CHAPTER 63: NILAGA

27 4 0
                                    

Matapos ang isang buwan at 2 linggong pagbabawal ng mga pulis sa mga tao na pumuntang budok, muli ng pinayagan ang mga tao sa nayon upang mangahoy. Ngunit inabisuhan pa rin ng mga pulis na mag-ingat ang mga tao na pupuntang bundok.

Abala naman sa pangangahoy si Marcel, Fred, Arman at Rico kasama na rin ang iba pang mga kalalakihan galing sa nayon upang maghanap ng ķahoy na gagawing krus para sa prusisyon bukas.

Dala ang degasolinang chainsaw, pumili sila ng puno na mataas at hindi nabubulok, taliwas sa nakagawian nilang pinuputol na kahoy bilang panggatong.

Rico: "Hay.....nako. Basta talaga kasama natin si Fred, nagsisilayuan yung mga kasama natin. Tingnan nyo, gumawa sila ng sariling grupo at naghanap dun sa kabilang parte ng gubat!"

Arman: "Pare, hayaan mo na sila. Kung yan ang gusto nila na umiwas kay Fred. Hindi mo naman sila mapipilit kung ayaw nilang kasama si Fred."

Marcel: "Oo. Tama ka jan bayaw! Pero tayo naman ang mapapahamak dahil kasama naman natin ang sugo ng kamalasan na si Fred!"

Hindi pa man lumalapit si Fred, ay agad ng nabagsakan ng malaking sanga mula sa puno na puputulin si Marcel ngunit naiwasan nya ito.

Marcel: "SABI KO NA NGA BA SA INYO!! TINGNAN NYO!!!! ANJAN NA YUNG DALANG MALAS NI FRED!!!!!"

Arman: "Bayaw!!! Huminahon ka nga!!! Wala pa naman si Fred sa tabi mo!!! Nataon lang naman siguro na bumagsak yan sanga sa kinatatayuan mo."

Ilang sandali lang ay lumapit na si Fred dala ang isang galong gasolina na hawak nya. Bigla nyang binitawan ang dalang galon na tumama naman sa kanang paa ni Marcel. Pinigilan ni Marcel na sumigaw sa sakit upang ipakita nya na maayos ang pakikitungo nya kay Fred.

Marcel:"..........."(AAAARRRRAAAAAYY KOOOOOO!!!!!!! PŲÞ@ŅĞ INAAAA!!!!!!)

Fred: "Oy mga pre!!!! Dala ko na yung gasolinang ipinabili nyo sa baba. Lagyan na natin yan chainsaw ng masimulan na nating putulin yan kahoy."

Rico: "Sige buhatin mo na yan dito. Arman pakitulungan mo na si Fred at baka maibuhos pa nya lahat ng gasolina sa chainsaw. Sayang naman kung matatapon lang sa lupa yan."

Arman: "Siyempre naman. Tsaka kanina pa ako nakaalalay sa kanya, Rico. Kaya wag kang mag-alala jan sa bayaw mo."

Rico: "Marcel, napansin ko lang? Anung nangyari sa'yo? Ba't patalon-talon ka jan?"

Marcel: "Alam mo kasi, Rico, sumusumpong na naman yung ingrown ko sa paa. Kaya mejo masakit eh." (SUGO TALAGA NG KAMALASAN YAN SI FRED!!!!!!!!)

Rico: "Ay.....Ganun ba? Sana hindi nakakasagabal yan sa gagawin natin ngayun, Marcel. Lalo na kailangan natin na may decorasyon din tayo barangay natin."

Marcel: "Oo naman. Makakaasa kayo. Basta hindi tayo mauunahan ng malas, este nung mga naunang kasamahan natin sa pagputol ng kahoy na mapipili natin."

Rico: "Oo nga noh? Tama ka din naman, Marcel."

Matapos malagyan ng gasolina ang chainsaw. Pinaandar na ito agad ni Rico at kasalukuyan ng pinuputol ang puno.
Wala pa man sa gitna ng puno ang napuputol ng chainsaw ay nag-overheat na ito .

Rico: "Pambihira!!!! Anu bang klaseng puno to?!! Narra ba to?! Wala pa sa kalahati yung napuputol ng chainsaw natin!!"

Fred: "Chill bayaw! Meron pa naman tayong malaking lagari dito na pang dalawahan. Mapuputol pa natin yan."

Rico: "Sabagay tama ka, bayaw. Pero si Marcel ang kasama ko sa kabilang hawakan ng lagari. Kasi mas malaki yung katawan nyan kaysa sa'yo, Fred."

Marcel: "Haha! Maasahan mo ko jan pare!"

Tumayo at pumuwesto na si Marcel sa kabilang dulo ng lagari at sinimulan ng naghilaan ng lagari ang dalawa upang maputol ang puno.

Habang naglalagari ang dalawa, si Arman naman ay naghanap ng tatlong malalaking bato upang maging lutuan ng lulutuing nilagang baka na nakalagay sa isang malaking kaserola. May kanya-kanya silang baon na kanin kaya hindi nila problema ang kanilang pananghalian.

Isang bato na lang ang hahanapin ni Arman at nakahanap sya ng isa malapit sa kinauupoanan ni Fred.

Nang biglang si Marcel ay napalakas ng paghila sa hawakan ng lagare at nabunot ito. Nawalan ng balanse si Marcel na bumangga naman kay Arman habang dala-dala ang isang malaking bato.

Pagbangga ni Marcel kay Arman, naipukol nya sa paa ni Fred ang malaking bato na dala nya.

Fred: "AAARUUUUUUUUYYYYYYY!!!!!!!! HOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!"

Arman: "Pasensya na pare. Hindi ko sinasadya."

Fred: "Ayus lang pre! Alam ko naman na aksidente lang yan!!"

Marcel: (Karma is Digital pre!!!! Buti nga sa'yo!!!!!!!)

Napakamot na lang sa ulo si Rico sa nakita nya sa tatlong kasama nya. Dahil sa nasira na din ang lagari at hindi rin ito kaya ng isang tao lang, napagpasyahan ni Rico na putulin ang puno gamit ang palakol na dala din nila at sinimulan na nya itong putulin. Agad naman kinuha ng Marcel ang kanyang palakol at tinulungan si Rico.

Umalis sandali si Arman upang maghanap ng magugulay na pako (fern) sa nilulutong nilaga. Kaya pumunta sya sa tabi ng sapa. Si Fred naman, minamatyagan nya ng mabuti ang puno kung saang direksyon ito tutumba.

Si Rico naman, napalakas ng hataw sa palakol kaya natanggal ang ulo ng palakol, tumilapon at nai-shoot sa nilulutong nilaga ni Arman. Hindi  nakita ni Rico kung saan tumilapon ang ulo ng kanyang palakol. Kaya hiniram na kinuha nya ang palakol ni Arman.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon