Chapter Six

488 14 0
                                    

"K-kanina ka pa gising?" kandautal na tanong niya dito. Darn it! Nahuli ba siya ni Sid na tinititigan ito?

Tumayo si Sid at ini-stretch ang mga paa. Si Gabby naman ay dagling umatras palayo dito. Sa ginawa niya ay nagtaasan ang mga kilay ni Sid.

"Bakit ka lumalayo sa'kin?"

Bakit nga ba?

Itinaas niya ang mukha lalo na nang makita ang pagkunot ng noo ni Sid. Ayaw niyang isipin nito na affected siya ng hitsura nito habang natutulog ito. Hah! As if!

"Bakit hindi ka pa umuuwi? Bakit dito ka natulog?" mataray na baling niya. "Mr. Albañez, baka nakakalimutan mo kung kaninong kwarto 'to? Who gave you the right to barge into my room?"

"Ginawa ko lang ang trabaho ko," nababagot na sabi ni Sid, sabay sulyap sa folder na hawak-hawak niya. "Ayan at kakabigay lang ni Manang Susan ng mga papeles sa'yo."

Nang akmang ibabato niya pabalik iyon kay Sid ay pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib.

"At huwag mong sabihing hindi mo 'yan kailangan. Tumawag ako kanina sa opisina at itinanong ko kung nasaan ang mga kakailanganin mong datos."

Umismid na naman siya. "Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Don't be stubborn. Kung iniisip mong utang na loob mo sa'kin iyan ay nagkakamali ka. Ginagawa ko ang trabaho ko so don't feel obligated to thank me," yamot na sabi nito.

May point naman si Sid pero ewan ba ni Gabby at ayaw na ayaw niyang pinapakialaman nito ang kahit ano sa kanya. Pakiramdam niya kasi ay lagi siya nitong minamaliit sa mga ginagawa nito.

"Kahit na," giit pa rin niya. Matigas nga ata ang ulo niya. "Marami akong pwedeng utusan. Kaya sa susunod, huwag mo akong papakialaman kapag hindi ko sinasabi. And that's my official order as your boss."

Sandaling hindi nagsalita si Sid. Nakatitig lang ito sa kanya. Napalunok siya sa paraan nang pagtitig ni Sid. Kahit noong high school pa lamang sila ay ganoon na talaga ang paraan ng pagtingin ni Sid sa kanya. At kapag gano'n na ang tingin nito ay may bahagi sa kanya ang tumitiklop.

"Why are you doing this?" mahinang tanong ni Sid. "I know you don't like me that much—"

"I don't like you at all. Period."

Napakamot na lang si Sid sa ulo. Mukhang na-frustrate na sa kanya. Bago pa niya maintindihan ang gagawin nito ay padabog nitong tinawid ang distansya nilang dalawa. Hindi napaghandaan ni Gabby ang gagawin ni Sid kaya napaatras pa siya lalo. Lalo pa nang makita na seryosong-seryoso na ang hitsura nito. Minsan na niyang nakita ang ganoong ekspresyon ni Sid.

Once upon a time during high school...

"A-anong ginagawa mo?" pilit niyang pinataas ang tinig. Lalo na nang makita na hindi pa rin tumitigil si Sid sa paglapit sa kanya. Tuloy-tuloy pa rin siyang napaatras. "Desiderio! I just asked you!"

Pero hindi man lang natinag si Sid. Wala siyang choice kundi umatras sa pinaka-sulok ng silid. Gustuhin man niyang tumili ay parang nalunok niya lahat ng laway niya. Hanggang sa namalayan na lang niya na nasa harap na niya ito.

"Mr. Albañez, will you please keep your distance?" ulit niya. Sa pagkakataong iyon ay pilit na ang paglalagay niya ng authority sa tinig niya.

But instead of backing away, Sid stretched out his arms. Itinukod nito ang dalawang kamay sa tabi niya hanggang sa nakulong na lang siya sa ilalim nito. At dahil nalalanghap niya ang mabangong samyo ni Sid, nanlambot ang lahat sa kanya.

"Hindi ko alam kung naiintindihan mo kaya sasabihin ko sa'yo once and for all," anito, unti-unting ibinababa ang mukha. "Nagtatrabaho ako dito dahil sa utang na loob ko sa ama mo at sa pamilya mo. Kung hindi mo ako gusto, well, the feeling is mutual. Kaya wala kang dapat ipagalala. Kung sa tingin mo, sa ginagawa mong ito ay mapapasuko mo ako, then you don't know a single thing about me at all. O baka naman iniisip mo na ako pa rin ang uto-utong Sid na nagkagusto sa'yo noon?"

Sandali siyang nalito. "Ano bang sinasabi mo?"

"Sadyang kinalimutan mo na, ano? Kunsabagay, pabor sa'kin 'yon. At least, hindi ko maaalala ang mga sandaling ipinahiya mo ako sa lahat."

Hindi niya alam kung sakit ang nakita niyang nakiraan sa mga mata ni Sid. Pero sapat na iyon para magbalik tanaw siya sa nakaraan.

"Desiderio, ano 'to?"

Nagulat ang lahat ng tao sa loob ng canteen sa lakas ng tinig ni Gabby. Pero wala siyang pakialam. Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya sa tindi ng inis kay Sid.

Ibinagsak niya sa harap nito ang isang sulat na nasa stationary envelope. Nakabukas na iyon at lukot-lukot na dahil pinagpasa-pasahan. Si Sid naman ay sandaling natahimik. Nakita niyang namutla ang mukha nito. Dapat lang. Sukat ba naman na painitin nito ang ulo niya.

"S-saan mo napulot 'yan?"

"At talagang balak mo ako'ng ipahiya? Alam mo bang pinagtatawanan ako ng buong klase dahil sa sulat na 'to? Kung hindi pa ibinigay ni Alvin, hindi ko pa malalaman!" sigaw pa rin niya dito. Love letter daw kasi iyon na nagsasabi ng nararamdaman ni Sid sa kanya. "May pa-"I like you, I like you" ka pa! Lokohin mo ang lelong mo. Kung sa tingin mo, magbaback-out ako sa Science fair, nagkakamali ka!"

"Gabby, hindi naman sa gano'n..."

"Eh, ano? Sasabihin mo'ng totoo 'to? Huwag nga tayong maglokohan, Sid. Wala akong panahon sa'yo. You're not even in my league!"

Hindi nakaimik si Sid. Itinikom nito ang bibig. Ni hindi nito ipinagtanggol ang sarili. Pagkatapos ay nanalim ang mata nito.

"Sorry. Huling beses na 'to. Hindi na ako magbibigay ng ganyan sa'yo. At 'yung tungkol sa sinasabi ko sa sulat na iyan? Binabawi ko na. I will never fall for you again."

Sandali siyang hindi nakaimik. Kung magsalita kasi si Sid ay parang totoo ang sinasabi nito. Pero itinaas niya pa rin ang ulo niya. Sid was her rival. Hindi siya dapat nagpapauto dito.

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo. So long, Mr. Albañez."

***

"Now you remember," sarkastikong sabi ni Sid.

Akmang magsasalita si Gabby nang pigilan siya ni Sid.

"You see, Gabby, tinandaan ko ang sinabi mo at sinabi ko. Minsan lang akong magkamali at mabilis akong natututo. So, you don't have to worry about our relationship because there's nothing personal about this. It's all business."

Bumulong ito sa may punong-tenga niya. Nararamdaman niya mainit na hininga nito sa batok niya at nagtindigan lahat ng balahibo niya.

"Kapag may sinimulan akong bagay ay tinatapos ko, Gabby. So stop resisting and just let me be," wika nito.

Hindi siya agad nakaimik. Hindi niya alam kung bakit, pero nang marinig ang boses nito na kay lapit-lapit lang sa tenga niya ay parang pamilyar iyon. Na para bang malimit niyang marinig ang boses na iyon na tinatawag siya sa ganoong paraan nitong nakaraang buwan.

Eros? Wala sa loob na naisip niya. She could swear that Sid's voice was dangerously the same as Eros'.

Pero nang tumuwid nang tayo si Sid ay inalis niya ang agiw sa utak. Masyado siya sigurong na-stress sa unang araw niya sa bagong trabaho kaya kung ano-anong naiisip niya.

Nagulat pa si Gabby nang marahan nitong tapikin ang pisngi niya. Pagkatapos ay bumalik ang ngiti sa mga labi nito.

"So, Boss, nagkakaintindihan na tay,o ha? Bukas, gusto ko ng normal na trabaho," wika pa nito bago dumistansya sa kanya. Sumaludo pa ito sa kanya bago tumalilis ng kwarto niya.

Doon pa lang inilabas ni Gabby ang pinipigil na hininga. Saka pa lang niya napagtanto na tatlong beses na siyang tinatalikuran ni Sid na laging ito ang huling salita. Naikuyom niya ang kamao sa iritasyon. Kung bakit ba naman kasi pabigla-bigla si Sid ng mga ginagawa. Sa tagal nang pagkakakilala niya dito ay nagagawa pa rin nitong biglain sya sa maraming pagkakataon. At sa maraming pagkakataon na iyon ay natutuyuan siya ng laway sa harap nito.

Buwiset!

Seasons 3: The Fall of AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon