#SIC C-11
Tinawag na kami ng mga nagta-trabaho sa dog shelters dahil magsisimula na raw ang maikling program. Tinawag na rin nila sina Apollo at Brave pero nang bumalik ang dalawa ay yakap-yakap na ni Brave si Golden sa kanyang mga bisig habang kay Apollo naman ay yung aspin na walang buntot.
Pagkatapos ng maliit na speech ng parang may pinakamataas na ranggo roon ay nagsimula na kaming kumain kasama ang mga aso. Punong-puno ang mga bowls nila at alam nila kung saan roon ang kanilang mga bowls kaya hindi sila nag-aaway.
Noong tapos nang kumain ang lahat ay tumayo ang babae upang i-anunsyo ang bahagi ng program kung saan maglalaro na ang lahat.
"Alright! Since tapos na tayong lahat sa pag-kain, we are finally starting the games!" anunsiyo niya na nakatanggap ng masigabong palakpakan. "And for our first game, maglalaro tayo ng newspaper dance!"
Nagsimulang maglagay ang babae ng mga newspaper sa sahig. Nagkatinginan kaming tatlo nina Apollo at Brave. Alam na alam na namin 'to eh. Hayop talaga kapag by-pair ang mga laro, may isa sa'min na kawawa.
Bumuntong-hininga ako. "Huwag na lang tayong suma--"
"I'll pair with Apollo."
"I'll pair with Brave."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nilang dalawa. Aba't mga gago to ah?
"Pa'no ako? Mga traydor."
"Well," Brave raised his brows and smirked. "Hermes is here."
"Uh-huh," pagsang-ayon ni Apollo. "We're not traitors, we just have a suggestion to tell."
Sinamaan ko sila ng mga tingin. Heto na naman ang mga hayop na 'to sa mga tukso nila.
"Woah. What's with that look, Arus?" tanong ni Brave. "Don't you want to pair up with Hermes, hmmm? "
"Tigilan n'yo na nga ako sa mga tukso n'yo. Ilang ulit ko bang sasabihin na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, tsaka may boyfriend na nga ang tao."
"What?" mahinang tumawa si Brave, halatang nang-aasar. "C'mon, we were just suggesting that you might want to pair up with Hermes because she's your friend, right?"
Akmang magsasalita na ako nang biglang nagsalita na naman ang babae sa mic. Natapos na kasi siya sa paglalagay ng mga newspaper.
"Alright! Para sa mga hindi nakakaalam sa mechanics ng larong 'to, mage-explain ako. Unlike the usual newspaper dance, tao at aso ang maglalaro. Maaari kayong pumili ng isa sa mga rescued dogs upang maging partner n'yo sa larong 'to! So, pick your pawrtner now!"
Sumimangot ako. "Hayop, hindi naman pala dalawang tao eh."
"Arus, partner tayo!" giit ni Apollo. "Ikaw nalang maghanap ng ibang partner, Brave. Magaling na aso 'tong si Arus, e. Panay tahol nga lang ang hayop pero magaling pa rin!"
"Fucker," mahinang tumawa si Brave.
"Ewan ko sa inyo," malamig kong sabi tsaka iniwan sila para maghanap ng aso. Yung chihuahua na may defect ang pinili ko para hindi mabigat kapag binunuhat ko, Fall ang pangalan niya base sa dog tag niya.
Si Golden ang pinili ni Brave habang si Apollo naman ay yung aspin na walang buntot. Hindi sumali si Hermes at nakatayo lang siya sa gilid habang kumakain ng cassava cake. Pumwesto na kami ni Fall sa nakalaan na newspaper para sa'min. Hindi ko alam pa'no nila na-train na hindi kagatin ng mga aso ang newspapers, pero hindi man lang nila na-train si Fall na huwag mangagat sa hinlalaki ng paa ko.
Nang nakapwesto na kaming lahat ay nagsimula na ang kanta. Awtomatikong sumayaw-sayaw si Fall, winawagayway niya ang maliit niyang buntot habang yung katawan niya ay umaalog-alog.
BINABASA MO ANG
Sunk in Cerulean (MNL Boys Series # 2)
RomantikMNL Boys Series #2 - Some lovers turn to strangers. Some strangers turn to lovers. Some never get to experience both, while others get to experience the two. Either way, one thing is for sure: we all experience love, may it be platonic or romantic...