Kabanata 4
"Hoy ikaw! kung magpapakamatay ka wag dito! dun ka sa--" natigil ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko.
kunot noo ito ng humarap sa kanya at pinagmasdan syang mabuti.
"i-ikaw?" di makapaniwalang sabi niya.
Napaatras sya ng lumapit eto.
"what are you doing here?" seryosong tanong nito, nakatingin ito sa kanya ng bigla itong napatingin sa kamay nya kaya naman napatingin rin sya roon namumula ang kamay nya dahil siguro sa hawak nito kanina sa kanya.
"tinitingin tingin mo?" sagot niya habang tinatago ang namumulang parte ng kamay niya.
"look i-" sabi nito bago humakbang palapit sa kanya.
"Hep hep hep! dyan ka lang. wag kang lalapit! dyan kalang." sagot naman nya habang patuloy sa pag atras.
sa patuloy niyang pag atras, di nya napansin na malapit na pala sya sa bukana ng pintuan ng rooftop kaya naman di nya inaasahang madulas ng nasa dulo na siya at wala na siyang hahakbangan, sakto namang nasagip siya ni jaze.
nakapikit sya at pinakiramdaman ang sarili, wala namang masakit sa kanya kaya naman unti unti niyang binuksan ang kanyang mga mata kasabay ng pagbukas ng kanyang mga mata ay ang pagtitig niya sa kulay tsokolateng mata ng lalaking nakapatong sa kanya.
teka nakapatong? tinignan niya ang ayos nilang dalawa.
nakahiga siya habang nakahawak ang isang kamay sa batok ni jaze, nakahawak naman sa kanyang bewang ang isang kamay nito habang ang isa ay naka alalay sa lupa.
sa gulat ay mabilis niya itong tinulak.
tumayo siya at pinagpag ang sarili niya tsaka tumingin dito. nakatayo narin ito at nakatingin sa kanya.
"pwede bang sabihin mo sakin kung bakit ka nandito? if i'm not mistaken students aren't allow to come here in the school at this hour." sabi neto bago umupo sa bench malapit sa pinto.
"a-ano..." pano ko ba sasabihin sa kanya na akala ko magpapakamatay siya kaya ako umakyat dito? tanong niya sa sarili.
"a-akala ko kasi may multo kaya para masiguro kung multo nga umakyat ako." nauutal na sabi niya.
"hmm ganon ba?" sagot nito sa kanya habang tumatango.
"Oo. ganon yon pero nakita ko naman na hindi multo kaya sige alis nako." sagot niya bago pumihit patalikod.
"Wait." sagot naman nito.
"Ano yun?" sagot nya ng nakatalikod parin.
"May multo naman talaga dito, sa fifth floor dito sa building nato may babaeng nagpaparamdam at naghahanap ng papalit sa kanya." sabi nito.
"W-weh? wag ako noh." sagot niya rito pilit binabalewala ang takot na nararamdaman.
sus multo daw. walang multo rito ang ganda ganda dito tas may multo. pero pano kung meron nga? naghahanap raw ng papalit sa kanya papayag ba ako? ayaw ko pa naman mamatay.
"okay. see it for yourself." mayabang na sabi nito sa kanya.
"E-ewan ko sayo! uuwi nako." sabi niya bago kumaripas ng takbo pababa.
wala pang ilang minuto nasa fifth floor na siya naglalakad na siya ng bigla siyang makarinig ng mga yabag papalapit kaya naman nagsisigaw siya patakbo natigil lang siya sa pagsigaw ng makalabas sya ng gate ng YTU hihingal hingal siya habang nakaupo.
saglit niyang tinanaw ang YTU, nandoon parin sya taas.
nakita niya itong nakatayo uli sa kaninang pwesto nito at nakatingin sa kanya maya maya pa ay umalis na rin ito roon.
"Ang weird talaga ng lalaking yon." sabi niya habang binabalik sa normal ang kanyang sarili.
pasado alas onse na ng makabalik sya sa kanila buti nalang hindi pa sya sinasaraduhan ng ganoong oras ng kanyang mga magulang.
pagkapasok sa kwarto ay naisipan niyang magbanlaw dahil narin sa mabaho na ang damit na suot nya dahil sa pawis kakatakbo.
"di parin ako makapaniwala na makikita ko uli siya. ano kayang ginagawa nya don? don ba sya nakatira sa school?" ay ewan ba't ba andami kong tanong.
di ako makatulog. yan ang sabi ko sa sarili ko.
nakahiga ako ngayon at nakatingin sa kisame ang daming gumugulo sa isip ko sa oras nato, isa pa yung lalaki nayon ano nga uli name nun jake? james? jeff?
hays ano kayang mangyayari bukas? makakahanap pa kaya ako ng friend sa YTU matapos ang nangyari ngayong araw nato? basta bukas kailangan kong pumasok ng maaga para maghanap ng magiging kaibigan.
at para mangyari yon, kailangan ko ng matulog.
To be Continued....
BINABASA MO ANG
Y-TEEN UNIVERSITY
Teen Fiction"h-hello?" hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayong araw na ito, basta ang alam ko lang hindi ko magugustuhan ang araw nato. "Hi! I'm Yoonshin from Y-Teen Unversity I'm calling to inform you that you have passed the entrance exam and that y...