Chapter 4
Flint.Jarred.Travis.David
••••••••••••••••••••••••••••••••••
"Tanya, okay na ba to?" ani ko kay Tanya na nakapalumbaba sa mesa. Nasa bench kami ngayon at nagssketch.
Hindi sya sumagot. Malalim ang iniisip nya.
"Huy!" hampas ko. Napatalon sya sa ginawa ko.
"Ano ba yun?" napalingon sya sa kin.
Iminuwestra ko sa kanya ang sketch pad ko. "Ang sabi ko okay na ba to? Ano bang iniisip mo dyan? tulala ka." tawa ko.
"Wala naman. Okay na yan. Marionne, may itatanong ako." seryoso nyang sabi.
"Anu yun?" nagdudrawing na ako.
"Ano bang una mong naramdaman noong magsimula mong magustuhan si Kevin?" tanong nya.
Napatingin ako sa kaniya. Seryoso ang mukha nya.
"B-bakit? Gusto mo na ba si Lance?" hinampas nya ko.
"Pag nagtanong ako ng ganun kailangan si Lance talaga? Hindi pwedeng ibang tao?" giit nya sakin.
"I'm sorry naman. Bakit may iba pa ba?" halakhak ko.
Kung hindi si Lance, sino? Ung Nexus Zone member? Yung anak ng amo niya? Si Flint Nicholas Tiongson? I doubt.
Sandali syang natigilan. Hindi nya ko inimik. Tumawa ako. Baka totoo ang hinala ko.
"Si Flint ba yan?" sabay titig ko sa kanya.
Namula ang mukha nya. Sapat na to para makumpirma yon. Diba silence means yes? Samahan pa ng pagbablush nya. Confirm! Natawa ko habang tinitignan sya.
"Gusto mo na siya?" natatawa kong tanong.
Though gwapo nga ang chinitong yun, hindi ko pa rin magawang magtiwala lalo na't mayaman yon. Sa pananaw ko kasi, ang mga mayayaman ay manggagamit. Gagamitin ka nila para sa mga pansarili nilang kagustuhan. Gagamitin nila ang kanilang yaman at kapangyarihan para mapasunod ka. I hope hindi ganun si Flint kay Tanya. Halata pa namang gustong-gusto na siya nitong kaibigan ko.
"Uhhhmm-uhhh." sabi nya at tumango.
"Hayy naku Tan, mamaya gusto ka lang nyan dahil may gusto syang makuha sayo?" tinititigan ko sya gamit ang mala-pusa kong mata.
"Hindi naman siguro Marionne. Grabe ka naman. Panu nya ko gagamitin eh wala naman akong maipagmamalaki?" kumunot ang noo nya.
"Loka loka. Maganda ka at sexy! Alam mu na un kung ano" halakhak ko.
Hinampas hampas nya ko.
"Hindi ko naman ibibigay yon noh!" tumawa na rin sya. "Idol kaya kta, kahit matagal na kayo ni Kevin hindi mo pa rin sinusuko ang bandila mo" aniya nya at pumangalumbaba at tumawa.
Totoo ngang hindi ko pa isinusuko ang bandila ko kay Kevin kahit ilang buwan na kami. Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa kaya ang hinihiling ni Kevin. Sabi ko sa kanya ay kung mahal nya ko ay hihintayin nyang maging ready ako. Nahahalikan naman nya ko sa labi pero hanggang doon lang iyon.
"Syempre naman Tan! Yan nalang ang tangi nating kayamanan! Dapat ibinibigay naten yan sa mga karapat dapat na lalaki. Yung mapapangasawa mo at makakasama mo hanggang huli. Kaya ngayong wala pa yong taong yon, pangalagaan mo muna ang bandila mo" halakhak ko.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
Narrativa generaleI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤