"Ano iyong favorite mong ulam, Traeh?" tanong bigla ni Hussef sa akin.
Kumakain kaming apat ngayon sa canteen. Katabi ko si Amaya at siya ay nakaupo sa harap namin, katabi si Leon.
Tumingin ako sa kanya habang nginungiya ang manok at kanin na binili ko.
"Lahat gusto ko," sagot ko sa kanya sabay subo ulit.
"Ganoon ba?" tanong niya. "Oh sige, favorite color na lang."
Hindi ko alam kung bakit ang daldal niya? O kung bakit tanong siya nang tanong sa mga favorites ko sa buhay? Ano ba ang gagawin niya sa mga iyon?
"Black," sagot ko.
Tumaas agad ang kilay niya. "Black? Bakit black?" Para bang gulat siya.
"Bakit? Bawal ba? Iyon talaga ang favorite color ko," sabi ko.
Mabilis namang tumango si Leon na puno ng pagkain ang bibig. "Tama, tama. Iyan talaga ang favorite color niya. Mula noon, hanggang ngayon."
Tumango-tango si Hussef. "Ah, okay. Eh, iyong favorite fruit mo?"
Muli akong sumubo ng kanin at manok. Siya rin ay sumubo sa pagkain niya.
"Strawberry," sagot ko sa kanya.
"Akin, melon," sabi niya.
Napatingin ako sa kanya. Ano naman ngayon? Hindi ko naman tinanong.
"Bakit?" tanong ko na lang.
Respect ba, respect.
Malawak siyang ngumiti sa akin. "Dahil masarap."
Marahan at nagtatakang napatango na lang ako. "Ah... akala ko dahil green on the outside but red on the inside."
Napatigil siya. "Sinasabi mo ba na red flag ako, Traeh?" tanong niya.
Hindi maguhit ang mukha niya. Magkasalubong ang kilay.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit mukhang nasasaktan ka? Kung hindi naman totoo, hindi ka naman masasaktan."
"Hindi, eh. May malalim na meaning iyang mga salita mo, eh," sabi niya. "Sige ganito, para malaman mo kung totoong red flag ako, subukan mo ako."
Napakurap ako. "Anong subukan kita?"
Humagalpak bigla si Leon. "Tikman mo raw siya."
Mabilis na hinampas ni Hussef ang balikat ni Leon. "Uy gago, hindi!"
Sinamaan ko ng tingin silang dalawa saka inirapan.
Bahala nga kayo. Ewan ko sa inyo, mga piste!
"Manahimik nga kayong dalawa. Ang laswa niyo," nagsalita naman si Amaya.
Tumingin si Leon sa kanya. "Anong malaswa doon? Marumi ka lang mag-isip."
Umirap si Amaya sa kanya. "Pati nga si Lorcan nagulat sa sinabi mo, eh. Kasi nga, malaswa. Bakit ba kasi napaka-fuck boy mo? Hindi ka matigil."
YOU ARE READING
My Not So Called Prince
Novela JuvenilTeen-Fiction It was a teenage love that revolves around butterflies, family, and academics. A genuine love in a wrong time.