Sabi nila mahirap daw maging estudyante. Nakakaranas ng kung ano ano ng hindi alam ng mga magulang, gumagawa ng kalokohan sa loob ng paaralan at kung ano ano pa. Pero para sa akin, masaya maging estudyante. Yung tipong bago ka umalis ng bahay nyo ay hindi mo makakaligtaan ang paglalagay ng pulbo, liptint at higit sa lahat ay ang PABANGO. May mga pagkakataon pang kailangan mo pa itago at ibalot ang liptint mo sa papel at ilagay sa pinakatagong parte ng bag mo huwag lang masamsam ni Mam o di kaya ni Sir. Yung mga cellphone na hindi pwedeng hindi dadalhin ng iba kahit bawal kaya no choice kundi itago sa kung saan mang sulok ng classroom wag lang masamsam kapag may nangalkal na ng bag. Yung mga babaeng aattend lang ng Flag Ceremony kailangan pang magpulbo, magliptint at magsuklay! Tindi ah. Yung mga lalaking sa halip na pumila ng tuwid ay magkukumpulan na para bang nag-uusap at may aabangan. Yung pilang SOBRANG INGAY na daig pa ang ingay sa PALENGKE.
Syempre, sa loob ng classroom, nandiyan ang iba't ibang uri nga mga estudyante.
Una, mga estudyanteng matatalino. Sila yung walang ginagawa kundi mag-aral at libro lagi ang kasama. Kaya naman kapag may recitation, edi very good Kay Sir at Ma'am. Kapag may exam, aha! Hindi pa nagsisimula ang exam, quiz etc. siguradong-sigurado na ang lagay ng score nila. It's either na Perfect o di kaya ay may mga mali pero isa, dalawa lang.
Ikalawa, mga estudyanteng Ingay at kalokohan lang ang ambag. Yung tipong papasok lang sa school para umingay at gumawa ng kalokohan. Palaging number 1 sa list ng mga maiingay pero walang pakialam. At kahit nasa malayo ka, rinig na rinig mo na ang boses dahil sa sobrang kaingayan.
Ikatlo, mga estudyanteng Food is Life. Sila yung mga estudyanteng matatapang at malalakas ang loob. Yung tipong nagkaklase pa pero lunch na para sa kanila. Hindi pa nagbebell, ubos na ang pang-lunch na inihanda ng magulang dahil nilantakan na ng patago habang nagdidiscuss si Teacher. Kalimitan silang nakaupo sa pinakalikod o yung Last Row na tinatawag. Sila din yung mga estudyante na magpapaalam kay Ma'am o sir na pupunta ng CR pero diretso naman sa Canteen at pagbalik sa classroom ay lumulobo na ang bulsa sa sobrang daming pagkaing binili sa Canteen.
Ikaapat, mga estudyanteng Wattpad is Life. Yung tipo na pagkapasok na pagkapasok pa lang ng silid-aralan ay hindi na magkaintindihan sa pagkwkwento ng mga nabasang storya sa wattpad. Minsan pa nga iniispoiled yung mga magbabasa pa lang ng nirekomenda nyang Storya. O diba, libreng spoiler. Sila din yung mga estudyanteng inasawa na ata lahat ng mga fictional Character at mga malalaki ang EYEBAGS dahil sa KAPUPUYAT makapagbasa lang ng Wattpad Stories.
Ikalima, mga estudyanteng ML is life. Yung magpapataasan dahil sa mga rank na mayroon sila. At kung anong mga gamit nila. Bidang-bida pa nga yung mga naglalive. Sila din yung mga estudyanteng laging tulog sa classroom dahil nga sa SOBRANG PUYAT kakalaro ng ML.
Ikaanim, mga estudyanteng Liptint is Life, Johnson Baby Powder is Life, at SUKLAY is life. Sila yung mga tipo na kulang na lang ay magpatayo ng sariling Parlor at Salon dahil dinaig pa nila ang mga bakla na nag-aayos sa mga Parlor. O diba, kakaloka. Pagkakatapos pa lang ng isang subject "Beh maganda pa ba ako?", "Beh mapula pa ba ang labi ko?", "Beh, pengeng pulbo.", "Beh peram suklay." at kung ano ano pang mga kaartehan.
Ikapito, mga estudyanteng chismosa. Yung tipong lahat ng makita nila ichichismis nila. Sila yung mga estudyanteng walang magawa sa buhay.
Ikawalo, mga estudyanteng mababait. Sila yung mga tipong sasawayin ka kapag nagmura ka, nagsalita ng hindi maganda. Sila yung mga ngingiti lang at patatawarain at iintindihin ka sa kung ano mang nagawa mo.
Ikasiyam, mga estudyanteng MUSE, LIGAWIN inshort magaganda. Silang yung mga panlaban sa Intrams, pageants at kung ano ano pa. Sila yung mga ligawin ng mga lalaki.
Pangsampo, mga estudyanteng tahimik, yung para bang mapapanisan na ng laway sa sobrang tahimik. At di mo mabasa at masabi kung galit ba sayo o ano.
Hay naku, Ako? Hindi ko alam kung anong klase o uri ba ako ng estudyante. Basta ang ambag ko ay mag-aral dahil kukurutin ako ni Mama sa singit pag gumawa ako ng kalokohan.
BINABASA MO ANG
Buhay Estudyante
Teen FictionSabi nila mahirap daw maging estudyante. Nakakaranas ng kung ano ano ng hindi alam ng mga magulang, gumagawa ng kalokohan sa loob ng paaralan at kung ano ano pa. Pero para sa akin, masaya maging estudyante. Yung tipong bago ka umalis ng bahay nyo ay...