Lahat ng bagay kapag minamadali madalas pangit kinakalabasan.
Katulad sa LOVE kapag nagmadali ka mapupunta ka sa maling tao, sa taong sasaktan ka lang. Yung feeling na ikaw na nga nagmahal, ikaw pa masasaktan.
Kasi naman wag magmamadali dapat ienjoy natin yung life natin kahit walang boyfriend/girlfriend.
God's time is the perfect time.
Kalma lang tayo hindi ka mauubusan. Kasi may nilaan si God para sayo, sa akin, sa ating lahat na magmamahal ng totoo at tatanggapin ka ng buong puso. Yung kahit may pagkakrung krung ka mahal ka pa din.
Yung kahit parang palagi kang may red alert lagi pa din syang nasa tabi mo kasi nga mahal ka nya. Kasi nga yung nilaan ni Lord for you yung hinding hindi ka iiwan. Yung nilaan ni God para sayo hindi yung taong gusto mo kundi yung taong nararapat para sayo.
Basta darating yung taong para sayo malay mo natraffic lang alam mo naman sa edsa laging traffic. Haha joke :) Darating sya hindi man ngayon malay mo bukas o kaya sa susunod na bukas.
Hindi naman kasi natin alam kung sino yung nilaan ni God for us. Pero diba malay mo yung nakabungguan mo sa daan, sya na pala yung taong para sayo.
Yung katabi mo sa jeep na gwapo/chix, baka sya na pala.
Oh kaya yung kalaro mo nung bata ka pa.
Yung laging nang-aasar sayo sa school.
Baka naman yung kaibigan mo na laging nandyan sa tabi mo.
Oh kaya yung classmate mong kinakainisan mo. Diba nga may kasabihan the more you hate the more you love.
Hindi natin alam kung sino nga ba yung nilaan para sa atin. Hindi naman pwedeng tanungin mo lahat ng makikita o makakasalubong mo kung sya na ba yung taong para sayo. Baka isipin nila takas ka sa mental.
Wag kang magmadali, kalma kalma lang mga kuya at ateng. Hindi porket wala kang lovelife eh pangit ka na. Pwede din naman Haha joke only.
Wala ka pang boyfriend/girlfriend kasi ginagawa pa ni Lord yung best love story for you.
Si Cinderella naiwan nya lang yung sapatos nya nagkalove life na ikaw iniwan no na lahat ng sapatos pati tsinelas mo wala pa din.
Si Snow White kumain lang ng apple nagkalove life na ikaw lahat na ng prutas kinain mo lahat wala pa din.
Si Eya, Maya, Chichay, Yna naging katulong lang nagkalovelife na ikaw nilinis mo na buong baranggay nyo wala pa din.
Kasi nga hindi naman pare-parehas ang love story nating lahat. Kaya kalma lang!
Keep calm and be contented sa kung anong meron ka ngayon. :)