*Rring rring rring*
Ang sakit ng ulo ko. Matagal akong nakatulog kagabi. Ito nga ba ang problema kapag matagal kang natutulog sa gabi tapos maaga kang gigising sa umaga.
Tatayo pa lang ako pero bigla na lang ako natumba. Bumangga sa kama yung kanang bahagi ng braso ko.
Aray! Nakakahilo! Feeling ko hinihila ako pabalik ng kama ko.
"Gina! Ayos ka lang ba?" tawag sa akin ni nanay
"Ah opo! Natumba lang ako. Alam niyo naman po clumsy ako"
Kasalanan ko rin naman... Nawili ako kaya nakalimutan ko gumawa ng assignment kaya madaling araw na ako nakatulog.
5 a.m. ako nagising ngayon dahil maglalakad na lang ako papuntang school. Marami pa akong gagawin dahil aasikasuhin ko pa ang mga club actvity na naka-assign sa group namin. Matagal pa ang palugit na ibinigay sa'min ngunit matatabunan na iyon kung hindi pa namin sisimulan ngayon.
"Iha, maaga ka nagising ah. Tamang tama at kanina pa andito ang schoolmate mo"
"Po? Schoolmate?"
Sino naman? Wala naman akong pinagsabihan na bumisita dito. Hindi ba nila alam na hindi welcome bisita dito lalo na't ganitong oras. Sino naman ang mag-aaksaya ng oras at effort nang ganito kaaaga?
Para masagot ang tanong ko, nagkusa akong lumabas ng kwarto dahil kahit anong gawin ko hindi naman gagalaw ito kung hindi ako gagamit ng lakas. Masakit pa rin ang ulo ko pero hindi ko alam kung bakit dahil naranasan ko naman na magpuyat pero mas malala 'yong nararamdaman ko ngayon.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala pero wala naman siya doon.
Makatingin nga sa labas.
Wala namang tao sa labas pero may nakaparking sa labas ng bahay namin. Medyo pamilyar sa akin ang sasakyan. Napakaulyanin ko na.
"Nanay! Wala naman pong tao. Binibiro niyo na naman ako eh"
"Hay naku kumain ka na nga lang ditong bata ka. Nagluto ako nang marami dahil nangangayayat ka na. Ang bata-bata mo pa pero mukha ka ng may asawa at anak"
"Grabe naman po kayo sa akin Nay" sabi ko habang naglalakaad papuntang kusina, "Marami lang pong gawain sa school pero pangako babawi na lang ako sa bakasyon"
"Iyan na lang parati ang sinasabi mo hija"
Pagkakuha ko ng pagkain ay pumunta ako sa may dining area. Iba kasi ang kusina sa dining area. Sa totoo lang gusto ko ipag-isa na lang kaso ayaw ni mommy.
"Masama ba iyon? Hayaan niyo na lang, sikreto lang natin ito, nay at huwag niyo na sabihin kina kuya dahil papagalitan ako ng mga iyon lalo na si Kuya Michael. Tayo-tayo lang naman ang nandito sa bahay, di niyo naman po ako ilalaglag."
"Ako oo, pero siya?"
"Sino po ang tinutukoy niyo?"
"Ikaw na bahala dumiskubre hija"
BINABASA MO ANG
My Life Of Dreams
Teen FictionNoon ang buhay ko ay simple lang at palaging nakatututok sa kung anong priorities in life ko. Noon tinitingala ko lang ang pitong sikat na lalaki sa campus. Gusto ko na maging katulad nila na makilala ng ibang estudyante. Gusto ko na pahalagahan o a...