(Prologue)
"Talia, halika bilis!" Hinatak ni Gabby si Talia na nanonood ng movie sa cellphone niya, kasama nila ang nga kaibigan nila. Nasa itaas sila ng bundok para manood ng paglubog ng araw hindi alintana kay Kyrith ang magandang tanawin dahil sa pinapanood niya. Takot siya sa matataas na lugar.
Muntikan nang mabitawan ni Talia ang hawak niyang cellphone dahil masyadong malakas ang paghatak ni Gab kay Talia. Tinignan nila parehas ang tanawin, magkasama sila Sienna at Zam sa isang sulok at nakaupo, tila may malalim na iniisip.
Sa itaas ng bundok ay kita mo ang mga magandang tanawin, kulay kahel na pinagsamang dilaw ang kulay ng kalangitan. Ang mga bahay ay makikita mo sa ibabang bahagi. Ang lamig ng hangin na tumatama sa kanilang balat ay napaka-sarap sa pakiramdam.
Sa apat na magkakaibigan ay magkasundo sila Seinna at Zam sa kalokohan, katulad na lamang nu'ng nasa jeep sila dati. Nangangalabit si Seinna at Zam ng pasahero sa labas at sumisipol nang napaka-lakas.
4th year college na silang lahat, hindi man gaanong konektado sa isa't isa ay hindi mahalaga iyon dahil magkakaibigan pa rin sila na handang intindihin ang isa't isa.
Napatigil si Gabby nang mapansin niya si Sienna na nakaupp sa gilid habang katabi si Zam na tahimik lang. Karaniwan ay maingay silang dalawa at sobrang giliw, pero ngayon ay tila walang nagsasalita sa kanila.
Kinalabit ni Gabby si Talia na nag-sc-scroll sa kanyang cellphone. Namimili ng magagandang bags, shoes at iba't-ibang accessories. Tinignan niya si Gabby na nakatingin sa dalawang kaibigan, natigilan rin si Talia dahil sa nakita niya. Nilapitan niya ang dalawang kaibigan kasabay si Gabby na sumunod sa kanya.
"Anong problema niyo?" Tanong ni Talia, inangat ni Seinna ang tingin niya kila Gabby. Parang nabagsakan siyang nabagsakan ng langit at lupa dahil sa itsura ng mukha nila.
"Paano kaya kung buhay pa si Ginny? Tapos si Asha kasama natin? Paano kaya kung sabay-sabay tayong pupunta sa school? Paano kaya kung---" hindi na natapos ni Seinna ang sasabihin niya dahil sa sakit na nararamdaman niya, nangungulila silang apat sa pagkawala ng dalawa.
Lahat may katapusan pero hindi ibig-sabihin ng mayroong katapusan ang lahat ay hindi tayo aahon sa mga problema at nararamdaman nating sakit. Lahat ng lungkot ay napapalitan ng ligaya ngunit kailangan lamang nating maghintay ng tamang panahon.
"Alam niyo, i-enjoy nalang natin itong unang gala nating apat. Ano ba kayo! Buti nga pinayagan pa ako ni kuya na sumama dito sa inyo, nakakainis kayo!" Inis na sigaw ni Talia sa kanila staka umalis sa harapan nilang tatlo, si Talia 'yong kaibigan nila na ayaw na inuungkat pa ang nakaraan dahil ang mahalaga sa kanya ay ang kasalukuyan.
Tumingin si Zam kay Gabby na nakatingin kay Talia na umalis na sa harapan nila, tinanaw niya si Talia hanggang sa makababa. Napailing nalang siya dahil sa inasta ng kaibigan.
"Guys, sa tingin ko bumaba na lang muna tayo. Ayusin natin 'to, tayong apat na nga lang tapos magkakatampuhan pa? Tara na!" Hinila ni Gabby sila Zam at Seinna patayo, sinundan nila si Talia na naglalakad pababa ng bundok. Matarik ang binababaan nila kaya kailangan na dahan-dahan. Pinaka-tuktok kasi ng bundok ang inakyat nila kaya mapanganib kapag tumakbo sila.
Pinilit lang ni Seinna si Talia na umakyat sa bundok kahit alam niya na takot si Talia sa matataas na lugar. Gusto lang naman niya na makasama si Talia na manood ng paglubog ng araw, silang dalawa ni Talia ang unang naging magkaibigan bago pa man sila magkaroon ng isang grupo ng kaibigan. Kapatid na ang turing nila sa isa't isa kahit minsan ay hindi naguusap.
Kaunting hakbang na lang magiging matured din ang isip ni Talia, maiisip niya na ang lahat ng bagay na nangyari sa nakaraan niya ay magiging lesson para patuloy na bumangon. Hindi 'yong ibinabaon niya sa limot ang nakaraan, mapa-maganda man o hindi.
BINABASA MO ANG
Our Delight Ambition
AdventureAng storyang ito ay patungkol sa magkakaibigan na magkakasamang abuting ang kanilang mga pangarap. Kung mayroon mang pagsubok na dumating sa buhay nila ay sama-sama nilang hinaharap at nilalabanan. Sa gitna ng mga bagay na iyon ay mayroong tanong...