Sana

32 0 0
                                    

Ako si Ralph Sanchez, matangkad, maputi at gwapo sabi nila at heartbreaker sabi din nila. nasa 3rd year highschool.

"Mr. Sanchez! Ano nanamang gulong ito?! Lagi ka nalang napapasok sa mga gulo! Last warning mo na ito, pag napasok ka pa sa kahit anong gulo dito sa paaralan, I will call your parents, naiinintihan mo ba?" Pangaral ni Ms. Principal. "Simula sa araw na ito, may rereport na sa akin sa anong gagawin mo dito sa paaralan, she will be your study partner simula ngayon."

"Ha?! Pero Miss..." Sabi ko

"Walang pero pero, basta do what I want. It is for your own good. Si Miss Gomez ang napakausapan ko"

"Si Leah Gomez po Miss?!" Nag-aalalang sabi ko.

"Yes, and I'm no further explanation at every after class in the afternoon doon kayo sa study room pupunta for your study session, you can go back to your classroom now" sabi ni Ms. Principal

Tssssss! Badtrip! Okay na sana kaso si Leah Gomez pa, sa dinami-dami naman jan siya pa! Ang malas ko talaga ngayon. Ang sungit sungit pa naman yun.

Pagdating ko sa silid, kinalabit ako ni Leah "oy Mr. Sanchez, talagang pinipikon mo ako ano? Nakakaistorbo kana ng tao sa ginagawa mo at ngayon kapartner pa kita sa studyroom, malas ko talaga."

"Paki mo ba? Buhay ko ito. At wala namang namimilit sa'yo na magkipag partner sa akin, unless kung may gusto ka sa akin." Sabi ko.

"Bastos!" Sabay hampas sa akin ng notebook na hawak-hawak nya.

Okay naman si Leah eh, maganda, makinis ang balat, matangkad at tsaka honor student pa kaso napakasungit. Hindi ko pa cya nakitang ngumiti kahit minsan. Magkaklase kami simula pa nung 2nd year highschool. Siya yung tipong mataas ang standards sa mga lalaki kaya nga hanggang ngayon wala pang boyfriend.

Alas 4 na ng hapon.

Naunang pumuntang study room si Leah, at nag handa ng kanyang mga gamit at notes para pag aralan namin.

Nang makarating ako sa silid, ang mga mata niya'y parang papatay habang nakatitig sa akin. "O, andito ka pala. Hinintay mo ba ako kasi para may rason ka na para mag date tayo?" Sabay ngiti ko sa kanya

"Tanga ka ba o sadyang bobo lang? Study partner tayo kasi sabi ni Miss Principal at 'wag kang mag ilusyon jan, di kita type at wala sa bokabolaryo ko na papatol sa mga katulad mo kaya tumigil kana sa kahibangan mo." Pasungit na sabi nya

"Weh? Sa gwapong kong to, di ka na aatrakan sa'kin? Pakipot kapa." Nangungulit na sabi ko sa kanya.

"Binibwisit mo talaga ako. Umayos ka na nga, baka isusumbong pa kita kay Miss Principal sa mga ginagawa mo sa akin. Mag simula na nga tayo."

Sa mga oras na ito kami lang dalawa at ang counter checker lang ang andun sa study room. Nasa iisang table kami at magkaharap. Pwede naman makipag-usap doon basta 'di lang makakaistorbo sa iba.

Habang nag aaral kami ng mga notes namin, tinitignan ko siya, maganda talaga siya at maswerte ang lalaking mamahalin niya. Pero 'di ko tipo yung masungit eh, kaya sorry ka nalang Leah.

Mga 5:30pm na, natapos na kami sa mga assignments namin at nagliligpit na kami ng mga gamit namin. Habang kinukuha ko ang notebooks ko, aksidenteng nahawakan ang kamay niya. Akala ko notebook ko yung nahawakan ko, 'di kasi ako tumitingin noon. Habang hawak ang kamay niya, nagkatinginan kami, sabay bitaw ko agad sa kamay niya. "Sorry, di ko nakita kamay mo na pala yung nahawakan ko." Sabi ko

"Okay lang, at kelan ka pa nag umpisang nagsorry?" Sabay tawa sa akin.

"Bwisit sabi ko, hindi sorry, bingi mo" sabay asar ko sa kanya

"Sus, reasons nanaman" sabi niya

Nang matapos kaming mag ligpit ng mga gamit namin, may tumawag sa kanya.

"Hello babe"

"Oo, tapos na kami dito"

"Sige magkita nalang tayo sa gate"

Sabi niya sa telepono.

"Kelan kapa nagka boyfriend? Wala pa akong nakitang kasama mo palagi ah" sabi ko sa kanya

"Paki mo ba? Selos ka no?" Sabay ng mapang asar na tawa niya.

"Nagtaka lang kasi ako kung bakit may naloko sa'yo" ganti ko sa kanya

"Maganda kaya ako" sabi niya

"Pwe!" Asar ko sa kanya

"Inggitero!" Sigaw niya sa akin

Nagsabay na kaming naglakad palabas ng skwelahan. Nagmamadali si Leah na lumabas ng gate. "Mga babae talaga kahit papano ganyan" sabi ko

Nang makalabas na ako sa gate nakita ko si Leah at isang lalaki papunta sa akin.

"Oy Ralph, si Luis nga pala" sabi ni Leah. Nag shake hands kami at umalis na din ako.

Mga alas 10 na ng gabi, 'di ako makatulog 'bat 'yung boses ni Leah lagi kong naririnig at hindi ako makatulog? Teka, bay ganito nararamdaman ko? Mahal ko ba siya? Putek! Ginayuma ata ako ng babaeng yun! "Hindi pwede ito! Nag resign na ako sa pagiging heartbreaker tsaka di kaya magawa kay Leah yun" sabi ko sa sarili ko.

-itutuloy-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon