SWEET AS THEIR MOM

118 13 0
                                    

ETHAN'S POV

Nakatitig sa akin si Margarret na parang naghihintay sya sa magiging sagot ko sa tanong nya.

Ang ang luha nito ay patuloy sa pagbagsak at pakiramdam ko iiyak to ng malakas kapag sinabi ko na totoong wala naman akong nararamdaman sa kanya.

Nakatayo ako sa harapan nya at nakahawak sa magkabila nyang balikat. We maintain eye contact for a seconds, until I sigh.

"Margarret, pasensya ka na pero...wala kong pagtingin sayo." Mahinahong sabi ko sa kanya.

Kasunod na noon ay ang pamimilog ng mata ni Margarret na alam kong hindi nya inaasahan na sasabihin ko ang bagay na yon. Pero yun ang katotohanan, hindi ko naman sya mahal at wala syang pag-asa sa akin.

Damn.

Napaka weird lang na ako ang nagsasabi ng bagay na to, pakiramdam ko tuloy ay binabasted ko si Margarret.

"E-Ethan pero...anong ibig sabihin ng lahat?" She said and that made me stop.

Napataas pa ang isa kong kilay sa pagtataka dahil sa sinabi nya, "Aling lahat ang tinutukoy mo?"

Hinawakan ni Margarret ang dalawa kong collar at humagulhol, "Ang pakikipag kompetensya mo sa mga kaibigan mo para lang sa akin. Ethan, anong ibig sabihin ng mga yon dahil litong-lito na ako!?" She cried.

That I was taken aback after hearing those things, "Nakipag kompetensya ako?" Gulat na gulat na tanong ko at nalilito na din sa mga pinagsasasabi nya.

Hanggang sa binitawan ni Margarret ang dalawa kong collar at kumawala sya sa pagkakahawak ko sa dalawa nyang balikat. Humakbang sya palayo sa akin at tinalikuran ako.

Tinitigan ko lang sya at napaka weird na sa akin ng lahat. Hindi ko alam kung sabog ba sya or what?

Napaka tindi nyang pumantasya.

Nakatalikod lang sya sa akin at naririnig ko syang humihikbi habang nagsasalita, "Ethan...alam kong mahirap ang sitwasyon nating lima. Hindi agad ako makapamili sa inyong apat nina Brix, Cane at Claude dahil ayokong masira ang samahan nyo kaya pinatagal ko muna upang pahupain ang tensyon sa pag-aagawan nyong apat sa akin pero Ethan!" Sabi nito at biglang humarap sa akin.

Nanlalake ang mga mata ko sa binibitawan nyang salita dahil talagang sira ang tuktok ng isang to.

Bakit sya liligawan nina Cane, Brix at Claude? May mga asawa na ang mga yon at anak, si Brix ay ikakasal na din kay Violet ano mang araw kaya anong sinasabi ng isang to?

Tsaka hindi ko sya nililigawan, ni wala akong pakealam sa kanya.

"Ethan, matagal na akong nakapag desisyon na ikaw ang matimbang na lalake sa puso ko! Ikaw ang pinipili ko Ethan!" She shouted and ran towards me.

Nang makalapit sya sa akin ay akmang yayakap sya kaya naman hinawakan ko ang dalawa nyang balikat upang pigilan syang makalapit sa akin.

"Margarret, pamilyado akong lalake. Hindi pwede ang gusto mong mangyari." Sinabi ko yon sa kanya sa normal na tono at muli na naman itong umiyak ng malakas.

Napabuntong hininga nalang ako dahil bakit ba sa akin nagkagusto ang batang to.

Ni hindi ko sya binigyan ng motibo kahit kailan, hindi ko din sya pinapansin at parang hangin lamang sya sa akin kung ituring ko sya kaya anong dahilan para mahulog sya sa akin!?

BUT LET ME TRY (SEASON 3)Where stories live. Discover now