(S P O K E N P O E T R Y )
Ang tulang Ito ay pinamagatan kong 'Sa Pagmulat ng Aking mga Mata"
Sa pag-gising ko pa lamang sa umaga
Sa pagmulat pa lamang ng aking mata
Inaasahan ko na bumungad sa akin ang isang maganda umaga
Ngunit teka naririnig ko nanaman sila
Sila Mama at Papa na walang tigil na nagbubunga sa isa't isa.Hindi ba sila nagsasawa?
Hindi ba sila napapagod?
Kasi ako pagod na pagod na Hindi na natahimik ang kapaligiran
Lagi na lang may Ingay sa loob ng tahanang ito
Mga away na hindi matigil ng isang sawaySa inis ko pumunta na lamang ako sa kusina
Nang nakita ko kung anong oras na
Agad akong kumilos para pumasok na sa eskwela
Dahil bawal akong mahuli maski isang minuto paSa paglabas ko sa tahanang iyon Sa unti unti kong paglayo mula sa malakawang na pintong ilang taon nang nasanay sa araw araw na ingay ng mga away
Laging naririnig at unti unti ka na lang masasanay.Mangangarap na sana bukas mayroon ng kapayapaan
Kapayapaan na matagal ng hinahangad ng lahat
Hindi makamtan dahil sa paulit- ulit na digmaan
Sa pagitan ng dalawang dati ay nagmamahalan
Humantong sa alitan na hindi na napigilanSa pagtitig ko sa magandang kalangitan, sinariwa ang mga alaala
Hindi malilimutan
Mga alaalang masaya pa ang lahat
Sa mga simpleng dahilan
Ang lahat ay nagmamahalanPinanganak ako sa masayang pamilya
Pero lumaki ako na wala na silang pagkakaisa
Si Ate na lagi na lang kaaway si Kuya
Si Mama na paulit-ulit na lang sinisisi si Papa
At ako na nakatitig habang nagkakagulo silaSa pag-uwi ko galing eskwela
Sa paglakad ko sa madilim na kalsada
Nagdarasal na sana walang mangyaring masama
Dahil sa lipunang ito hindi kana makakasigurong magiging ligtas kaNang makapasok ako sa nakakatakot na iskinita
Puno ng mga taong walang ibang ginawa kundi uminom at magpakalasing
Buong maghapon na may kasamang asaran
Humahantong sa sakitang hindi inaasahanDahil sa sobrang kalasingan
At nandyan pa ang mga nagsusugal
Naiinis sa sunod sunod na pagkatalo
Inakalaang dinadaya ng kalaban Sa pagpapatuloy ng laban
Isa lang sa kanila ang mananalo at maraming madedehadoPara lang digmaan sa pagitan ng dalawang partidong lumalaban para sa kapangyarihan
Nagdudulot ng kahirapan sa mga taong nakapaligid sa kanilang digmaanAt nakahinga ako ng maluwag nang malagpasan kaguluhang iyon
Salamat sa diyos nakauwi ako nang maayos
Maayos? Maayos nga ba? Nakalimutan ko may gulo pa din pala.Nakarinig ako ng ingay
Narinig ko nanaman ang mga ingay
Nagmumula sa tahanang dapat ay puno ng kasiyahan at kapayapaan
Nasanay na ko kaya wala na lang ito
Matutulog na lang ako
At patuloy na papangarapin na sa paggising at pagmulat ng aking mga mata ay may kapayapaan na
BINABASA MO ANG
SA PAG-MULAT NG AKING MGA MATA
PoetryAng tulang Ito ay pinamagatan kong 'Sa Pag-mulat ng Aking mga Mata" . Ito yung pinerform kong tula nung Grade 8 ako.Project kasi namin nun sa Ap,gumawa daw ng spoken poetry about sa war something.Binase ko lang ito sa nararanasan ko araw araw first...