“KUMUSTA ang traveler?” bungad ni Hansel- ang marketing executive nila sa publication. Bading ito at magiliw, love ng lahat sa office nila. “Nasaan ang pasalubong ko, Trisha girl?”
“Hahaha! Of course meron, ikaw pa!” Iniabot niya ang isang maliit na paper bag sa officemate. “Favorite pabango mo.”
Napatili si Hansel nang makita kung ano ang laman ng ibinigay niyang paper bag. Tuwang-tuwa itong napayakap sa kanya.
“Oh my God, di ko expected na may dala kang pasalubong te! Touched ako!”
“Echos! Lagi mo kayang pinapaalala sa lahat ng mga emails mo!” Natawa rin si Hansel sa komento niya.
“Miss Trisha, may tumawag nga pala dito kanina,” sabad ni Mavita, ang kanilang admin assistant. Mga fifteen minutes bago kayo dumating.”
“Sino daw?” Nagtaka siya dahil bihira siyang makakuha ng calls sa office line nila. Lahat ng tawag- official man or personal, ay sa cellphone niya lahat pumapasok.
“Denver daw.”
“Si Denver?!” Bahagyang napa-high pitch ang boses niya. Bakit siya tinawagan ni Denver sa office niya? Pero agad din niyang naisip ang sagot- hindi kasi siya nakapag-reply sa mga text messages ng lalake simula kagabi. Marami ding missed calls sa phone niya-- kaya siguro naghanap na ng paraan ang lalake na makontak siya. “Anong sabi niya?”
“Tinanong lang kung pumasok ka na.”
“Sino si Denver?” puno ng kuryosidad ang boses ni Hansel na muling lumapit sa cubicle niya. “Alam ba ito ni Miguel, mare?”
“Sira! Bagets lang si Denver, nangungulit lang.” Hindi na siya nagpahalata kahit nakaramdam ng pamumula sa pisngi.
“Oh, I love bagets! Sana ako na lang ang kulitin! I like! I like!” biro nito- kaya pati si Mavita ay natawa.
“Makita ka sana ni Mr. Alvarez!” aniya, na ang tinutukoy ay ang General Manager nila sa publication.
IT was around lunch time when she decided to give Denver a call. After all, madami na nga itong text messages at tawag na hindi niya nasagot. He answered on the second ring.
“Hey! Kumusta ka na? Saan ka?”
“Office. Ikaw? Kumusta?” Nakatingin siya sa laptop niya.
“Akala ko di mo na ako kokontakin e.”
Napangiti siya. Nai-imagine niya si Denver habang nakikipag-usap sa kanya.
“Busy lang. Siyempre kababalik ko lang.”
BINABASA MO ANG
Journey of Love
ChickLitSaang kontinente ba nagtatago si Sparks? Baka naman nasa tabi-tabi lang siya, di mo lang napapansin….