⚠️ : Be aware, there are technical and mechanical errors ahead.
╱╳╲
❝ Paalam ❞
Hindi ko alam kung bakit kahit nasasaktan ako ay umaasa pa rin ako
Umaasa pa rin ako na ako yung pipiliin mo dahil ako yung totoong mahal mo
Yung totoong mahal mo? Diba sya yung babaeng nakakasama mo
Yung babaeng nakakasama mo na nakapagpapasaya sayo
Nakapagpapasaya sayo sa lahat ng paraan na alam ko
Alam ko na ayaw mo na sa akin kaya nasasaktan ako
Nasasaktan ako dahil ginawa mo lang akong panakip butas
Panakip butas sa sakit na pinaranas niya sayo
Sayo ko inialay ang nararamdaman ko pero sinayang mo
Sinayang mo ang lubusan kong pagmamahal sayo
Pagmamahal sayo na di ko alam na mauuwi lang pala sa wala
Wala akong ibang nais kundi ang pagmamahal mo
Pagmamahal mo na sa kanya mo lang ibinibigay
Ibinibigay ko na ngayon sayo ang gusto mong kalayaan
Kalayaan mo mula sa akin at sa pagmamahal ko sayo
Pagmamahal ko sayo na kakalimutan ko na ngayon
Ngayon aking mahal ako'y magpapaalam na sayo
Magpapaalam na sayo dahil ika'y lilimutin ko na
Lilimutin ko na ang lahat ng meron tayo aking mahal
Mahal hanggang sa muli nating pagkikita, paalam♡ THANK YOU FOR READING! ^o^
⌨ January 28, 2021
