30

876 25 0
                                    

Pagkadating ni Zion sa Enchun sinalubong siya ng isang pinagkakatiwalaang tauhan ni Kaizen. Alam nito ang pakay niya doon.
Dumaan kasi siya sa isang sekretong daan na tanging kapamilya lang at ilang pinagkakatiwalaang tauhan ang nakakaalam.

"Is he busy?"

Ani Zion. Bihira lang kasi may oras ang alpha king dahil sobrang busy nito.

"Medyo po alpha pero wag kang mag alala alam mo namang priority niya kayo".

Sabagay nga naman. Alam nito na importante ang sadya niya dahil bihira naman siyang personal na bumisita dito. Gaya nito busy din siya sa nasasakupan niya.

Naunang naglakad sa kanya ang tauhan sinundan niya lang ito. Dumaan sila sa isang makitid na lagusan na pang isang tao lang ang kasya. Matirik at may pagkamadulas ang daang binaybay nila dagdagan pang malulula ka talaga pag tumingin ka sa ibaba dahil sa taas nito. Hanggang sa narating nila ang isang hugis pinto na bato. Saglit na tumigil ang tauhan at hinubad nito ang sout na singsing na ngayon lang napuna ni Zion. Hugis tatsulok ang pinkadesinyo nito.
Itinapat nito iyon sa korteng tatsulok na butas sa gilid ng hugis pinto na bato. Naglikha iyon ng tunog saka unti- unting bumukas.
This time, siya na lang mag isa ang pumasok dun. Nagpaiwan ang tauhan sa bukana ng pinto na unti-unti ding sumara.

Medyo madilim sa loob nito at tanging ilaw lang galing sa maliliit na lamparang naroon ang nagbibigay liwanag sa paligid.
May hagdan pababa sa lugar na iyon kaya tinahak yun ni Zion hanggang sa marating niya ang isang malaking library.
And there sitting almighty in his office, no other than Kaizen Cenred looking so serious yet has a smirk plastered in his devilishy handsome face.

"What brings my cousin here?"

Casual nitong saad ng makita ang pinsan. Nilalaro nito ang hawak na ballpen habang pabaling- baling sa kinaupuang swivel chair.

Naupo naman si Zion sa upuan kaharap ng mesa ng pinsan at hinubad ang hoodie na nakatabing sa kanyang mukha.

"Kumilos na sila. Sinimulan na nila ang kanilang masamang plano. Good thing, someone hears their evil plan".

Sumeryoso naman si Kaizen pagkarinig kay Zion at inayos nito ang suot na salamin.

"Hmmn.. interesting! Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya nila".

Ani Kaizen. Hindi mahulaan ang takbo ng isip nito. He's playful. A manipulator. Play his game and be a victim.
He may look like an angel outside but he's a devil in disguise.
They will surely win this time.
Kaizen has his own way of winning against his enemy. They will surely avenge their lost.
Kikilos ito without the enemy knowing it's already checkmate.


"Just be sure to keep an eye on the traitor in your custody".

Paalala nito back in his playful grin again. Ang bilis ng moodswitching nito.
Among the three of them. Lance, Kaizen and Zion. Si Kaizen ang pinaka-topakin, pinaka- sumpungin, pinaka- masungit. Minsan tinutukso nila ito dahil mukhang walang makakatagal sa ugali nito. Kahit na siguro mate nito di ito matagalan.
He is too full of himself.

"Of course i'll make sure of that. And by the way i have to tell you something".

Bigay assurance ni Zion. Kakausapin din niya ito tungkol sa mag ina niya.

"Spill it".

Ani Kaizen sa mukhang nababagot.

"I want to ask a favor from you and you can't say no to this. Pwede ba dumito muna ang mag ina ko?"

Napataas naman ang kilay ni Kaizen sa narinig. Mukhang di ito makapaniwala sa sinabi ni Zion.

"Wait.. what?! Seriously?"

ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon