#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
Matapos nang usapan namin ay may biglang tumawag sa cellphone ni Sir Yohan kaya nakakasiguro ako na tungkol iyon sa trabaho niya kaya naman ay hindi na ako nag-paalam at umalis nalang ako doon. Naglalakad ako ngayon papunta sa sala nila.
Lumabas ako saglit at sumilip ako sa may bandang hardin kung naroon parin ba ang lalakeng moreno na iyon.Napangiti ako ng tumulong ang lalakeng moreno kay Mang Tasio kaya naman ay lumapit ako roon at napalingon ang lalakeng moreno sa akin ganoon din si Mang Tasio.
"Ohh Lindsy" bati ni Mang Tasio sa akin. Ngumiti naman ako. Napatingin saglit ang lalakeng moreno sa akin at pagkatapos ay bumalik sa kanyang ginagawa.
"Eto nga pala ang anak kong si Taneo. Taneo ito naman si Lindsy anak ng mayor doma sa mansion ng Del Luna"pagpapakilala ni Mang Tasio sa akin sa kanyang anak.
" Ikinagagalak kitang makilala"pormal na sabi ni Taneo. Muntik na akong matawa sa style ng pananalita niya.
" Ikinagagalak din kitang makilala Taneo"ginaya ko ang style ng pananalita niya. Natawa naman kaming tatlo ng sabay dahil doon.
"Bukas sabay kayong pumunta sa school, samahan mo si Lindsy transferee kasi siya at di niya kabisado ang paaralan niyo" wika ni Mang Tasio. Napatingin naman ako kay Taneo. Sana talaga maging kaibigan ko si Taneo.
"Opo tay" sagot niya.
"Salamat sayo Taneo, naku mabuti nalang talaga pumayag ka kasi mahiyain talaga ako" wika ko sa kanya. Ngumiti nalamang siya pabalik sa akin bilang tugon.
Nag-usap pa kami ni Taneo tungkol sa mga kung ano-anong bagay kaya dahil doon naging malapit kami sa isa't isa. Hinatid ko sila sa may gate at kumaway sa kanila. Hinubad ni Taneo ang kaniyang salakot sa ulo at kumaway sa akin pabalik habang nakangiti ganoon din ang kaniyang ama na si Mang Tasio.
Naglakad na ako pabalik sa mansion at nagkasalubong kami ni Ate fely. May dala siya ngayon na basket. Noong lumabas ako para kausapin sila Mang Tasio ay napansin ko ang pag-alis kanina ni Sir Yohan kaya palagay ko busy siya at may inaasikaso siya. Hindi siya sumakay ng kabayo sa halip ay kotse ang sinakyan niya.
"Saan ka po Ate Fely?" tanong ko sa kanya.
"Mamalengke ako" nakangiting sabi ni Ate Fely.
"Sama po ako" wika ko at mabilis na kumapit sa braso niya. Natawa naman si Ate Fely sabay iling.
Naglalakad kami ngayon sa kalsada,kanina ay walang masyadong kabahayan akong nakikita pero ngayon ay padami na ng padami marami din akong nakikitang nakasabit na makukulay na bandiritas.
"Anong mayroon Ate Fely may fiesta ba?" tanong ko sa kanya. Nilingon naman ako ni Ate Fely.
"Oo mayroon" nakangiting sabi niya.
"Malapit na kaya naghahanda ngayon ang Santa Isabela para sa darating na pista" wika ni Ate Fely.
"Nagcecelebrate po ba ng pista ang mga Del Luna, ate Fely?" tanong ko nito sa kanya. Umiling naman si Ate Fely.
"Luh, bakit po?" naguguluhan na tanong ko sa kanya.
"Kasi iba ang relihiyon nila hindi sila Catholic, born again Christian sila" nakangiting sabi ni Ate Fely. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ano kaya yung Born again Christian.
"Parang ngayon ko palang narinig ang religion na yan Ate Fe" wika ko sa kanya.
"Ikaw po ba Catholic po ba kayo?" tanong ko sa kanya.
"Oo" nakangiting sabi niya. Tumango naman ako ng ilang besess sa sinabi niya. Aminadong Catholic din ako pero minsan lang ako sumisimba,kaya hindi ko talaga matukoy kung ano ang religion ko.
Ilang saglit ay nakarating na kami sa palengke maraming mga tao ang bumibili kaya nagsisiksikan. Nakahawak lang ako ng mahigpit kay Ate Fely sa kamay para hindi ako mawala sa dami ng tao. Sa labas naman ay maraming mga tindahan sa labas na nagbebenta ng kung ano-anong mga bagay at damit. Tinulungan ko si Ate Fely na buhatin ang mga paninda.
Naglalakad na kami ngayon palabas ng palengke. Natanaw namin di kalayuan ang mga taong nagtitipon sa isang lugar at may binabasang isang poster.Kaya naman napagkasunduan namin ni Ate Fely na tignaan kung ano ang binabasa nila.
Search for Miss Santa Isabela
(Beauty Pageant )The winner will have 100,000 cash prize.
Napangiti ako ng basahin iyon. Napatingin naman sa akin si Ate Fely habang nakahawak sa kanyang panga at nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa.
"Sumali ka kaya? Diba kailangan mo ng pera" nakangiting sabi ni Ate Fely. Napakamot ako sa batok ko kunwareng nahihiya sa sinabi niya.
"Ehh kasi naman nakakahiya" wika ko at inipit ang buhok ko sa tenga ko. Napatingin naman ang mga taong nag-uusap sa amin dalawa ni Ate Fely.
"Oo iha sumali ka! Maganda ka pa naman" wika ng isang ale.
"Taga dito ka ba?" tanong sa akin ng isang matandang lalake.
"Ah anak po ako ni Lucia Hermohenez, ang mayor doma ng mansion ng Del Luna po" nakamgiting sabi ko. Ngumiti naman sila at nagulat sa sinabi ko.
"Naku mabait yan si Lucia ikaw pala ang anak niya, ang ganda mo naman" wika nito sa akin.
"Sumali ka iha panigurado mananalo ka sa kontest na to" nakangiting sabi ni ale. Tumango naman ang iba sa sinabi ng ale.
"Kung ganoon ay sasali po ako" magalang na sabi ko. Napangiti naman silang lahat.
Pagkatapos noon ay naglakad na kami pauwi at puro talak si Ate Fely na siya daw ang mag-aayos sa akin sa Beauty Pageant. Kaya naman tumango ako sa sinabi niya.
"Naku kapag manalo ka sa contest dapat may hati ako sa prize mo" pabirong sabi niya. Tumawa naman ako.
"Ay sympre ikaw pa ba!" wika ko.
Habang naglalakad kami natanaw namin di kalayuan si Taneo. Kaya nagkasalubong kami.
"Hi Lindsy! Kumusta" bati niya sa akin.
"Kumusta rin Taneo si Ate Fely nga pala" pagpapakilala ko kay Ate Fely.
"Ah kilala ko na yang batang ya , anak yan ni Mang Tasio" wika ni Ate Fely.
"Tulungan ko na kayo parang nahihirapan yata kayo sa dala niyo" wika niya. Tumango naman ako at inabot sa kanya ang isang bag ng cellophane gusto niya yata kunin ang dalawang isang bag pero tumanggi ako. Dahil magmumukha lang akong senyorita dahil wala akong dala kahit ano.
Habang naglalakad kami ay hindi mapigilan ang tawanan at kwentuhan pero natogil iyon ng may biglang tumigil na sasakyan sa gilid namin.
Napatingin kaming tatlo ng sabay. Binaba niya ang salamin ng kotse niya at binungad nito ang mukha ni Sir Yohan.Nakahawak siya ngayon ng mahigpit ang maugat niyang kamay sa manibela. Mariin ang matang nakatingin sa akin. Umigting ang panga niya at nilipat ang tingin kay Taneo.
"Sumabay na kayo sa akin, uuwi nalang tayo ng sabay sa mansion" may awtoridad sa bosess niya. Napalunok ako at inangat ang tingin sa kanya. Muntik na akong mawalan ng hininga dahil sa titig niyang mabibigat at seryoso.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...