Kabanata 3"Sabi ko nga sa kanya baka namamalikmata lang siya at hindi iyon ang asawa niya, baka kako kaparehas lang ng damit eh hindi lang naman isa ang ganong damit sa mundo ano." sagot ng mama ni sefiana sa asawa nito habang tinatahi ang mga damit na kailangan na bukas.
"Ewan ko ba riyan kay marites palagi nalang balisa kapag umaalis ang asawa niya." sabi pa niya.
"Nandito na po ako." matamlay na paalam niya pagpasok ng kanilang tahanan.
"Oh anak, kumusta? okay ba ang school? anong nangyari sa first day dali magkwento ka." naeexcite na sabi ng mama niya.
nagtaka naman ang mga magulang niya ng dire diretso lamang siyang pumasok sa kanyang silid. naisip nalang nila na baka pagod lamang ang kanilang anak.
matapos magpalit ng damit at maghilamos, di makapaniwalang napaupo na lamang si sefiana sa kanyang kama.
hanggang ngayon iniisip parin nya ang nangyari kanina hindi sya makapaniwala na ginawa sa kaniya iyon ng isang lalaking di niya naman ganoon kilala. lapastangan! sa isip isip nya.
di sya makapaniwala na makaka encounter sya ng ganong klase ng lalaki sa totoong buhay akala nya sa mga libro lang yon nangyayari.
bago pa man sya mabaliw kakaisip sa nangyari kanina napag pasyahan na lamang niya na magbasa kinuha niya ang isa sa mga nabili niya nung isang araw na pinamagatang "Ang tinitibok ng puso ni bakekang."
"hindi huwag kang lalapit juan! dyan ka lang! hindi pa ba sapat ang iyong narinig? ayoko na sa iyo, si juanito na ang laman ng aking puso."
"alam kong nagsisinungaling ka lang bakekang! mahal kita at alam kong mahal mo parin ako! huwag mong lokohin ang sarili mo."
"hindi. nagkakamali ka." naiiyak na sabi ni bakekang tsaka tumalikod at naglakad papalayo.
hinabol siya ni juan at pwersahang hinila. napahiga naman si bakekang sa kama akmang tatayo siya ng biglang pumaibabaw si juan sa kanya. "Huwag juan! itigil mo na ito! Hindi na kita mahal! ayok-" napagpasiyahan ni sefiana na huwag nalang tapusin ang binabasa dahil may bigla siyang naalala, parehas na parehas kasi ang tagpo sa kung ano ang nangyari sa kanya kanina.
"ano pa bang pwedeng gawin?" tanong nya sa sarili. "hindi ko naman alam kung anong nangyari sa klase kanina, kung may assignment ba o wala dahil buong maghapon akong nasa cr at nagtatago."
"Anak kakakin na! bumaba kana riyan!" sigaw ng mama nya mula sa baba.
"Opo, bababa na." sagot naman niya.
bumaba na sya, nakita nyang ang paborito niyang ginisang ampalaya ang ulam kaya naman mula sa pagiging malungkot napangiti siya dahil mapaparami na naman siya ng kain ngayong gabi.
"Ayun, ngumiti narin sya." sabi ng papa nya kaya napatingin sya rito.
"Napansin kasi namin na mukhang pagod ka galing sa eskwela kaya naisip ng mama mo na ipagluto ka ng paborito mong ulam. o' sya kumain kana habang mainit pa."
"Salamat Ma, Pa." nakangiting sabi nya sa mga magulang.
Habang kumakain naisip niya na sabihin sa mga magulang ang nangyari kanina at magpalipat na lamang ng school.
"Nak, alam mo ba yung anak ni mareng mila sa YTU rin pala nag aaral pero graduating na ngayong taon. naikwento nya sakin na maganda daw talaga sa paaralan nayon mas tumalino at gumaling daw sa mga bagay bagay yung anak niya at alam mo ba na gagraduate ng magna cumlaude yung anak niya." kwento ng mama nya.
"Ma-"
"Anak sana okay lang yung YTU sa iyo lalo na bihira lang makapasok ang mga kagaya natin sa unibersidad nayon. walang kaso sakin kung hindi ka man mag top or mapasama sa mga cumlaude sa graduation ang mahalaga naman may natutunan ka at nakapag tapos ka, Ano nga uli yung sasabihin mo sana kanina?"
Sa sinabi ng mama niya napaisip siya. Oo nga bihira lang kaming makapasok sa ganoong klase ng university sa pilipinas hindi ko dapat sayangin ang pagkakataon. maswerte ako dahil meron akong supportive na parents na go with the flow lang sa mga gusto ko. ayoko silang biguin.
"Ahh.. ano ma, maaga ako bukas kasi bukas na talaga yung klase papagising sana ako sa inyo, alam nyo naman ayokong nag aalarm dahil baka mabato ko na naman at masira." palusot niya.
"Yun lang pala, sige ako bahala." sagot naman ng nanay nya.
nagpatuloy sila sa pagkain ng hapunan.
"Argh, ansakit ng tiyan ko. naparami ata yung kain ko kanina."
"Ma, lalabas lang ako saglit." paalam niya
"Oh sige basta umuwi ka ah." sagot naman ng nanay niya.
Nagpasya syang maglakad lakad, para tunawin yung mga kinain niya. nakalagpas na sya ng YTU ng biglang may mahagip ang kanyang mga mata isang lalaki sa rooftop na nakatingin, di niya alam kung sa kanya ba ito nakatingin o sa langit.
"Multo ba yon?" tinignan niya itong mabuti. "tao naman, anong ginagawa neto sa rooftop? pwede pa bang mag stay yung mga students ng gantong oras?" tanong nya sa sarili.
bigla na lamang niyang naisip na baka magpapakamatay ang kung sino mang nasa rooftop, dali dali syang pumasok sa university at umakyat papuntang rooftop. hingal na hingal pa sya dahil sa haba ng tinakbo niya buti nalang at may mga ilaw pa sa mga corridor ng university.
hingal na hingal sya ng makarating sa harapan ng pinto ng rooftop.
"bakit ba kasi may gustong magpakamatay ng gantong oras dito pa sa YTU eh kakapasok ko lang rito." hingal nyang sabi.
tumayo sya at hinawakan ang seradura ng pinto, dahan dahan niya itong pinihit at pumasok.
huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"Hoy ikaw! kung magpapakamatay ka wag dito! dun ka sa--" natigil siya sa pagsasalita ng makita kung sino ang lalaki.
kunot noo ito ng humarap sa kanya at pinagmasdan syang mabuti.
"i-ikaw?" di makapaniwalang sabi niya.
To be Continued....
BINABASA MO ANG
Y-TEEN UNIVERSITY
Jugendliteratur"h-hello?" hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayong araw na ito, basta ang alam ko lang hindi ko magugustuhan ang araw nato. "Hi! I'm Yoonshin from Y-Teen Unversity I'm calling to inform you that you have passed the entrance exam and that y...