#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
"Lindsy yung halaman sa hardin diligan mo, wala ngayon ang hardinero dahil kaarawan ng anak niya" tumango naman ako at agad naglakad palabas ng mansion. Napabuntong-hininga akong umupo sa ugat nang puno ng narra. Parte ng hardin nila ang puno ng narra kay napangiti ako ng may nakita ang kulay dilaw nitong bulaklak.
Nag-indian sit ako at saglit na napapikit. Pinapangako ko sa sarili ko na balang araw ay mapagtatayuan ko rin si inay ng ganito ka ganda na mansion at ganito kalawak na hardin.
Alas kwatro na ng hapon kaya naman ay kinuha ko ang hose at nagsimulang diligan ang mga bulaklak sa hardin nila. Ilang saglit ay natagpuan ng mata ko si Ate Fely isa rin siyang maid dito sa mansion ng Del Luna. May dala siyang basket at lalabas yata.
"Ate Fely!" tawag ko sa kanya. Siguro kararating lang niya. Siya pa kasi ang nakita kong maid bukod sa amin ni inay at ako.
"Uyyyy Lindsy!"nakangiting sabi niya at lumapit sa akin. Alam kong matagal na dito na nagtratrabaho si Ate Fely kaya paniguradong may alam siya tungkol sa mga Del Luna. Siya lang ang mapagtatanungan ko bukod kay inay na nuknukan ng kill joy.
" Ahhh Saan ka pupunta? "tanong ko sa kanya.
" Ahhh bibili ako ng mga sangkap sa palengke"wika niya.
"May tanong ako Ate Fely" wika ko kasabay nang pagsingkit ng mata ko. Kumunot naman ang noo niya at pinagsingkit din ang mata, ginaya ako. "Ano bang tanong mo?" usisa niya. Natawa muna ako ng mahina.
"Masama po ba ang ugali ni Sir Yohan?" tanong ko kay Ate Fely. Kumunot ang noo niya at tumawa siya ng malakas. Umalingawngaw ang bosess niya sa buong mansion.
"Ikaw talagang bata ka! Ang dami mong alam" natatawang sabi niya.
"Sagutin niyo na po ang tanong ko!" padabog na sabi ko.
"Hindi naman masama ang ugali niya ang totoo nga niyan ay mabait at nakikisalamuha siya sa lahat ng mga katulong, pero nagbago ang lahat sa isang iglap" wika ni Ate Fely. Nakikinig naman ako sa kanya habang nagdidilig ako ng halaman.
"Alam mo bang may gusto siya sa asawa ni Sir Ysmael" chika niya. Nanlaki naman ang mata ko at seryosong nakinig.
"Hala! Weee di nga?" wika ko sa kanya.
"Totoo! Magkababata yan sila ni Ma'am Ciel at Sir Yohan, saksi ang inay mo sa paglaki nila ng sabay eh kaso natorpe si sir Yohan kaya naunahan ni Sir Ysmael, muntik na ngang magkasuntukan sila dito sa mansion" mahinang sabi ni Ate Fely. Nanlaki naman ang mata ko. Kaya pala noong umaga may namamagitang tensiyon sa kanilang tatlo.
"Broken hearted pala si Sir Yohan, kaya ganyan ang ugali, kawawa naman" wika ko. Tumango naman si Ate Fely.
"Kawawa nga, mabuti pa alis na ako baka mapagalitan ako ng inay mo" nakangiting sabi ni Ate Fely. Tumango naman ako habang nakangiti. Napaisip ako, siguro nga ganoon ang ugali ni Sir Yohan kasi nagmomove pa siya at hanggang ngayon hindi pa rin niya makalimutan si Ciel.
"Hayyy naku pag-ibig nga naman!" wika ko at pumunta sa ibang pwesto para diligan ang rosass.
"Kasalanan rin niya naman iyon! Kasi natorpe siya! Kung hindi yun na torpe ay sana sila na ang kinasal ngayon, tsk tsk" wika ko. Kahit wala akong kausap ay para rin ko namang kausap ko ang mga bulaklak. Diba nga sabi nila kapag kinausap mo raw na parang tao ang bulaklak ay mas lalo silang mamumulaklak.
"Alam mo, kapag ako talaga magkagusto sa isang tao, hindi talaga ako matotorpe talagang ipagsisigawan ko sa buong mundo na mahal ko siya!" nakangiting sabi ko at bahagya pa akong tumili dahil doon. Natawa nalang ako at napa-iling.
"Are you crazy?" napatalon ako sa gulat ng biglang may bosess akong narinig sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon at napatingin ako kay Sir Yohan. Nakakrus ang braso niya ngayon kaya mas lalong na depina ang mga muscles niya sa braso. Nakataas ang makapal niyang kilay. Nakasuot na siya ngayon ng damit.
"Sinong kausap mo kanina?" tanong niya sa akin.
"Ahhh yung mga bulaklak po" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Tss " tanging sagot niya.
"Anyways, tapos ka na ba diyan?" tanong niya sa akin.
"Opo! Patapos na!" nakangiting sabi ko aa kanya.
"Well then kung tapos ka na, maari mo ba akong samahan?" tanong niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.O my ghad yayayain ba niya akong magdate. Charot!
"Saan po tayo?" tanong ko sa kanya.
"Sa Rancho, magdala ka ng isang basket ng mansanas" utos niya. Tumango naman ako at niligpit ang hose na ginamit sa pangdilig ng halaman. Pumunta ako sa kusina at nagpaalam kay inay sa pag-alis ko. Pinayagan naman ako ni inay.
Nakasandal ngayon si Sir Yohan sa puno ng narra habang pinaglalaruan ang mangga ng prutas hinahagis niya ito sa taas at sinasalo gamit ang kamay niya. Napatayo siya ng makita akong naglalakad sa paroroonan niya.
"Ahh Sir Yohan tara na po" nakangiting sabi ko sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin at nagulat ako ng bigla niyang kinuha ang basket sa akin. Napanguso ako at aakmang kukunin na sana sa kanya. Pero nilayo niya sa akin.
"Ako na po!" wika ko sa kanya at aakmang aagawin ko na sana sa kanya. Hindi siya umimik at nakatingin lang sa akin ng seryoso. Pero dahil nilalayo niya ang basket sa akin ay natamaan niya ng hindi sadya ang puno ng narra kaya nahulog ang mga dilaw na bulaklak ng narra.
"Ang ganda" wika ko, biglang humangin ng marahan kaya nahulugan pa kami ng maraming dilaw na bulaklak. Pero natauhan ako dahil sa tingin niya sa akin.
"Sir Yohan ako na po! Ako po ang inutusan niyo nito kaya ako ang magdadala" wika ko at aakamang kukunin ulit sa kanya. Pero iniwas niya ito at naunang naglakad tumakbo ako at sumabay sa kanya. Napahingal ako kahit na kaunting distansiya lang ang aking tinakbo. Nanlaki ang mata niya at lumapit sa akin.
"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin.Tumango naman ako at naghabol ulit ng hininga.
"A-ayos lang! Ganito lang talaga po ako" wika ko habang nakangiti.
"Ako na ang magbubuhat nito kasi nahihirapan akong nakikita kitang magbubuhat ng mga mabibigat na bagay"seryosong sabi niya.
" Baka gusto mong buhatin rin kita, hindi ka parin ba makahinga? Hmmm? "wika niya. Umiwas ako ng tingin dahil sa lapit ng mukha naming dalawa.
" H-hindi nuh! "utal na sabi ko at naunang naglakad sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya sa likuran ko. Palihim akong napangiti.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...