SOMEONE
Sa isang tagong lugar ng Cenred nag uusap ang dalawang anino na nagkukubli sa dilim. Lingid sa kaalaman ng iba.
"Kailangan ng mawala sa landas ang gagong iyon sa madaling panahon".
Nakalolokong ngisi ng isang di inasahan na panauhin.
Sumang ayon naman ang kausap nito."Kaya nga dapat madaliin na nating isakatuparan ang plano".
Anang isang anino na sobrang nainip na.
Noon pa nila ito pinlano ngunit nabulilyaso. Kaya ngayon na ang tamang panahon."I know that. But for now, umalis ka muna baka may makakita sayo".
Nawala na sa dilim ang isang anino. Habang palinga- linga muna ang isa para siguruhing walang nakakita sa kanila bago pumasok ng kastilyo na parang walang nangyari.
Hindi nila alam na kanina pa may nakikinig sa kanilang usapan.
Nagmamadali rin itong umalis sa lugar na iyon.****************
PERCIVAL
Sa dami ng nangyari ngayong araw ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Hindi ko inakalang ngayon isinilang ang anak nila ni Alpha.
Masaya ako dahil meron nang tagapagmana ang alpha kahit sabihin nating napakabata pa nito para magretiro.
Ngayon lang pumasok sa isip ko na ang tanda na pala namin. Joke lang, 20 pa ako noh saka 20 rin naman si Alpha. Ang bata pa niya maging ama pero heto na yun wala ng atrasan to. Yun nga lang nakakalungkot isiping di pa pwedeng umuwi ng kambal dito dahil may banta pa.
Noon pa namin inimbestigahan ito pero ngayon lang unti- unting lumiwanag ang lahat.
May traydor pala sa council at nais nitong wasakin ang Cenred. Which is di ko naman papayagan. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang siyang naging tahanan ko.Sinindihan ko ang sigarilyong hawak. Humalo sa hangin ang amoy ng binuga ko ito.
Umupo ako sa sementong bench na nandito sa likod ng kastilyo malapit sa tarangkahan. Dito kasi kami palaging dumadaan pagnag ra- rounds kami sa border.
Maaliwalas ang panahon ngayon at maliwanag ang paligid sa sinag ng buwan kahit sa makalawa pa ang full moon.Napukaw ang atensyon ko ng maaninag ko ang babaing palinga- linga sa paligid. Mukhang may pinagtaguan ito at nagmamadaling pumasok sa bukana ng kastilyo. Hindi nito napansin ang presensya ko dahil nasa medyo tagong parte ako at natatakpan ng mga halaman pero base sa kinaroonan ko kitang- kita ko siya.
Sinundan ko siya dahil mukhang may bumagabag nga sa kanya.
"Lyn? May problema ba?"
Ani ko. Halos mapatalon naman siya sa gulat pagkalingon niya sa akin.
Mukha naman siyang di mapakali.
I know something is bothering her."Ah i-ikaw p-pala Percy".
Pilit niyang pinasigla ang boses pero halos magkanda bulol siya sa pagsalita.
Kaya hinawakan ko ang pulsuhan niya at dinala ko siya sa kinaroonan ko kanina. Gusto kong malaman kung ano ang bumagabag sa kanya.
Buti na lang nagpatianod ito.
Kahit sa liwanag ng buwan maaninag pa rin ang maganda niyang pagmumukha. She is really beautiful in and out.
Wala na siyang pamilya kaya naging alalay siya ni Jane pero kahit ganun man, i still adores her. Mula noon hindi pa rin nagbago ang tingin ko sa kanya.Banayad kong hinaplos ang pingi niya. Napakislot siya pero di naman siya tumutol.
How i miss this girl so much."Now tell me Lyn."
Ginagap ko ang kamay niya at dinala sa labi ko para kintalan ng halik.
May pag alinlangan man pero sinabi pa rin niya sa akin ang lahat."Sigurado ka ba na siya ang nakita mo?"
Paniniguro ko. She nodds. I hug her tightly to show her how much i miss her so damn.
After 5 years nagkita ulit kami pero di pa rin kami lubos na masaya dahil sa mga banta."Don' t worry i will protect you no matter what. Alam mo yan. For now, bumalik ka na sa loob para di sila makahalata. Pretend you hear nothing".
Instruction ko sa kanya saka ko siya hinalikan ng mabilis sa labi.If this is over. I promise magsasama na tayong dalawa Lyn. Wala ng hahadlang pa sa atin.
She is the woman of my dreams. My love. My Mate.
Si Zion lang ang tanging nakakaalam na siya ang mate ko.
Sinabi ko sa kanya first time i confirm that she's my mate. Kahit pikunin at masungit ang Alpha i know deep inside he's a good man. Sinuportahan niya nga kami yun nga lang may mga bagay na di natin kayang kontrolin gaya nung nangyari noon. Wala akong magawa kundi maghintay sa muli naming pagkikita. At ngayong nandito na siya gagawin ko lahat just to keep her with me until forever.Sa nalaman ko kay Lyn kanina. Nag mindlink ako kay Zion.Pinuntahan ko siya sa opisina niya dahil soundproof ito. Walang makakarinig na iba sa amin.
Sinabi ko rin sa kanya ang lahat ng narinig ni Lyn kanina.
Kita ang pagpipigil niya ng galit sa dalawang traydor.
Hindi kasi kami dapat padalos dalos para di kami maunahan ng mga ito."Kung gayun, kailangan ko ng kumilos. Bukas aalis ako papuntang Enchun. Kung may magtanong kahit na sino sabihin mong may inasikaso lang ako sa council."
Enchun ang lugar na nasa sentro ng council. Pinamumunuan ito ng legendary alpha king na si Kaizen. Na siyang pinakamalakas sa lahat. Walang kinatatakutan. Lahat takot sa kanya pati na ang mga elders sa council takot na banggain ito sapagkat kaya niyang alisin ang mga ito sa landas niya. Siya ang batas. Lahat na sasabihin niya ay ang palaging masusunod.
Wala na siyang mapagpipipilian kundi hingin ang tulong ng kanyang pinsan.
Si Kaizen ay ang nakatatandang kapatid ni Lance ngunit pinili ni Lance na manirahan kasama si Zion at ang tiyahin nito na si headmistress Guia dahil nakikita niya sa tiyahin ang namayapa nitong ina because aside that they're twins pareho ring mapag aruga ang dalawa sa kanilang mga anak. Yun nga lang may sakit kasi ang ina nila ni Lance at Kaizen kaya ito namayapa na yung ama naman nila at ama ni Zion ay magkapatid. Mas matanda nga lang ang ama nila ni Lance. Parehong nasawi ang kanilang mga ama ng sumiklab ang kaguluhan noon.
Noon pa man duda na sila sa ulat ng council. Impossible kasing napatay ng ganun lang dahil parehong malalakas na alpha ang mga ito. Lalong lalo na ang ama nila ni Lance na siyang nagtaglay ng bihirang lakas.Kinabukasan hindi pa suminag ang araw umalis na si Zion patungong Enchun. Mag isa lamang siyang pumunta doon.
Nagdisguise siya para di siya makilala ng mga taga doon dahil hindi niya tiyak kung may kaaway. Mahirap na kasi magtiwala hindi lahat ng mabait sayo, kakampi mo.
BINABASA MO ANG
ALPHA of CENRED
WerewolfHE IS RUTHLESS BUT I AM CURIOUS WITH HIM. HE IS SNOB BUT I LIKE HIM. HE DESPISE ME BUT I LOVE HIM. HE IS AN ALPHA AND I AM NOTHING.