6.

48 13 0
                                    

Napakasama talaga ni Liam sa'kin simula ng tumira ako sa mansiyon nila. Minsan nga ay naiisipan ko ng lumayas eh, mas gugustuhin ko pa sa squater na lugar kaysa naman kasama siya.

"Ano bang tinatanga-tanga mo dyan? Halika na." angil ni Liam.

"Pwede bang kausapin mo ko nang maayos? Parang mas squater ka pa sa'kin kung makapagsalita ka." angil ko rin.

"What did you say?"

"Kapag ako hindi nakapagtimpi sayo, baka hindi ko na talaga alam masabi ko sayo." tinitigan ko sya nang masama.

"Tsk. Sarap palayasin." bulong niya pero narinig ko.

"Nakakairita ka na talaga. Pakyu." bulong ko.

"Ano?!" sigaw niya kaya naman napatingin si Mama sa amin.

"Hoy kayo, nag-aaway na naman ba kayo?" awat sa'min ni Mama.

"Siya... Siya ang nauna! Nagmura pa siya, grabe" iiling-iling na sumbong niya. Nagsumbong pa talaga.

"Oh siya, tama na yan. Pumasok na kayo." sabi ni Mama at hinatid kami sa van.

Sumakay na kami. As usual, magkatabi kami ng lalaking 'to. Tumitig ako sa bintana at nagmuni-muni.

"Parang ngayon ka lang nakalabas ah? Ngayon ka lang ba nakakita ng kalsada?" si Liam na naman, ayan na naman siya.

"Tsk. Huwag mo nga akong pakialaman. Ikaw ba? Ngayon ka lang ba nakakita ng kalsada? Kase ako hindi, araw-araw kong nakikita 'yon." sabi ko naman.

"Are you insulting me?" bakas sa mukha niya ang asar. Pikon!

"Nakakainsulto ba ang sinabi ko? Parang wala namang nakakainsulto roon." pang- aasar ko. Hindi siya umimik.

Ilang sandali pa ang tumigil na ang sasakyan sa tapat ng gate ng school. Nauna si Liam bumaba at sumunod ako, hindi man lang ako hinintay ng mokong.

Pagkarating namin ng room, este ako lang pala dahil hindi ako hinintay ni Liam at nauna siya, kaya ako lang. Pagkarating ko ng room ay sumalubong sakin si Jaz at kumapit siya sa braso ko.

"Grandis!" masayang tawag niya sa'kin.

"Anong meron? Parang ang saya mo yata Jaz." tanong ko.

"Mamaya ko sasabihin sa'yo. Pero tama ka masaya ako, excited na kong makapagtapos ng pag-aaral dahil dun sa announcement ng Daddy ko. Oh my gosh!" tili naman ni Jaz.

"Anong announcement?"

"Umupo muna tayo. Tara!" hinila niya ko patungong upuan niya na ngayon ay upuan ko na. Pinaupo niya ko at umupo din siya sa tabi ni Liam. Siya naman ay as usual na walang emosyon.

"Ikakasal kami ni Liam kapag naka-graduate na kami." masayang banggit ni Jaz sakin.

"Bakit kailangan pang pag usapan ang ganyang mga bagay?" singit naman ni Liam. Ewan ko pero lagi na lang siyang sumisingit sa usapan namin si Jazmine.

"Hindi ka ba masaya na ikakasal tayo? We're perfect for each other. And I like you so hindi ako aangal kay Daddy and sa decision niya. Alam ko rin namang gusto mo ako, di ba?"

"Who told you that? Kailan ako nagkagusto sa'yo?" sunod-sunod na tanong nito na para bang pinapamukhang hindi niya gusto si Jazmine.

"Well, I'm sorry for being assuming. I just thought..." malungkot na ani ni Jazmine.

Ang dating excited at masayang mukha ni Jazmine ay nabalot na ng nakasimangot at malungkot na itsura.

"It's okay, kahit hindi ka niya type, kayo pa rin naman sa huli. It's never too late, you know? Malay mo kapag kinasal na kayo matutunan ka rin niyang magustuhan at mahalin."pagchi-cheer up ko sa kaniya.

"Tama ka, hindi dapat ako maging malungkot. As long as kami ang ikakasal, wala akong dapat ipag alala." bumalik ang masayang mukha ni Jazmine, efective siguro ang ginawa kong pagchi-cheer up.

"Should we make your Facebook account na? Para makapagchat na tayo!" aya ni Jaz.

"How can you make one if she doesn't have a phone? Or if keypad ang cellphone niya?" walang kwentang singit ni Liam. Ito si singit, e!

"She have a phone kaya! Let's go na nga, hayaan mo na siya. Pagpasensyahan mo na siya ah." aniya. Well, ubos na ang pasensya ko.

Ginawan nga ako ng Facebook ni Jazmine. Pagkauwi ko sa mansiyon ay kinuha ko agad ng phone ko at ni-log in ang account ko roon. At nag-chat na rin kami ni Jazmine, nakakalibang din pala mag Facebook at Messenger.

"Who's your chatmate?" tanong na naman ni Liam. Hindi man lang kumakatakot.

"Jaz." I responded.

"Really? Once na malaman ko na hindi si Jaz ang kausap mo, lagot ka sa'kin." pananakot niya. He's always like this.

"Bakit naman ako lagot sa'yo? Tatay ba kita?" sabi ko at tinulak siya palabas ng kwarto. Agad ko naman itong ini-lock. 

"Hey!" sigaw nito at nagkakakatok sa pintuan pero hindi ko na lang 'yon pinansin at natulog na lang.

Love Departure (Doctors Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon