NAGING very busy ang dalaga pagdating sa Berlin. Napaka-hectic ng naging schedule niya dahil ang Berlin International Film Festival ay isang prestihiyoso at sikat na event ng mga filmmakers.
Maraming activities bukod sa mga special screenings at world premiere ng iba't ibang pelikula kaya't lagi siyang pagod pagbalik niya ng hotel sa gabi. Pero minsan ay may time naman siyang magbukas ng email at makipag-chat kahit sandali sa mga ka-officemate at mga kaibigan. Si Denver ay hindi pumapalya sa pagpapadala ng email sa kanya araw-araw, bukod pa sa mga text messages. Kung anu-ano lang ang ikinukuwento nito. In fairness ay naaaliw siya at touched dahil sa thoughtfulness ng lalake.
Minsan ay natiyempuhan pa siya nito sa Skype at kinumusta siya. Nagpilit si Denver na i-on niya ang webcam niya para lang umano makita naman siya nito. Pinagbigyan niya ang lalake at nagweb chat sila ng may trenta minutos din. She had to beg off dahil maaga pa siyang a-attend ng press conference kinabukasan.
“Labas tayo pagbalik mo dito ha? Dadalhin kita sa paborito kong restaurant diyan sa Roxas Boulevard,” ani Denver.
“Sure,” sagot niya bago nag-log off.
For a minute ay natigilan din siya nang ma-realize na pumayag siyang lumabas with Denver. Hindi siya sigurado if counted yun as a date- pero naisip niyang wala namang masama dahil magkaibigan naman sila. In fact she was looking forward to seeing him again.
Pero tatlong araw bago ang kanyang flight pabalik ng Maynila ay nakatanggap siya ng email mula sa kanilang Chief Editor. Binigyan siya ng panibagong assignment and a new list of trips within Europe! It was like a dream come true dahil makakapag-ikot pa siya sa iba't ibang parte ng Europe-- for free.
Matagal na niyang gustong makapunta sa Switzerland, Italy, Belgium and France- and based on her itinerary ay magagawa na niya iyun. May fashion show kasi sa Milan in 6 days and magkakaroon pa siya ng oras na mag-stop over sa Switzerland kahit dalawang araw. After Milan ay sa pinapa-cover naman sa kanya ang Ford Super Models Fashion show for Spring Collection sa Paris kaya halos hindi siya makahinga sa excitement. May Pinoy kasing nakasama sa Ford Super Models at may Filipino designer din na kasali kaya't yun ang gustong patutukan sa kanya ng editor niya. Magti-train lang siya papunta sa iba't ibang bansa within Europe!
Excited siyang tumawag sa Pilipinas para sabihin kay Miguel na huwag na siyang sunduin kasi hindi pa siya makakauwi. Alam niyang aangal ang boyfriend niya pero hindi niya ini-expect na iba pala ang concern nito!
“Pano ang birthday party ko?” pamaktol na tanong ni Miguel over the phone matapos niyang sabihin magsi-stay pa siya sa Europe.
“Anong paano?”
“Di ba sabi mo ikaw ang bahala sa catering ng pagkain?”
Gustong mainis ng dalaga. Imbes na tanungin siya ng nobyo kung kumusta ito sa Berlin at kung nakakain na o kahit man lang isang pahapyaw na nami-miss siya-- wala! Mas inuna pa nitong tanungin kung paano ang catering sa nalalapit na birthday party.
“E anong magagawa ko, kailangan ko pang mag-stay. Maraming coverage ang gagawin ko. Kaya mo naman yan kahit wala ako.” Masama ang loob niya pero hindi na siya nagpahalata.
“Akala ko pa naman magdadala ka ng mga imported wine. Sinabi ko na sa tropa na yun ang ipapainom ko e.” sabi ni Miguel.
“Umorder ka nalang sa Ralphs or pumunta ka sa Rustan's. Yan pa ba naman ang iisipin ko sa dami ng trabaho ko dito?” Huminga siya ng malalim para hindi sumikip ang dibdib niya.
“Di mo yata ako nami-miss e,” pa-cute na wika ni Miguel na tila biglang gustong bumawi. Nahalata sigurong nag-iba na ang tono ng boses niya.
“Ma-miss man kita, may magagawa ba ako? Sa dami ng dapat kong gawin dito, ni matulog, kulang ako sa oras. Sige na at malaki na itong bill ko. Mag-e-email nalang ako or magte-text.”
Pagkatapos nilang mag-usap ni Miguel ay nag-email naman siya sa ibang kaibigan. Pati si Denver ay in-inform niya na rin na hindi muna siya makakauwi dahil sa mga bagong assignments.
Kinabukasan ay isang mahabang email ang natanggap niya mula sa lalake. Nalungkot daw ito na hindi pala agad siya makakauwi. Miss na miss na daw siya nito. Natawa naman siya dahil parang episode ng Dear Diary ang email ni Denver. Pero kahit corny ang mga pinagsasabi nito, hindi niya napigilan na kiligin. Siguro ay dahil matagal na siyang hindi sinusuyo ni Miguel ng ganun.
At bata pa si Denver. Hibang pa, sabi nga ni Christine sa kanya.
INABOT siya ng six weeks sa Europe bago nakabalik. Pag-uwi niya sa townhouse nakaabang na doon si Miguel na tila sabik na sabik sa kanya. Agad kasi siya nitong niyakap at hinalikan.
“Miguel, may jet lag pa ako,” reklamo niya na medyo lumayo at inayos ang sarili. “Saka may mga dala ako diyan na kailangang ilagay sa ref.
Pero pinigilan siya ng lalake at pilit na hinalikan.
“Come on honey, ang tagal mo sa Europe kaya na-miss kita ng husto.” Pinaghahalikan siya ni Miguel, kaya imbes na matuwa ay nainis ang dalaga. Ano siya, porn star?
“Sandali! Ano ba, sandali sabi e!” Itinulak niya ng malakas ang nobyo, kaya't nagulat ito sa kanya.
“What?!” Hindi makapaniwala si Miguel sa ginawa niya. “Anong nangyayari sayo?”
“Kanina ko pa sinasabi na may jet lag ako. Pagod pa ako at antok dahil hindi ako nakatulog sa eroplano. Gusto kong magpahinga naman muna.”
Nang pumasok ang dalaga sa banyo ay nakita niya sa salamin na namumula ang kanang bahagi ng bibig niya.
Narinig niyang lumabas ng townhouse si Miguel- padabog nitong binalibag ang pinto. Saka lang siya tila nakahinga. Umakyat siya sa kuwarto at humiga sa kama. Pumikit siya dahil antok talaga siya.
BINABASA MO ANG
Journey of Love
ЧиклитSaang kontinente ba nagtatago si Sparks? Baka naman nasa tabi-tabi lang siya, di mo lang napapansin….