THEA'S POV
Matapos kong kunin ang kit ay dumiretso na ulit ako sa sala. Wala na dun si Sand.Ginamot ko pa ang mga natamo nitong pasa sa buong katawan maging ang bangas sa mukha pati ang pumuputok na labi.Hindi pa man ako nagsasalita ay siya nang nagbukas ng usapan.
Nakaupo ako sa harap niya habang siya'y nanatiling naatuon sakin. Naikwento ko naman sa kaniya na pinsan ko si sand sa father side. Na kapatid ng mommy niya si dhie.Na ang daddy niya ay isang Canadian habang ang mommy niya ay pilipina. At kung ano ano pang tungkol kay sand.
"Pinsan mo ba talaga yun?" hindi parin makapaniwalang tanong niya. Pawang nagtataka pa.Hindi naman kase masyadong halata dahil nga sa may lahi siya. Medyo nakuha pa nito ang itsura ng daddy niya kaya hindi mahahalatang pilipina ang dating. Malalaman mo na lang kapag nagsalita na. Pure tagalog kase. Ewan ko ba. Nahihirapan sigurong umintindi nang Ingles kahit pa ilang taon siyang nag-aral sa Canada.
"Pagpasensyahan mo nalang. Nabigla lang siguro sa iniasta mo." ako naman ay nanatiling nakatuon sa ginagawa.
"Maski naman ako ay nabigla" depensa pa.. "Eh parang mas mabangis pa sayo eh" natawa siya matapos sabihin iyon.
"Kahit pa naman ako ay baka ganun din gawin ko." ani ko.
Ano nga bang ginawa niya?.
"Siguro naman ay hindi ganito kalala na parang makakapatay na ng tao.Hindi na nga ako lumaban at nagparaya na lang. Akala ko pa naman titigil na siya. Yun pala mas nilakasan pa." natatawang paliwanag niya pa.
"Buti nga buhay ka pa." biro ko. Natawa naman siya habang ako ay hindi parin maalis ang paningin sa mga pasa niya... Nakababa siya ng tingin sakin.
"Kung mangyayari mang mamatay ako ay hindi ko siya patatahimikin." tumawa siya matapos sabihin iyon.
"Hindi ka nga daw kase tao." pagdidiin ko. "Engkanto pa ang pagkakasabi."
"Tch.may ganito ba kagwapong engkanto?." pabirong usal niya..
Siguro ay talagang matatakutin si sand. Maski nga tao ay napagkakamalan niyang multo.Kahit ako, minsan niya naring natawag na multo. Maging siya ay tinawag na engkanto.
"Matutuluyan na sana kita kanina. Akala ko pa naman kung totoo ang sinasabi nun. Seryoso kase ng itsura." sabi ko.
"Kung nagkataon palang ganun e dalawa na kayong mumultuhin ko." natatawa pang saad niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"Ba't hindi ka naman kase sumigaw man lang. Edi sana nakalapit ako kaagad at naagapan ko yan." turo ko pa sa mga pasa niya. Itinuon ang atensyon sa ginagawa.
"Ikaw ba namang apak apakan, makakapagsalita ka pa?" ngumiwi siya. "Tyaka tingnan mo naman kung paano yun sumigaw. Daig pang ninakawan o nasunugan ng bahay. Akala ko kase kapag hindi ako umimik eh titigil yun. Kabaliktaran pa pala."
"Sabagay.Iba iba rin kase ang pananaw ng mga tao.Na kung akala nila ay ganito ganyan ang gagawin ay iniisip nilang mas makakabuti pero kabaliktaran naman sa iba."
YOU ARE READING
Journey Of Love(ONGOING)
RandomHalos umiikot lang ang buhay ng isang Althea Cervantes sa pag aaral. Kontento na siya sa isang mhie at Sandra na nariyan. Pero parang may kulang. Kahit anong gawing paglimot ay bumabalik at bumabalik parin. Mga alaalang hanggang alaala nalang at hi...