CHAPTER 59: MATAPOS ANG ISANG BUWAN

29 3 0
                                    

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga pulis sa nakitang bangkay sa loob ng punong kahoy. Pinauwi naman ng mga pulis sina Fred, Arman, Celito at Rico upang ipagsabi sa buong nayon ang naturang balita at nangako ang mga pulis na ipaapalam nila sa lahat kung anu ang takbo ng kaso sa nahanap na bangkay sa punong kahoy.

Pinaalalahanan din nila ang wag lumabas ng gabi dahil sa hindi pa rin tapos ang kaso ng mga nawawalang tao sa kanilang lugar.

Pag- uwi nila Arman at ng mga kasama nito, ibinalita nila ang mga nangyari sa mga tao sa nayon. Kinilabutan ang mga tao sa kanilang ibinalita at nangangamba na baka may isa pang kaso ng pagpatay ang nangyayari sa bundok, kaya naman pinagbawalan nila ang kahit na sino na pumunta sa bundok hanggang sa matapos ang imbastigasyon ng mga pulis.

Dahil sa ipinagbawal ang lahat ng tao na pumunta sa bundok mula sa kanilang bayan, naisip na lang ni Rochel na ipaggawa ang mga gawaing panglalake kay Archie tulad ng pagsibak ng kahoy, pagbubuhat ng mga mabibigat at pagtulong sa panghuhuli ng isda sa dagat bilang parte ng kasuduan nila na gagawin lahat ni Archie ang mga nais nyang ipagawa sa kanya.

Araw-araw na ginagawa ni Archie ang mga ipinapagawa sa kanya ni Rochel. Si Rochel naman, napapansin nyang unti-unti ng napapalapit ang loob nya kay Archie dahil sa unti-unti nya rin itong nakikilala dahil sa lagi nya itong nakikita at nakakausap sa bawat araw na lumilipas.

Makaraan ang isang buwan, lumabas na rin ang resulta ng imbestigasyon ng mga pulis sa bangkay ng isang lalaki na nahanap ni Fred.

Ibinalita ito ng mga pulis sa harap ng pulis station. Nagimbal ang lahat sa sinabi ng mga pulis dahil napag-alaman nila mula sa DNA test mula sa bangkay na ipinadala nila sa Main office sa siyudad ng Selma, lumalabas na ang bangkay ay isa sa mga nawawalang tao na nakapaskil sa bulletin board ng Pulis Station.

Ang nakakapangilabot pa ay ang nahanap na bangkay ay ang pinaka-unang opisyal na nawawalang tao sa isla, 3 buwan na ang nakakaraan. Isa pang nadiskubre nila ay kung paano isiniksik ito sa loob ng puno dahil sa wala namang bakas na binutasan ang punong-kahoy upang ipasok ang naturang katawan ng tao.

Isa pang nakakabahalang balita ay ang patuloy pa rin na pagkawala ng ilang mga tao at pati na rin mga bakasyonista sa buong isla na umabot na sa 154 ang mga nawawalang tao at hindi pa rin nahahanap ang mga tao o labi man lang ng mga ito. Nababahala na din ang mga pulis na baka dumami pa ang bilang ng mga mawawalang tao dahil na rin sa palapit na din ang Semana Santa at lalong dadami rin ang mga magbabakasyon sa kanilang lugar.

Kaya pinayuhan ng mga pulis na ipakalat sa buong taga-isla ang balita. Pinayuhan din nila abg lahat na mag-ingat at maging mapagmatiyag sa kanilang paligid dahil sa hindi pa rin alam ng mga pulis kung ano o sino ang nambibiktima sa mga nawawalang tao.

Nang makarating ang balita sa nayon kung saan nagbabakasyon sina Archie at Arman mula sa magtataho, nababahala na ang lahat dahil sa resulta ng mga pulis sa imbestigasyon sa bangkay na nakita noon ni Fred. Parang kinabahan si Lola Lita sa sinabi ng magtataho sa kanya at tila may ideya sya sa kung anu ang may gawa sa bangkay.

Napansin naman ni Archie ang kakaibang reaksyon ng kanyang lola mula sa mga balitang sinabi ng magtataho. Matapos nun, agad na din silang bumalik sa kanya-kanya nilang gawain. At gaya ng nakagawian ni Archie mula ng dumating siya sa isla, muli syang pumunta sa bahay ni Rochel upang gawin ang mga ipinapagawa sa kanya.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon