I

23 1 0
                                    


Hmm.. Ang ingay, letse natutulog pa 'ko eh! Tungkol nanaman sa kalandian ng Josh na yan ang naririnig ko!

"Ayan na si Josh, peram lipstick dali bruha!"

"Maayos ba mukha ko? Maganda na ba? 'Di bale matagal na palang maganda to."

"Kapag ako nakita ni Josh, kukunin niya agad number ko. KYAAAAA!"

Oh diba? Sabi 'ko sainyo eh, puro kalandian. Nang dahil sa Josh na yan. Anyway, 'di naman ako interesado dun. Pero hindi 'ko naman kasi maiwasan na banggitin dahil paulit-ulit nalang ang eksena dito. Nakakasawa.

Sha Lim nga pala, ang pinaka-tamad na babae na makikilala niyo sa buong-buhay niyo na puro tulog ang ginagawa o kumakain. Oh well, that's me.

Mula dito sa kinatatayuan 'ko, kitang-kita 'ko rin ang kalandian ng Josh na yun. Pinaliligiran ng mga babae na kulang nalang isipin mo na drawing book ang mukha, at sa sobrang ikli pa ng palda nila eh dapat nag-panty nalang. Nag-sayang pa ng tela. Hay nako..

"Tulaleng ka nanaman dyan ateng!"Para namang kabute to si Eli Sam, pabigla-bigla ang sulpot. Siya lang naman ang nag-iisang babae na itinuturing 'kong kaibigan sa buong buhay ko.

"Tignan mo iyon."Itinuro 'ko ang mga babaeng nagku-kumpulan sa harap ng Josh na yun.

"Hay nako, inggit lang yan dear! Mag-hanap ka na kasi, sayang ang ganda!"Ganda? Sakin? Saan banda? Sa paa? Teka ilang question mark ba yan, apat?

"Hanap? Hindi yan hinahanap, hinihintay yan. Saka isa pa, wala akong ganda. Tss."Dapat lalaki ang mga nag-hahanap at hindi babae.

"Maganda ka naman kung mag-aayos ka! Alam mo, ang pangalan mo dapat e Juana tamad. Kumbaga, girl version ni Juan Tamad haha!"Hindi ko na yan tatanggihan since tamad talaga ako pero kahit papaano eh ipinapagana 'ko parin ang utak ko.

"Ha ha ha, nakakatawa."Sarkastiko 'kong sinabi.
"Hard as always."Naka-simangot niyang sinabi.
"Hindi ka cute, kaya wag 'kang pa-cute. Ha?"Alam ko kasi na yung simangot niyang yun eh pagpapa-cute.

"Sige na hindi na! Oh andyan na pala si Sir!"Pagka-kita ng mga students sa professor na iyon eh, automatic naman na bumalik sila sa kanilang upuan. Dahil terror nga naman ang professor na iyon. Pero isang tao lang ang hindi naaapektuhan diyan, sino pa nga ba? Edi si Josh Vans. Masyado kasing pa-cool ang tao na yan.

At napagkataon rin na sa tabi 'ko siya naka-upo. Sa tabi siya ng bintana kaya 2nd to the last ako.

Dapat nga doon ang pwesto 'ko kaso dahil malakas siya sa English teacher namin na babae eh napa-lipat. Asar nga eh, gurang na ang teacher na yun pero patay na patay rin dito sa taong to. Hindi 'ko nga alam kung tao nga ba talaga eh. Pero let's just stick with that term.

At dahil tinatamad ako makinig, matutulog nalang ulit ako, tutal hindi neto binabawalan ang mga hindi maingay.

Hmm..

Josh

Ano ba yan, ang boring boring talaga ng subject na ito!

Idagdag mo pa 'yang boring na katabi ko! 'di bale sana kung chix 'to eh. Kaso wala, minalas sa katabi. Idagdag mo pa na katabi ko to sa lahat ng subject.

Josh Vans nga pala, ang pinaka-gwapong nilalang sa mundo.

Babaero ako inaamin 'ko pero hindi 'ko sila girlfriend. Fling lang kumbaga, wala rin akong ikinakama. Corny 'to sabihin pero gusto 'kong i save ang.. Virginity ko para sa future wife ko.

Stealing is a crimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon