MAPAGMAHAL
Nakilala ko si Manuel sa online noong nagaaral pa ako. Halos lagi kaming naguusap kaya naman sobra akong nahulog sa kanya at ng magkita kami, mas lalo akong nahulog.
Bukod kasi sa mabait ito, marunong ito sa pamilya. Gustong gusto din ako ng mga magulang niya at gusto din siya ng mga magulang ko.
"Celine, magpakasal na tayo." Sambit ni Manuel.
Nagdadate kasi kami ngayon. 7th Anniversary namin ngayon. Napangiti ako sa sinambit ng nobyo ko.
"Gusto mo na ba akong pakasalan talaga?" Tanong ko.
Kahit naiilang ay napatango ito, sabay kamot sa kanyang batok.
Napatawa naman ako ng mahina sa inasta ni Manuel. Ang gwapo niya kasi pag nahihiya.
"Pasensya kana ah. Wala akong dalang singsing eh. Hindi ako nakabili." Napangiti ito.
"Okay lang. Ano kaba."
Inabot nito sa akin ang tansan na galing sa inumin niya. Kahit nagtataka ay kinuha ko ito.
"Para saan ito?" Tanong ko sa kanya.
"Sa ngayon, iyan munang tansan ang magsisilbing singsing na ibibigay ko sayo." Agad itong tumayo at lumuhod sa harapan ko.
"Celine Dela Cruz, will you marry me?" Lalong lumawak ang ngiti sa aking mga labi.
"Yes."
Halos anim na taon na ang nakakalipas ng maikasal kami ni Manuel. Walang nagbago sa kanya. Sobra parin siyang maalaga at mapagmahal.
"Mommyy." Napatingin ako sa batang tumatawag sa amin.
Si Keana, ang unica ija namin ni Manuel.
"Baby. Ano yan?" Tanong ko.
"Cupcake po, iniwan ni Daddy sa may bed ko. Look mommy oh may letter." Sambit ni Keana at inabot sakin ang red na card.
-I love you always Keana, You're my world.-
Love, Daddy.
Naigusumot ko ang papel na hawak ko saka hinigit si Keana.
"Aww, mommy masakit po." Angal ng anak ko.
"Ako ang mahal ng Daddy mo. Ako ang mundo niya. Ako, ako lang magisa at hindi ka kasali." Gigil na sambit ko sa aking anak.
"Pero sabi po ni Daddy ak---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng aking anak.
Gabi na ng makauwi si Manuel galing trabaho niya. Masaya ko itong sinalubong ng yakap at halik sa labi.
"Hon. Where's Keana?" Napabusangot ako sa tanong ng aking asawa.
"Bakit?" Napakunot ang noo nito na tila ba hindi nagustuhan ang tanong ko.
"Ahh, May pasalubong kasi ako sa kanya. Paborito niya ito eh." Napatango ako sa asawa kong ngiting ngiti.
"Puntahan mo sa kwarto, andun siya." Ngumiti ako dito at hinalikan naman ako nito sa noo.
Agad itong umakyat sa taas upang tignan ang aming anak. Sinundan ko din ang aking asawa. Pero halos mabingi ako sa malakas niyang sigaw.
Nakita niya ang duguan na si Keana. Puro balat ng cupcake ang kanyang bibig.
"A-anong g-ginawa mo sa anak natin?" Nanginginig na tanong ni Manuel habang kalong kalong ang patay na si Keana.
"Siya daw mas mahal mo kesa sakin eh, kaya ayan pinatay ko. Para ako nalang ulit ang mahal mo. Ako lang! Ako lang at walang kahati! Kahit sino, kahit pa ang anak ko." Sambit ko at padabog na sinaraduhan ang pinto.
BINABASA MO ANG
Blood, Sweat and Pen
Cerita Pendek"If you want to be a writer, you must do two things above all others: read a lot and write a lot." ~ Stephen King