31

775 23 0
                                    

Masyadong dinibdib ni Ava ang nangyari. Wala siyang kibo habang nasa byahe sila ni Zion. Di na sumama si Marcus sa kanila.
Kaya natulog na lang muna siya andiyan naman kasi si Zion ito na muna ang bahala sa mga anak nila.

Medyo malayo kasi ang Enchun. Apat na teritoryo pa ang dadaanan nila makarating lang doon.
Di naman kasi problema ang pagdaan sa mga iyon dahil kilala ng mga ito si Zion.

Naalimpungatan si Ava ng medyo tumalbog ng kaunti ang sasakyan nila dahil nga lubak- lubak ang daan.
Buti na lang di nagising ang kambal.
Hindi na lang siya muling umidlip pa. Inaaliw na lang niya ang sarili sa pagtanaw sa mga tanawin na kanilang dinaraanan.
Habang si Zion naman tahimik na nagmamaneho ng sasakyan.
Naka pukos lang ito sa pagmamaneho.

Napukaw ang pansin ni Ava ng mabasa ang karatula na 'WELCOME TO ENCHUN' .
Binaybay na nila ang daan patungo dun. Unti-unti na ring lumitaw ang mga gusali yun nga lang halos lahat ng iyon ay puro makaluma ang desinyo.
Tahimik lang at may mangilan- ngilan na siyang nakikita na naglalakad sa daan.
Mag aala- una na ng tanghali pero makulimlim ang panahon. Nagbabadyang umulan. Pero naalala ni Ava na ganito din sa Cenred. Mukhang di ata masyadong nasisinagan ng araw ang lahat ng lugar dito.

Hindi mabilang ni Ava kung nakailang liko na sila hanggang sa huminto sila sa isang tagong lugar. Kinabahan tuloy siya dahil walang sinuman ang magagawi sa ganitong lugar dahil nasa gilid sila ng bangin kung titingalain akalain mo namang nasa paanan sila ng isang matayog na tore at napapalibutan iyon ng dagat na walang simumang mangahas na pumunta dahil sa malalakas na hampas ng alon. Kung ordinaryong bangka tiyak na wawasakin lang nito.

"Zion, bakit mukhang wala atang tao rito?"

Tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot sa tanong ko. Bagkus nauna ng maglakad dala niya sa balikat ang malaking bag na nilagyan ng lahat ng gamit ko at ng kambal habang karga niya ang babae kong naming anak.

Hindi ko pa pala sila nabigyan ng pangalan dahil tatanungin ko pa si Zion kung ano ang gusto niya.

May cold war ba kami? Mukhang wala siyang balak na kibuin ako eh.

Deretso lang siyang naglakad na parang walang kasama. Dumaan kami sa isang makitid na daanan. My goodness! Wala bang ibang daanan dito?! Mukhang isang maling hakbang lang malalaglag na ako ah at nakakalula ang taas. Waahh.. aatakihin ako sa puso nito. Buti na lang may kakapitan kundi nako talaga.
Humantong kami sa isang mukhang pintuan  na bato at may isang tauhan na nag aabang sa amin dun. Pormal lang ang mukha nito ng batiin si Zion. Take note si Zion lang.
At may isinaksak siya dun sa gilid ng pintuan at otomatikong nagbukas ito.

Nauna pa ring naglakad si Zion pababa sa isang hagdanan at dun kami humantong sa isang napakalaking library.

Wah. Gusto ko dito.

May tumikhim kaya nilingon ko kung saan ito galing at napatda ako ng makita ang isang napakagwapong nilalang.
Grabe ang gwapo kahit nakasalamin siya pero lalo itong naging ma appeal dahil dun.
Sandali akong natulala sa kanya. Nahimasmasan lang ako ng tumikhim si Zion na nasa tabi ko na pala.
Hindi na maipinta ang mukha nito. Ano kayang problema nito?


"Hmmn. So she's the mother of your twins".
Sinipat ako ng lalaking kaharap namin mula  ulo hanggang paa. Parang pinag aralan niya ako. Nakaka intimidate siya.

"Stop staring at her Kai. Yes, meet Ava and my twins".
Seryosong sabi ni Zion sa pinsan nito. Buti sana kung may iba pa siyang sinabi maliban sa pangalan ko pero wala nakaka lungkot lang.

"Tss. Possisive huh. Di ka naman ganito noon kay Jane. Oopps. Sorry my bad."

Parang sinadya talaga nitong pikunin si Zion na ngayon naman ay masama ang tingin sa pinsan.
He's so mean. Jerk.
Pero napukaw ang interes ko sa pangalang binanggit nitong pinsan niya.
Jane daw. Sino ba siya sa buhay ni Zion?


"Shut up Kai. Please not now. This is serious matter".
Pagkasabi ni Zion saka lamang tumigil sa pagngisi yung tinawag niyang Kai.
Naging seryoso na ito ng makipag usap sa amin.
Ang tindi ng topak ng lalaking to.


"Ava, he's kaizen. My cousin. Oldest brother ni Lance. Siya ang alpha king".

Really? May kapatid si Lance? Kuya pala niya ito. Kaya pala pagtitigan ng maigi may similarities silang dalawa ni Lance.
Kamusta na kaya si Lance. Na miss ko siya eh.

"Hello".

Yung lang ang tanging nasabi ko kasi nakakatakot kasi masyadong seryoso. Yung parang ayaw mong magkamali ng kaunti dahil siguradong mapaparusahan ka. Yun ang feeling pag nakausap siya.
Naka smirk lang siya habang nakatingin sa akin.


"Can i see them? "

This time nahinahon ng sabi ni Kaizen.
Kaya naman inilapit ko sa kanya ang baby boy namin na karga ko. Kasunod ko si Zion.
Kinuha naman ni Kaizen yung baby boy namin ni Zion at nilalaro ang munting daliri ng anghel.
Nangingislap ang mga mata nitong tiningnan ang mga anak ko.



"Wow they really look like you cousin".

Nakangisi nitong saad.



"Of course they' re mine in the first place".

Proud namang wika ni Zion sa pinsan. Ako naman tahimik lang na nakikinig sa kanila.





"Ikaw kailan namin nakikita ang sayo?"

Dagdag ni Zion na ikinalukot naman ng mukha nitong pinsan niya. Magkaiba talaga sila ni Lance. Kung si Lance masayahin at palangiti siya namang kabaligtaran ng kapatid nito na palaging seryoso at mukhang suplado.



"I am already enough to rule my own kingdom. I don' t need a successor and a burden".

Naka smirk nitong saad. Selfish din pala ito. I wonder why he' s like this.
He' s strong yet he' s so full of himself.
He treats a woman as a burden.
Tsk. Malala pa pala ito.

Hindi na lang nagkomento si Zion.
Umupo ako sa isang mahabang sofa na andito sa loob ng library habang nag uusap ang seryoso ang dalawa pero karga pa rin ni Zion ang baby namin.
Nilibot ko ang tingin sa loob ng library.
Ang daming librong nakahanay na hinati sa limang shelf tapos ang haba pa nito at puno ng mga libro na umaabot ang taas hanggang sa kisame. Nasasamyo ko pa ang amoy ng mga lumang libro na gustong- gusto ko talaga ang amoy nila. Para sakin nakaka- satisfy at nakakaadik.
I really love books as they are my little escape in the reality.








ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon