Chapter 12

1.5K 34 5
                                    

Dalawang araw na ang lumipas simula noong pumonta ako sa bakery nakakainis pa dahil close noong time nayun. Nag tanong tanong rin ako sa mga malapit doon kong ano na ang nagyari sa bakery. Sabi nila gagawin naraw yung restaurant gaya nga ng sabi ni Lennox at sisimula naraw yun. Sinimulan nayun noog isang araw pa.

Hindi naman daw gigibain lahat yu. E-rerenovate lang raw kung baga gawin yung magara. Sa yaman ba naman ni Lennox.
Nag punta rin ako kay Query katulad parin eh. Hindi ko nakita doon si Lennox sila tito at tita lang.

Maaga akong nagising kanina dahil sa ingay ng mga kapit bahay namin. May nag aayaw kasi. Kahit maaga kasi dito may nag iinuman na kaya ang ending inaway sa mga asawa nila.

"Oh aga mo ata?" si nanay habang na sasaing.

"Nagising po ako, ang ingay kasi nila mang Berteng." sagot ko.

"Ito na! Anastasha ang pinabili mong pandesal!" sigaw ni tita habang dala dala ang supot ng pandesal.

Kaagad naman akong tumongo sa kanya at kumuha ng isa. Ng maamoy ko yun. Bumaliktad agad ang sikmura ko at sumuka nanaman. Medyo na hihilo pa ako kaya inalalayan ako ni tita habang si nanay nakatingin ulit saakin.

"Hala may sakit kaba Sassy? Bakit ka nanaman nagsusuka at nahilong bata ka!" si tita nakatingin saakin.

"Mga ilang araw mona tong nararamdaman Sassy?" tanong ni nanay saakin.

"Ho?" kinakabahang tanong ko.

"Sagutin mo ang tanong ko." mahinahon pero may diin. Na tanong nya saakin.

"M-mga i-ilang araw napo." nanliit naman ang tingin nya saakin kaya mas lalo akong kinakabahan.

"Buntis kaba?!" tila dumagundong ang dib dib ko dahil sa tanong ni nanay. Sobrang lakas ng kabog ng dib dib ko. Pati rin si tita nabitawan ako.

"Ho? Ba-bakit nyo naman p-po natanong yan nay?" utal utal na sabi ko. Sobrang lamig ng tingin nya saakin.

Napasapo naman ni tita ang mukha nya.

Biglang umalis si nanay akala ko tapos na pero bumalik sya

"Anong gagawin ko dito nay?" tanong ko sa dala niyang PT.

"Ano bang ginagawa diyan Sassy?" malamig na tanong nya.

Tinuro naman nya ang banyo. Kaya pumonta ako doon. Dahan dahang tumulo ang masagana kong luha kahit hindi kopa alam pero malakas ang kutob ko. Inayos ko naman ang sarili ko bago ko tinry ang PT. Mga ilang minuto muna ako sa banyo bago lumabas ang result.

Halos bumagsak ako sa nakita ko dalawang line ibig sabihin......positive!

Sunod na sunod tumulo ang luha ko naginginig akong lumabas ng banyo dala ang PT. Nakita ko si nanay at tita na nakatingin saakin.

"Akin na!" kinuha ni nanay ang PT. Pagtingin nya dito agad na tumulo ang luha nya. Bago nya ako hinarap at sunod sunod na sinampal kaliwat kanan.

"Jusko po, Anastasha!" napasigaw si Tita. Napahagolgol naman ako ng iyak ganon narin si nanay. Kanina naging mahinahon sya ngayun para na siyang sumabog sa galit.

"Walang hiya ka! nag kulang ba ako sa pag papalaki sayo! bakit mo to nagawa! Nag kulang ba ko sa pag papaalala sayo mga dapat mong gawin at hindi" sigaw ni nanay napahawak pa ito sa dibdib nya na parang nahihirapang huminga.

"Nay...." hagolgol na wika ko.

"Nanay anong nagyayari?" umiiyak na tanong ni Cony at Keisha kakalabas lang nila.

"Ipasok mo sila sa kwarto, Jonno may kasalanan kapa saakin." si nanay. Agad agad na pinasok ni tita sa kwarto nila. Galit na nga sya dahil Jonno na ang tawag nya kay tita Jolly.

MR. Billionaire got me pregnantWhere stories live. Discover now