Chapter 58

33 1 0
                                    

Chapter 58

I never thought I'm still capable to feel extreme fear after being so strong and fighting for morethan 6 years. Nakakaramdam lang naman ako ng takot kapag nagkakasakit ang anak ko at inaatake ng asthma niya, but other than that, I know I can tolerate. This is the very first time and hopefully the last time that I experienced being so tense for the straight three hours until the doctor finally said that he's already stable and resting.

Walang tigil ang pagpatak ng luha sa aking mga mata ng mga oras na iyon sa magkahalong galit at pangamba. Hindi pa nga ako gaanong nakakaahon sa senaryong natunghayan ko sa Laiya at pagkatapos ay ito naman ngayon? Ano pa ang susunod? Kailan ba siya mag-iingat at matututong alagaan ang sarili niya? Kailangan ba ay ibang tao pa ang gagawa? Kung kinakailangang humanap pa siya ng babaeng mag-aalaga sa kaniya masiguro ko lamang na palagi siyang nasa maayos na kalagayan, sige. Titiisin ko.

Utang na loob, titiisin ko... huwag ko lamang siyang makitang ganito.

Narito ako ngayon sa kaniyang kwarto at binabantayan siya. Mayroon siyang benda sa kaniyang braso maging sa kaniyang noo. Malumanay akong nakatitig sa kaniya, sinisiguradong komportable siya.

Kung maaari nga lang na hindi na ako umalis sa tabi niya, gagawin ko. Kaso hindi naman pwede iyon dahil may anak din akong kailangang alagaan, and I also have tons of names to encode in my laptop. Minsan nga ay dito na rin ako sa ospital nag eencode para lamang mapanatag ang loob ko at matapos ko ang trabaho ko. Umaalis lang ako kapag kailangan ko ng umuwi.. At kapag nandyan na ang magulang niya para pumalit sa akin sa pagbabantay.

Daryll's parents and I never get to see each other. Palaging umaalis ako bago pa sila dumating at sinisigurado ko namang wala na sila sa ospital bago pa ako pumasok sa kwarto ni Daryll. Nahihiya kasi ako, malamang ay hindi na nila ako naaalala kaya baka magtaka sila kung bakit palagi akong bumibisita.

Nakadalaw na naman ang barkada kay Daryll noong unang araw. Pero dahil sa kani-kanilang mga trabaho ay hindi rin sila makatagal kahit pa gustuhin nila. Ako lang naman ang part-timer sa amin kaya ako ang mas may oras para bumisita at magbantay sa kaniya.

Mabuti nga iyon. Dahil kung full time employee man ako ay paniguradong magl-leave ako mabisita ko lang siya ng madalas.

It's been two days since the accident happened, and until now hindi parin siya gumigising. The doctor said there's nothing to worry about. Maayos naman na raw ang lagay niya at namamahinga na lang kaya hindi pa nagigising. It will only take a day or two at magigising na rin siya. May tumama raw palang matigas na bagay sa ulo niya dulot nang pagdurugo, iyon ang nakita kong dugo sa katawan niya 2 days ako. Doon siya nawalan ng malay.

Sabi ng katrabaho niya, nabagsakan daw ito ng parte ng kisameng inaapula nila dahil sa apoy na siyang ipinagtataka niya. Parang wala daw sa sarili si Daryll dahil hindi naman siya madaling mapahamak sa trabaho ng ganoon lang. Lagi ay aktibo ito at alerto sa nangyayare sa paligid niya. Mabagal ang pagkakabagsak ng kisame at kung tutuusin ay kaya niya itong ilagan pero nakakapagtaka raw na hindi naka layo si Daryll bago tuluyang bumagsak ang kisameng inaapula nila.

That, I'm curious too.

I was silently sitting beside the bed where Daryll is. Bumisita kasi ako sa kaniya after kong mag encode sa bahay at magpaalam kay Primo. Iniintay ko kasi siyang magising.. Gusto kong makitang gising na siya para makampante na ako.

Bahagya kong hinaplos ang braso niyang may benda dulot ng kaniyang mga paso. Tsk. Ang kinis kinis mo tapos magpapapaso ka lang? Napabuntong hininga ako at saka patuloy siyang hinaplos doon.

"Da, gising ka na. Masyado mo na 'kong pinag-aalala.." I bit my lip before releasing a sad smile.

"Gumising ka lang... Ipapakilala ko sayo si Primo. He was the sweetest, da. Siguradong matutuwa ka sa kaniya. Sana..." I reached his forehead at saka malungkot ang ngiting humaplos doon.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now