20:

14 0 0
                                    

"Hello, are you still there?" malambing na tanong ni Zev.

Matamis akong ngumiti. "Yes, nakikinig ako sa iyo mahal," diretsong sabi ko, hindi ko na napigilan ang aking bibig sanhi na mamilog ang mga mata ko nang na napagtanto ang aking binitiwan na salita.

Saglit na natahimik si Zev dahil sa pagkagulat. "What did you   say?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Kandalunok ako at sinikap na magsalita. "Ah Zev. Ano k-kasi!"

Mahina siyang tumawa. "You mean... t-tayo kna?" medyo gumaralgal ang boses niya.

Napakagat labi ako at napatingin sa kawalan.
Halos naririnig ko na ang malakas na tibok ng aking dibdib at ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha.

Mahina siyang tumikhim at malumanay na nagsalita. "Hmm, Pwede bang ulitin mo ang sinabi mo kanina? Ano nga iyong tawag mo sa akin?"pangungulit pa niya.

Napabuga ako ng hangin at nAPAKURAP-KURAP.
Kumibot-kibot ang mga labi ko.
Gusto ko man sabihin ang nasa loob ko pero tila humurong na ang dila ko.

"Alam mo doktor Zev"— Napalunok ako at pilit pinatapang ang aking boses. "Kung nandito ka lang sa harapan ko ay baka na kutusan na kita."

Malakas siyang napahalakhak sa kabilang linya . "Hey! Gusto ko lang naman marinig ang sinabi mo na mahal mo ako ah!"

Dama ko ang pagapang ng init sa aking mukha kaya tumahimik na lang ako.

"Ilang linggo pa lang ako na wala pero tila marami na ang nagbago sa iyo ah! Lalo na ang pananalita mo," dagdag niya pa habang natatawa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang kausap pa rin si Zev sa cell phone.
Ayaw niya akong tantanan, kinukulit niya talaga akong sabihin ang salitang MAHAL sa kanya.

Muli akong napahinto sa paglalakad dahil sa mga taong nakasalubong ko sa eskinita.
Mangunot ang noo ko habang nagtatakang nakatitig sa kanila.

"S-Saan po kayo pupunta?" tanong ko sa kanila pero sa halip na sagutin ako ay nilampasan lang nila ako.

"Hey! What happened?"

"Ah, sandali lang Zev. Tatawagan na lang kita mamaya," agad kong pinatay ang tawag at niligay ang phone sa aking bulsa.

Dali-dali akong sumunod sa tatlo na ngayon ay nakalabas na sa eskinita.

"Sandali lang, pwede bang hihintayin ninyo ako?" halos pa sigaw kong sabi dahilan na mapalingon sa akin ang sexy na babae na walang iba kundi si May.

Kahit naka make up ito, kahit nakasuot siya ng mga mamahaling damit at sapatos ay kilala ko pa rin siya.
Akay-akay niya si Tita Marie habang si Daisy ay may hinihilang malaking traveling bag na may gulong.

"Ay, s-saan po kayo pupunta Tita Marie,?" tanong ko havang palapit sa kanila.

"Sasama na sila sa akin?" tamad na sagot ni May sa akin.

Gulat na napailing ako at pagkuwan ay tumingin sa kanya. "Ang ibig mo bang sabihin, kukunin mo sila sa akin?"

Seryoso na tumango siya sa akin dahilan na manigas ako sa aking tinatayuan at biglang bumigat ang aking pakiramdam.

May huminto na puting kotse sa harapan namin at may isang lalake na bumaba mula doon

"Mabuti at pinalapit mo ang kotse rito  Mang Aldo. Hindi na mahihirapan si nanay na maglakad pa," saad ni May sa tinatawag niyang Mang Aldo.

Nanlamig ang buong katawan ko nang makita na sumakay si Daisy sa kutsse habang si Tita Marie naman ay tinulungan ni Mang Aldo na mapaupo sa loob ng sasakyan.

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon