#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖"Sinabi ko bang umalis ka?" nakataas ang isang kilay niya ngayon. Yumuko naman ako para maiwasan ang mabibigat niyang tingin. .
"Pasensya na Sir Yohan kung hindi po ako nakapagpaalam" nakayukong sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng yumuko siya ng bahagya at hinawakan ang baba ko at ingat ang tingin ko.
"Stop calling me Sir Yohan " nakakunot ang noo niyang sabi. Magkalapit ang mukha namin kaya nagkatinginan kami konting galaw ko lang ay magkakahalikan kami, pilit akong hindi gumalaw. Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Bakit naman po? Ibig sabihin niyan hindi ko po kayo ginagalang" wika ko habang nakatingin sa malayo at iniiwas ang tingin sa mata niya. Ramdam ko parin ang mabibigat na tingin niya sa mukha ko.
"Just drop the Sir alright?" napabuntong-hininga na sabi niya parang sumusuko na siya.
"Sigeh kung iyan po ang gusto niyo" napangusong sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla niyang ginulo ang buhok niya at tinignaan ako ng seryoso.
"Sasakay tayo sa kabayo, madilim na at delikadong maglakad sa daan" wika niya at naunang naglakad sa akin. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Sasakay kami ng kabayo? Paano yan! Dakilang takot ako sa kabayo tapos sasakay ako!
Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala si Sir Yohan este si Yohan. Nakasakay na siya ng kabayo habang hawak ang lubid. Bumababa siya ng walang kahirap-hirap sa kabayo. Pinagtagpo ko ang daliri ko at kagat ang labing ibinaling ang tingin sa kanya.
"Paano ako sasakay? Kung mas matangkad pa ang kabayo sa akin?" nakapikit kong sabi.
"Hawakan mo tong basket" wika niya at binigay sa akin ang basket na wala ng laman. Pagkatapos kong hawakan iyon nagulat ako ng hinawakan niya ako bigla sa beywang at inangat ng walang kahirap-hirap. Dahil doon ay mabilis akong nakasampa sa kabayo.Napayakap ako sa leeg ng kabayo dahil sa kaba.
" Sir Yohan! Sumampa ka na, bilis! Takot na ako!" kinakabahan na sabi ko. Tumawa lang ng makisig ang bruha at mabilis na sumampa sa kabayo. Nagulat ako ng hinawakan niya ako sa beywang. Ramdam ko tuloy ang kuryente na dumaloy sa buong kaugatan ko.
"What did i told you earlier?" marahang bulong niya sa tenga ko. Kaya bahagya akong nakiliti at tumindig ang balhibo ko ng dumampi sa balat ko ang mabango at mainit niyang hininga.
"Oo na! Kaya nakikiusap ako sayo Yohan! Na huwag nalang po tayo sumakay sa kabayo"kinakabahan na sabi ko.
"Uh-huh" natutuwang sabi niya. Nilingon ko siya at tinignaan ng masama.
"First time ko pang makasakay ng kabayo" wika ko sa kanya.
"Fine then,yumakap ka sa akin at ibaon mo yang mukha mo sa dib-dib ko,pumikit ka para di ka matakot" mahinang bulong niya. Tumindig ang balhibo ko at namula ang pisnge dahil sa sinabi niya.
"Wag nalang" wika ko.
"Fine ikaw rin naman ang magdudusa sa huli" mapaglarong sabi niya. Noong simula na niyang patakbuhin ang kabayo ay napahawak ako sa makisig at matigas niyang braso dahil sa takot. Napapikit nalang ako at hanggang ngayon ay di parin maawat ang tibok ng puso ko.
Medyo madilim na at may mga bituin na nagsilabasan sa kalangitan. Kaya naman inangat ko ng ang tingin ko sa taas at pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan habang nililipad ng hangin ang buhok ko.
Para tuloy akong nasa kalawakan. Nagulat ako ng biglang humina ang takbo ng kabayo. Nakahawak parin ako sa braso ni Yohan dahil natatakot ako na mawalan ng balanse at mahulog. Tuluyan na ngang tumigil sa pagtakbo ang kabayo."Bakit niyo po pinatigil ang kabayo?" nilingon ko siya. Hinawakan niya ako ng marahan sa beywang.
"I just want to" wika niya.Iningat ko ulit ang tingin ko sa kalangitan na napupuno ng mga bituin na nagniningning. Naghahari ngayon ang katahimikan sa paligid namin. Hindi ko alam bakit sinsayang ko ang oras ko na makasama si Sir Yohan sa mga ganitong bagay.
Hindi naman kasi dapat normal sa isang katulong ko na kasama ang amo sa malalim na gabi habang magkasabay namin na pinapanood ang mga bituin sa kalangitan. Nakasakay sa isang kabayo. Unti-unti ko ng naririnig ang mga kuliglig.
"Do you like stars?" tanong niya sa akin dahilan para bumasag ang katahimikan na namamagitan sa amin. Nilingon ko siya at tumango ako habang nakangiti.
"Well then i should start liking stars too" napapaos ang bosess na sabi niya. Nilingon ko siya at may ngiti sa kanyang labi. Yumuko ako at namula ang pisnge ko sa sinabi niya.
Pagkatapos noon ay umuwi na kami ng mansion. Dumaan ako sa kusina sa mansion nila habang si Yohan ay pumunta sa likod ng mansion nila. May kwadra din ng kabayo doon kaya nakakasiguro ako na doon niya muna pansamantala ilalagay ang kabayo.
Tumulong ako sa pagluto ng hapunan at sa paghanda ng mesa para kay Sir Yohan. Marami rin ang niluto ni inay dahil umuwi na ang mga limang katulong sa mansion. Nakatayo kami ngayon sa mesa at hinintay ang pagbaba ni Yohan. Pero hindi parin siya bumababa.
Kaya inutusan ako ni inay na puntahan sa taas si Yohan para ipaalam na nakahanda na ang hapunan. Nang kakatok na sana ako sa pintuan niya nagulat ako ng nakabukas ng bahagya ito. Kaya tinulak ko pero noong pumasok ako walang tao sa silid niya. Kaya lumabas ako at aakamang isasara ko na sana ang pinto ng makita kong bukas ang silid ni Sir Ysmael. Gayong nasa honeymoon silang dalawa ni Maam Ciel.
Sumilip ako sa silid at nakita ko si Yohan na nakatingin sa malaking weeding picture ni Sir Ysmael at Maam Ciel. Nakapamulsa siya habang seryoso na tinignaan ang litrato ng dalawa. Kumatok ako sa pintuan kaya naman napatuwid siya ng tayo at aakmang lalapit na sana sa akin pero lumapit ako sa kanya habang nakayuko.
"Nakahanda na po ang hapunan sa baba" pormal na sabi ko sa kanya. Pero walang sagot akong narinig sa kanya. Inangat ko ang tingin ko kay Yohan.
"Sir Yohan? Nasasaktan po parin ba kayo sa nangyari? Na inagaw ni Sir Ysmael si Ma'am Ciel sa'yo" nanginging na tanong ko. Kumunot ang noo niya at bahagya siyang nagsquat para magpantay kami ng tingin.
"Saan mo yan nalaman? Wag kang ngang makealam dahil wala kang alam, katulong ka lang" kunot ang noo niyang sabi. Nilagpasan niya ako at lumabas na siya sa silid.Napatingin naman ako sa litrato ni Sir Ysmael at Ma'am Ciel na pawang nakangiti. Siguro nga ay katulong lang ako at wala akong alam sa buhay niya. Pero nahihiwagan parin ako sa paraan ng titig niya sa litrato na na ito. Para bang hindi niya matanggap na pinili ni Maam Ciel si Sir Ysmael.
-----------------------------
If you are a new reader at wala kang idea sa story ni Ysmael, Ciel at Yohan. Sila ang bida sa Only Girl in SSG samantala si Yohan ang antagonist. Only Girl in SSG ay isa sa mga tapos na novel na naisulat ko so far.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...