos nito anu ba ang karaniwang ginagawa ng mga kabataan ngayon?

At dito ay bumabalik tayo sa usapang social networking sites. Tiyak, sa mga simpleng sulyap lang ay mauuwi na sa paghahanapan sa Facebook, or twitter, o kung ano pa mang sites.

At dito ay mabubuo na ang mga nakaw na usapan. Chat. "Kumusta?" "Anung pinagkakaabalahan mo?" "How's your day?" at kung anu anu pa.

Ngayon kung ang taong iyong gusto ay minsan kang chinat, anu ba ang magandang sabihin?

Simple lang, be honest and start with...

Tanungin mo ng related doon sa ginagawa nya nung huli kayo "nag-sulyapan."

For example, nakikipagkwentuhan sya sa barkada nya..pwede mong sabihing, "close kayo ni ganito anu? Napansin ko kasi lagi kayong magkakasama..."

Or pwede ka rin mag comment sa sports nya or hobby nya. Kung hindi mo alam, pwede mong itanung via chat.

Pero babala. Hanggang dyan lang siguro ang nais kong i-advice na SAFE limitation ng topic sa chat. Yung mga napapansin mong ginagawa nya or yung pagtatanung mo ng iba pa nyang hobbies.

Hindi mag-buibuild up ang isang relationship or friendship kung sa chat lang kayo mag-uusap.

Para mag-level up ito sa personal na pag-uusap pwede mo syang imbitahin.

"Pwede mo ba kong turuan ng ganito..."

"Pwede mo bang sabihin sa friend mo na pahiram ng ganito...or paturo..."

Kung magkikita man kayong muli sa personal ay tiyak na hindi na sulyap lamang. Mag-buibuild up ang inyong friendship and who knows future relationship...

Batid ni Dr. Heart na mahirap mag-approach in person. Ngunit kung hanap mo talaga ay ADVICE na kapanipaniwala at pwedeng magbigay sayo ng iyong nais simple lang ang kaylangan mo:

I-Build Up ang iyong LAKAS ng LOOB. Kapalan ang 'yong mukha.

Ikaw lang ang makapagdidikta ng iyong Kapalaran!

Note: Mga follow up na question/suhistyon para sa scenario 1 ay welcome na welcome.  

Salamat at Hanggang sa Muli!

Dr. Heart

Ask Dr. HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon