V
*armes
"Nagbalik na ang tinakda.mapapanatag na tayo!"
"NAGBALIK NA SIYA!"
"Siguradong mapupuksa na niya ang kampon ni cifer."
Maingay ngayon sa bayan ng era dahil sa pagbabalik ng aking kapatid..si erda.
Nagdidiwang ang buong nayon dahil doon. Sa ilang taon ba namang pagkawala ng itinakda,ang buong akala nila ay hindi na ito magpapakita muli.
Paano nga ba bumalik ang aking kapatid sa pagiging daemon slayer??
"armes?"
ipinikit ko muli ang aking mga mata.
"may malay na siya."boses ng isang lalaki ..ngunit sino iyon?
"armes?" marahan ko ng iminulat ang aking mga mata.
Bumungad sa aking paningin ang kapatid ko.Bakas dito ang pag-aalala at tuwa ng makita niya akong nagkamalay.
"k-kapatid."
Isang yakap ang iginawad ng aking kapatid na ikinagulat ko..dahil unang beses niya itong ginawa sa'kin.
ang buong akala ko ay tanging malalamig na pakikitungo lang ang ipapakita niya sa'kin ngunit nagkamali ako..mukhang napag-alala ko siya masyado.
"salamat sa maykapal at maayos ka."sambit ng aking kapatid at kumawala na ito sa pagyakap sa'kin.
"May masakit ba sayo'ng katawan?may gusto ka bang kainin?ano?"
napatawa naman ako ng mahina."kapatid naman..isa-isa lang ang tanong.Mukhang maayos na po ako."
ngumiti naman ito."oo nga pala."
napatingin ako sa kanya at...
"aww!"hinawakan ko ang ulo ko. isang batok sa ulo ang binigay niya sakin.
"parusa mo yan dahil hindi ka nag-ingat." ayan na naman siya sa malamig na pagsasalita nito.
"aww.kapatid naman! hindi pa ako lubusang magaling!"
tumayo na siya sa pagkakaupo sa tabi ng kama. "Hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin kapag hindi ka mag-ingat sa susunod."
natawa ako."ang bait mo talagang kapatid."sarkastikong sambit ko.
YOU ARE READING
E R D A ( CURRENTLY EDITING )
FantasyWag muna basahin,baka maguluhan pa kayo. (•﹏•) Saglit lang 'to. ♥