-
Hindi nga siya sumuko.
Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay parang walang nangyari, well sakanya kasi ako, apektadong apektado pa din sa sagutan namin. Never, ni minsan, hindi ko naisip na magsasalita ako ng ganoon. Ni minsan hindi ko naisip na maglalabas ako ng sama ng loob, siguro sekreto kaya pa pero yung manumbat? Sheez.
Sinasabay na niya ulit ako sa kanila, hinahatid niya na rin ako sa bahay. Hindi na lang ako nagsasalita, pinapabayaan ko na lang siya. Kasi hanggang ngayon, alam kong mahirap pa din sa'kin yung magtiwala ng ibang tao lalo na sa mga nangyayari ngayon sa bahay. Tuwing kinakausap niya ako ay palagi kong naiisip na susuko din siya, na mapapagod din siya kasi nakakapagod naman talaga ako.
Mula nang mangyari iyong sumbatan namin ay dumoble ang pagiging tahimik ko. Sa bahay, sa mga kaibigan ko, sa kanya. Minsan ang sarap ding iuntog ang sarili ko, kasi kahit nakikita ko namang naghihirap si Patrick para makuha iyong tiwala ko, palagi pa ding pumapasok sa isip ko na nadadala lang siya ng awa niya sa akin.
How I hate my self when I overthink. (Which means, I hate myself palagi because I always overthink).
I changed a lot. Eversince Patrick went to our University as an exchange student, and daming nagbago. Wala pang dalawang buwan ay ramdam ko iyon. Kung dati ay kaya kong ngitian ang lahat at magpanggap, ngayon ay mahirap na. Kasi kilala niya ako, siguro nga ay mas kilala pa niya ako kaysa sa akin.
Alma ko na dati pa na hindi ko naman talaga kilala ang sarili ko. Simula nang kontrolin ko ang mga nararamdaman at emosyon ko sa harap ng mga tao ay nalilito na din ako sa dapat kong nararamdaman. Kaya siguro ay hindi ko pa naranasang magkagusto dahil hindi ako sigurado kung ano ba dapat ang kailangan kong maramdaman. Not until Patrick came. Siguro isa sa mga factor kaya alam kong gusto ko siya ay dahil tuwing kaharap ko siya ay sigurado ako sa nararamdaman ko, kasi hindi ko kailangang magpanggap. Isang tingin pa lang niya sa akin, alam na niya kung ano ang nararamdaman ko
But still, hindi na mawawala iyong takot ko. May tiwala naman ako sa kanya, pero siguro wala akong tiwala doon sa part na hindi siya susuko. I know he'll always be a good friend. I like him, but I am too hard to handle. Mahihirapan lang siya sa'kin. Maybe I like him, but what if yung nararamdaman niya ay mas lumalim? I am not capable of loving someone, I can't even love myself.
-
One month. Isang buwan na lang ang itatagal nila sa University. Isa rin ito sa mga dahilan ko kung bakit pinipigilan ko yung nararamdaman ko. Kaunti lang yung oras nila, hindi natin alam kung ano'ng mangyayari kapag umalis na sila. Bukod sa dalawang buwan ko pa lang siya kilala at sobrang bilis, may isa pang pumipigil sa akin. Ano yung buhay niya sa University nila? Paano kung mayroon naman pala siyang gusto din doon pero nabaling lang sa akin iyong atensyon niya kasi ako naman ang kasama niya palagi?
Overthinking... I hate this.
Kinuha ko ang phone ko sa side table at tumawag kay Starr. Singot niya din kaagad ang tawag.
"May ginagawa ka?" Tanong ko.
"Wala. Okay ka lang?"
"Pwedeng magsabi?"
Mukha siyang maiiyak pero inialis niya kaagad ang mukha niya sa tapat ng camera. And I just realized, this is the very first time na magsasabi ako sa kaibigan ko.
"Cass naman... Ilang beses kong hinintay na humingi ka din ng tulong sa'min. Puntahan ba kita?" Pumiyok ang boses niya at halata ang pagpipigil sa pag-iyak.
My friends have been sharing their problems. Ako lang yung hindi, feeling ko kasi parang mag-iiba yung tingin nila sa akin. Sa circle namin, alam nilang maayos ang pamilya ko sa'kin, pero siguro nakakaramdam din sila na may mali.
Halos forty minutes ang biyahe papunta kina Starr. Tinawagan ko din sila Mira. On our way, kabadong-kabado ako. Hindi ko alam yung magiging reaksyon nila. But I trust them, ipinagkatiwala nga nila iyong mga problem nila sa akin. Ako lang yung natakot e, ako lang yung nangamba.
Nang makarating kina Starr ay ako na lang pala ang nahuli.
-
"To summarize it all... Sa tingin mo, your father is cheating, you're traumatized and is afraid of shouts and being yelled at. Now I know, hindi ka pa nagkakagusto sa isang lalaki kasi akala mo lolokohin ka. At kaya ayaw mo ding bumaba ang grades mo kasi baka mag-iba yung trato nila sayo." Sa amin, si Starr yung madaling maka-analyze ng problema.
"Cass, hindi naman lahat ng lalaki katulad ng tatay mo nasasaktan kayo o ikaw. Kung totoo man na he's cheating. Kung mahal ka ng mahal mo, hindi ka niya sasaktan. Siguro sa umpisa oo, but that's part of growing up in a relationship. Magkakasakitan talaga. Pero sa situation mo, kapag nainlove ka at nasaktan ka ng lalaki physically, umalis ka na kaagad. But I'm sure, he'll never do that kapag alam niya yung situation mo." Si Joy naman ngayon.
"Are you in love? Hindi ka naman maglalabas ng saloobin na takot kang magkagusto sa isang tao dahil sa family problems mo. Gusto mo lang bang magsabi or..." Napanganga si Eya nang may mapagtanto. Binato naman siya ni Joy ng unan.
"Of course you fool! She like someone! That SGU guy! I'm super sure. Siya lang naman lalaki nito e. I mean, siya lang naman yung palagi niyang kasama na lalaki."
Namula ako at nakaramdam ng hiya.
"If you like him. Ano'ng problema? That's good kasi you didn't restrict yourself anymore from liking someone." Sambit ni Mira.
"That's the problem para sa kaniya. She likes someone but she thinks hindi dapat tsaka wala pa siyang tiwala sa nararamdaman ng tao sa kanya. Cass is the innocent girl among us. And remember, she doesn't know how to determine her emotions.—"
"Except sa feelings niya for SGU guy." Pagpuputol ni Starr kay Eya. Tumango naman si Eya at nagpatuloy.
"Cass, kahit isang beses lang. Payagan mo yung sarili mo na mag go with the flow. Huwag mong isipin yung mga consequences, huwag mong iisipin na masasaktan ka at huwag mong iisipin na may problema ka. Yung sarili mo muna, Cass."
-
We spent the day talking about random things. Nang makauwi ako ay para akong nabunutan ng tinik. They cried nang masabi ko lahat sa kanila, bakit daw hindi ako nagsabi kaagad. Pero ang ipinagpapasalamat ko ng sobra ay iyong naintindihan nila kung bakit hindi ako nagsasabi.
But when I thought all of the doubts are gone, when I thought I can go with the flow without thinking about anything. The shouts and yells at home started to linger on my ears. That night, I found myself locked in my bathroom, holding a gillette, medicines, crying and soaking wet with water from the shower.
-
Word Count: 1,126
Short update kasi nung time na sinusulat ko 'tong part na 'to saktong gumagawa ako ng requirements sa PreCal.
February 23, 2021
[EDITED] -mistikenigma 050521
YOU ARE READING
Blue And Grey [COMPLETED] • mistikenigma
Teen FictionI just woke up one day, at the age of thirteen, the demon inside me is way more stronger than before. The demon inside my head talks a lot and louder than before. I fed him with flattering words and fruitful thoughts from people that when my downfal...