"Lapit na birthday mo. Ano balak mo?" Joshua asked Ivan.
Lumipas ang isang buwan. Sa susunod na linggo ang birthday ni Ivan! Marami na nag bago sa loob ng isang buwan. Naging mabuti kahit papaano ang pakiramdam ni tito Immanuel. Naging busy si tita Alyanah dahil siya lahat ang humawak ng business nila ni tito Immanuel. Si Akeisha naman naging busy din dahil sa board exam niya. Sila kiko,mom and dad ay unti unti na nagkaka ayos.
"Hindi ko pa alam,e. Sa club nalang ni Kenneth o sa condo ko!" Ivan said before leaning his head on my shoulder.
"Inaantok ka na?" I asked him.
"Hindi pa. Nahihilo na 'ko!" He said before kissing my shoulder. "Masakit na din lalamunan ko."
"E, paano alak agad una mong ininom!" I said.
Kakatapos lang ng gig niya dito sa club ni Ken. Wala naman akong gagawin bukas kaya sumama ako at nanood. Andito din sila Miggy, Ashton, Joshua, Ken and Lester.
"Ang PDA naman!" Reklamo saamin ni Ken bago lumingon kay Ashton. "Kamusta na daw si Drexter?"
"Ewan ko doon. Ganoon pa din! Lumilipad pa din ang isip!" Ashton said before drinking alcohol. "Broken,e. Mahal na mahal talaga kapatid ni Ivan!"
"Kung mahal niya sana hindi niya sinaktan si Akeisha!" Ivan sighed. "Bukas na lalabas resulta ng board exam niya. Sana pasado!"
"Pasado 'yon. Zanmei pa? E, baka nga maging topnotcher pa si Akeisha katulad mo. Pang ilan rank ka nga ulit noong board exam?" Miggy asked Ivan.
"Four!" Ivan close his eyes.
"Baka Ivan lang 'yan!" Joshua laughed. "E, kayo Migs, Les, at Ashton?"
"Basta pasado kami sa board exam! Dami sinasabi!" Lester laughed.
Nag inuman lang sila tropa bago kami nag decide umuwi. Si Lester ang nag hatid kay Miggy dahil lasing na lasing siya. Ako ang nag drive ng kotse niya dahil nahihilo at pagod na si Ivan.
"Love, bakit nagiging kamukha mo 'yung manika doon sa conjuring?" Ivan asked me.
Sinamaan ko siya ng tingin bago ko tinanggal ang seatbelt niya at tinulungan siya makababa ng sasakyan. Naka ilang shot lang siya kanina pero nahihilo na agad siya, siguro dahil sa pagod kaya mabilis tinamaan ng alak.
"Ivan!" Suway ko ng pindutin niya lahat ng floor doon sa elevator. Gosh! Nakakahiya! "Naiinis na 'ko. Umayos ka!"
"S-sorry!" Ivan cleared his throat. "Dadaan muna ako sa condo ni Franciah."
"Hindi na nakatira dito si Akeisha!" I said.
Confirmed. Hindi siya nahihilo, lasing na talaga siya. Binenta na ni Akeisha 'yung condo niya doon sa nakaka batang kapatid na babae ni Arturo. Doon na siya naka tira sa Rizal. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa magpabalik balik sa Manila to Rizal for her work.
Nang bumakas na ang elavator. Sinubukan ni Ivan ayusin ang lakad niya pero mukhang hindi niya talaga kaya. I just help him hanggang sa makarating ako sa condo namin ni Kiko, gusto ko sana siya ihatid doon sa condo niya kaso dito raw siya matutulog.
BINABASA MO ANG
Since We Met That Night
RomanceSINCE Octology #2 Nayoung Rodriquez o mas kilala bilang Angelica ay isang make up artist sa South Korea. She's independent, humble, selfless, and beautiful. Sa pagiging independent niya sa buhay ay maraming sumubok na ligawan o mahalin si Angelica...